"Wala po akong karapatan na magyabang kasi marami pa po akong pagdadaanan sa buhay. Simula pa lang ito para sa akin at sana nga po, magtuluy-tuloy ang blessings, hindi lang sa akin kundi pati sa buong pamilya ko," says Robert "Buboy" Villar about winning another Best Child Performer trophy.
Child star Buboy Villar says winning acting awards will not puff up his head
Wednesday, January 6, 2010
07:20 PM
Rating
Hinding-hindi raw makakalimutan ng child actor na si Robert "Buboy" Villar ang taong 2009 dahil ito ang masasabi niyang pinakasuwerte niyang taon mula nang pasukin niya ang showbiz.
Bago kasi matapos ang 2009 ay nabiyayaan si Buboy ng Best Child Performer trophy para sa pelikulang Ang Panday sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards. Second trophy na ito ni Buboy mula sa MMFF dahil noong 2008 ay siya rin ang nag-uwi ng Best Child Performer trophy para sa "Nieves" episode ng Shake, Rattle & Roll X.
Hindi naman nahiyang aminin ni Buboy sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ipinagdasal niya talaga na siya ang manalo. Isang magandang Christmas at New Year's gift daw iyon para sa kanya.
"Salamat sa Panginoon kasi Siya ang dahilan ng mga nangyayari sa buhay natin ngayon. Wala ang mga blessings na ito kung wala si God. Siyempre, salamat sa aking pamilya na nandiyan parati, ang mga kaibigan ko, at lalo na kina Senator Bong [Revilla] at Kuya Ipe [Phillip Salvador] na inalagaan ako noong ginagawa namin ang Panday. Congratulations din po sa kanilang dalawa dahil ang galing nila sa pelikula namin," nakangiting sabi ni Buboy.
Ipinapangako ni Buboy na hindi raw lalaki ang ulo niya o magiging mayabang dahil isa na siyang award-winning child actor.
"Hindi naman po ako pinalaki ng mga magulang ko para maging mayabang," sabi niya. "Gusto ko ngang i-share ang trophy ko sa ibang nominees. Lahat naman kami nagtrabaho nang maayos at deserving kaming lahat sa award.
"Wala po akong karapatan na magyabang kasi marami pa po akong pagdadaanan sa buhay. Simula pa lang ito para sa akin at sana nga po, magtuluy-tuloy ang blessings, hindi lang sa akin kundi pati sa buong pamilya ko."
TYPHOON ONDOY. Nakaramdam din ng matinding problema si Buboy at ang kanyang pamilya noong 2009 nang maging biktima sila ng Bagyong Ondoy. Pinasok ng mataas na baha ang kanilang bahay at marami silang gamit na nasira. Pero dahil sa sipag ni Buboy ay nakabangon sila at unti-unting nabalik ang mga nawala sa kanila.
Ngayon nga, bukod sa may bago nang sasakyan si Buboy ay napaayos na rin niya ang kanilang bahay. May malaking ipon na rin ang child star sa bangko at tinulungan nga siya ng kanyang manager na si Direk Maryo J. de los Reyes.
"Isa si Direk Maryo sa sobrang pinapasalamatan ko dahil naniwala siya sa talent ko at hindi niya po kami pinababayaan. Lahat ng meron ako ngayon, malaking bahagi no'n ay galing sa tulong ni Direk Maryo," saad ni Buboy.
PANDAY KIDS. Nalalapit na ang pagtatapos ng Darna, kung saan gumaganap si Buboy bilang Ding, pero may next show na kaagad siya sa GMA-7 pagkatapos nito. Ito ay ang Panday Kids kung saan makakasama niya sina Jolina Magdangal, Jackie Rice, Polo Ravales, Lovi Poe, at JC de Vera.
Excited na nga si Buboy na masimulan ang Panday Kids dahil kakaibang action-fantasy adventure series ito na pambata at pang-matanda.
"Ikinuwento pa lang po sa akin ang Panday Kids, parang gusto ko nang mag-taping para sa show na 'yon," sabi niya. "Pero matagal pa kami magsimula. Magpahinga raw muna ako after ng Darna.
"Gusto rin po ni Direk Maryo na tutukan ko ang pag-aaral ko. Naka-home study program kasi ako. Kaya kahit nasa taping ako, lalo na kapag breaktime namin, may mga binabasa ako at may assignments akong ginagawa. Gusto ko po sana sa school talaga, pero hindi ko raw kakayanin kasi may taping at shooting ako."
Dagdag niya. "Okey naman ang ginagawa ko kasi napagsasabay ko ang trabaho at pag-aaral. Pero dasal ko po na makapasok ako sa totoong school kasi gusto kong magkaroon ng classmates para dumami ang mga kaibigan kong bata. Puro kasi matatanda ang mga nakakasama ko sa trabaho kaya para na rin akong matanda magsalita at mag-isip. Pero okey rin lang kasi marami akong natutunan sa kanila na puwede kong i-share sa mga magiging kaibigan kong mga bata."
- Buboy Villar on estranged father: "Okay lang po kung gusto niya akong makita."
- Senator Bong Revilla comments on Baron Geisler's latest harassment issue
- Bong Revilla and Lani Mercado remain together despite the trials in their marriage
- Phillip Salvador says winning MMFF acting awards twice in a row is his right time
- Bong Revilla will endorse Edu Manzano in 2010 elections
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- Priscilla Meirelles reveals how pregnancy made her world "turn 360 degrees"
- Regine Velasquez and Ogie Alcasid introduce son Nathan to the media; Songbird reveals experiencing post-partum blues
- Sharon Cuneta reveals Frankie and Miel's interests; happily announces that Miguel is now "legally a Pangilinan"
- Jake Cuenca: On His Way to the Top
- Regine Velasquez shares bonding moment with baby Nate on Twitter
- LJ Reyes talks about her new role as a young mother
-
Television
AKTV and PBA heighten "Kampihan Na!" campaign for Commissioner's Cup
PBA continues its campaign of asking fans to be more vocal about their support for their favorite basketball teams.
-
Homes and Family
Priscilla Meirelles reveals how pregnancy made her world "turn 360 degrees"
She says her initial plan was to get pregnant two years after her wedding, but she realizes, "God's time is the perfect time."
-
PEP Finder
Sharmaine Suarez says showbiz will always be her home
After seven years, Sharmaine is back to acting.
-
All About
Eugene Domingo: "I hope that the 'woman in the septic tank' gets to wear a gown and walk on the red carpet at the Kodak Theatre!"
Most Popular
- Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
- PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
- David Archuleta to perform at Pyropalooza event
- Alice Dixson denies separation rumors anew
- Heart Evangelista says she's ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."
- Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it
- Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Advertisement

