Happy si Paolo sa itinatakbo ng kanyang career, lalo pa at for the first time ay makakasama niya sa isang project ang ninang niyang si Eula Valdes na gaganap bilang Adela, ang nanay ng bidang si Lara (Kris Bernal).
"Pero hindi ko pa alam kung magkakasama kami sa eksena, hindi ko pa nababasa sa script. Sana magkasama kami."
Naitanong ng PEP kay Paolo kung ano ang comment niya tungkol sa relasyon nina Eula at Rocky Salumbides matapos maghiwalay sina Eula at ang dati nitong mister na si Richard Litonjua.
"Hindi ko naman masyado alam yung ano nila ni Richard, pero kilala ko si Rocky, mabait naman si Rocky."
Dati nang kakilala ni Paolo si Rocky.
"Kasi model siya, nakakatrabaho ko siya before, 'tsaka nakikita ko siya sa casting, pero hindi naman kami, as in, friends, pero meron kaming mga common friends. So kapag lumalabas tapos makikita mo, ganun."
Basta kung saan raw maligaya si Eula, suportado ito ni Paolo.
"Kung saan siya masaya, masaya rin ako para sa kanya."







Keep it up Paolo, pero in fairness Pretty ka pa sa mga Baba Boom girls Ha.
In fairness,super pretty siya kapag naka Precious Paula siya,lalo na nung Sabado sa Bababoom. Mas maganda pa siya sa mga babae. Wala akong nakikitang masama kung gay man siya,unti unti na din siyang nagpapakita ng sign na aamin na talaga siya. Hwag naman sana siyang yurakin ng iba.