"And then, I'm doing my next movie sa Star Cinema. Magsu-shoot na yata kami in two weeks. Pero ginagawa na namin lahat ng workshops, lahat ng pre-prod, ganun," sabi niya.
Ano ang difference ng third movie niya sa first two movies na ginawa niya—For The First Time sa Star Cinema at When I Met U sa GMA Films, with Richard Gutierrez as her leading man in both movies?
"Well, ibang leading man, siyempre. And it's gonna be light," ani KC.
Ang tinutukoy na movie ni KC ay ang pelikulang pagsasamahan nila for the first time ng kanyang ama na si Gabby Concepcion. Ang magiging leading man naman niya rito ay si Jericho Rosales.
Masaya si KC na may go-signal ng mama niyang si Sharon Cuneta na mauna silang magkasama ng dad niya sa movie.
"Of course, of course naman! Who wouldn't want to do a movie with your own father, di ba? And with Mama rin, sana... one day," asam niya.
"Peacemaker" ang tawag namin kay KC dahil pinanindigan niya talaga ang title na yun kahit sa kanyang mga magulang, na ngayon ay mas okay na ang relasyon sa isa't isa.
"Oo nga, talagang trinabaho ko yun na magkaayos-ayos na lahat. And sobrang happy ko that it happened naman," nakangiti niyang sabi.
Posible kayang silang tatlo naman ng mama at papa niya ang magsama sa susunod niyang project?
"Ay naku, kapag nangyari yun, sobrang saya ko! Pero who knows, di ba? Sana...sana nga."
PIOLO PASCUAL. Pagdating naman sa nauugnay sa kanya ngayong si Piolo Pascual, nakangiting nakiusap si KC na huwag na lang daw siyang tanungin kung ano nga ba ang naging Christmas gift niya sa aktor. Ito ay sa kabila ng inamin na ni Piolo na pang-scuba diving ang natanggap nitong regalo from KC.
Aminado naman si KC na kahit nagtapos na ang teleserye nilang Lovers in Paris, may strong bond pa rin sila ng heartthrob.
"Of course, of course naman... Hindi naman ako yung ganung type na parang seasonal lang. Ang pangit, di ba? Kaplastikan yung ganun. Hindi naman po," saad niya.







mabuting tao, mapagpatawad, matulungin sa kabataan at maka pilipino yan si KC, ganyan sya pinalaki ni mega, and her mom raise her so well
si gabby pa, ang track record nyan panloloko, panggagamit at demanda, kaya nga kayod kalabaw yan para may pambayad sa asunto, sa totoo lang ang selling point naman ng proyektong sinasamahan nyan ay ang mga kabataang artista, pansahog at pansalo lang yang si gabby mautak umiwas sa responsibilidad, ngayong tapos na si kc ng college at sikat na artista kaya lang umiksena dahil puwede nang pagkakwartahan, LOLz
Mznj,
I understand your point, pero maganda na rin yung bago nag showbiz ay nakatapos mag-aral. Ano naman ang pede nyang gawin outside showbiz, maski nakatapos sya? Sa showbiz pag sikat ka at maraming projects, don ang pera and maybe KC, gusto rin siguro nya ng exposure at baka hilig din nya mag-artista.
Si Jennica Garcia, kaya naman syang pag-aralin ni Jean, bat kaya di muna sya mag-aral? I can understand Bea Alonzo, Nadine Samonte, Kim Chiu etc, sila kasi ang breadwinner ng pamilya.