KC Concepcion says movie with her dad Gabby has go-signal from mom  Sharon

Rose Garcia
Thursday, February 04, 2010 @ 09:58PM  |  19640 views


  KC Concepcion's third movie will co-star her with dad Gabby Concepcion. This time, she will have Jericho Rosales as leading man.

Photo By: Rose Garcia













Isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nagulat nang makita namin sa wedding nina Ciara Sotto at Jojo Oconer noong Linggo, January 17, si KC Concepcion. May mga nauna kasing report na wala sa bansa si KC kaya hindi siya makakarating sa kasal ng kanyang Tita Ciara, na ginawa sa Westfield Manila Polo Club. Si Ciara ay pinsang-buo, sa mother side, ng ina ni KC na si Sharon Cuneta.

Pero nilinaw naman ito ni KC sa PEP nang makausap namin siya.

"Naku, walang ganun!" bulalas niya. "Hindi ko nga alam kung bakit iniisip ng tao na hindi ako makakapunta. Hindi niya [Ciara] ikinuwento yung date until a week before. So, sabi ko, 'Yun naman pala. So, just let me know kung kailan eksakto.'

"Kasi, actually, meron akong appointment today na na-book ko six months ago pa. Out of the country yun. Pero noong sinabi niya yung date, wala nang tanong-tanong, dinilete ko siya sa schedule ko para lang makapunta ako dito."

"Guest" ang description ni KC sa papel niya sa wedding nina Ciara at Joe. Pero during the wedding ceremony, nakita namin si KC na siyang nagkabit at nagtanggal ng veil ng mga ikinasal.

Gano'n ba kaespesyal si Ciara sa kanya para kanselahin niya ang anumang engagement niya?

"Oo naman, of course!" mabilis niyang sagot. "Walang tanung-tanong yun. Sobrang isang sabi lang yun, nandito na ako."

Dagdag ni KC, "I can't believe that she's getting married. This is her day. Sabi ko nga sa kanya, 'Huwag kang masyadong mai-stress kasi alam mo yung minsan, nakikita ko na parang sobrang nagwo-worry siya. Gusto niya siyempre mag-enjoy yung mga guest. Gusto niya siyempre maganda ang susuutin ng lahat.

"Ma-arrange lang. Kasi, sila-sila lang din ang gumawa at yun ang isang ina-admire ko rin sa kanya. Hindi siya masyadong kumuha ng malalaking event organizers. Yung talagang mga loved ones niya ang nag-ayos for her. Very down-to-earth din kasi yun, e. So, maganda yung na-reflect dun sa big day niya. At yun nga, nandito tayong lahat and I'm so excited. They've been together for three, four years na. Matagal na silang magkasama, so it's about time na."

Ano ang wish niya for Ciara and Jojo?

"As I always say, I know na solid yung relationship nila. Sobrang inaalagaan siya. And I pray na huwag mawala yung fun, yung pag-enjoy nila sa isa't isa, yung pag-enjoy nila sa life in general. Kasi, after nilang ikasal, yun na yun. Wala na."

Nakikita na rin ba niya ang sarili that one day, siya naman ang maglalakad sa altar?

"One day... one day... Bilang babae naman ako!" natatawang sabi ng 24-year-old actress-singer. "Someday. Pero, wala pa yun... wala pa yun. Since very young pa ako at marami pa akong gagawin siguro. Hayaan mo ng sila muna."

MOVIE WITH PAPA GABBY. Kinuha na rin namin ang pagkakataon upang tanungin si KC kung ano ba ang mga dapat abangan sa kanya ng fans ngayong 2010.

"Well, I'm making my second album already. Lalabas na siya very soon. Sobra akong excited and it's under Sony Music. I wrote three songs na matagal akong hindi nagsulat, then isang afternoon, bigla na lang pumasok lahat ng kanta. Bigla na lang akong nakasulat ulit.

1  2  Next »

Related Articles

62 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name