This year, mas gusto ni KC Concepcion na mag-focus sa kanyang singing career more than doing teleseryes or movies. Ito ang inihayag ni KC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 10th anniversary party ng YES! Magazine kagabi, February 23, sa NBC Tent.
"Meron kaming pinag-uusapan na teleserye, although ang focus namin this year is music talaga and I think na-miss din ng mga tao yun," sabi ng 24-year-old actress-singer. "But you know, I really love doing teleserye. I really enjoyed doing my work in Lovers in Paris and I really love to do one again."
Bukod sa pag-concentrate sa kanyang singing career, kasabay rin nito ang movie na ginagawa niya under Star Cinema with her father, Gabby Concepcion, and leading man Jericho Rosales. Kumusta ang shooting nila?
"Actually, hindi pa kami masyadong nakakapag-shoot," sabi ni KC. "Kasi, sobrang...meron yatang project sina Echo at Papa na magkasama. And so far, hinihintay ko pa lang, yung talagang hinihintay ng lahat na magkasama kami in one schedule na parang pareho kami na lahat kami libre on the same day. So, yun ang ina-eye. But I think they'll gonna beat naman the deadline that we'll have a movie by May."
KC'S VALENTINE'S. Isa rin sa kinumusta ng PEP kay KC ay ang nakaraang Valentine's Day at kung paano niya ito ipinagdiwang.
"Valentine's Day? Quiet," nakangiti niyang sagot. "What did I do on Valentine's Day? I spent Valentine's Day with one of my best friends na girl, she lives in L.A. And also with my lola, she was there."
What about Piolo Pascual na inili-link sa kanya?
"Well, I don't know what he did on Valentine's Day!" natatawang sabi ni KC.
Hindi man lang ba nagparamdam sa kanya si Piolo?
"Hindi...nag-uusap naman kami. Pero wala kasi kami sa Pilipinas. He was with different trip. I was with different trip, too," paliwanag ni KC.
May ibinigay na bang Valentine's gift sa kanya si Piolo?
"Siguro parating pa lang!" tawa niya ulit.
Kindi raw niya nakaugalian talaga magbigay ng Valentine's gift.
"I don't give gift on Valentine's Day. Maybe, guys talaga," ngiti ni KC.
BIG SISTER. Bilang kapatid naman, aminado si KC na hindi pa siya nakakapag-spend ng maraming oras sa bago nilang kapatid na si Miguel, ang adopted son ng Mama niyang si Sharon Cuneta at stepfather niyang si Senator Kiko Pangilinan.







Maganda rin naman sya at may breeding. Kaya ok naman sya as a person.
Sabi ko na nga ba, tama talaga ako, after ng Lovers in Paris, wala na yung kanila ni Piolo, halatang gimmick lang talaga yung ligawan. Hindi naman talaga ako naniwala simula pa.
Anyway Good luck KC and sayo na rin Piolo. Peace…………
miss u na KC sana, magkaroon ka ulit ng teleserye para ganado na ulit kaming mga fans mo, wag mo pansinin ang mga nega dito, mas maraming nagmamahal sayo...
pumupunta lang ako sa PEP para tingnan kung may article kayong dalawa ng mama Sharon mo.
natural si KC sa drama. sa LIP on cue ang pag iyak nya...tulo talaga ang luha pati uhog! namana nya yan kay sharon