Paulo Avelino gets ready for baby's homecoming

Rey Pumaloy
Sunday, August 01, 2010 @ 06:59PM  |  85 views


Paulo, who wears a Mohawk for his bad boy role in Ilumina, is eager to play dad to his son, Ethan Akio. While girlfriend LJ Reyes recovers from the July 24 delivery, Paulo is getting Akio's room ready for when mother and baby come home from New York.

Photo By: Courtesy of GMA-7













Saka na raw nila pag-uusapan ni LJ ang binyag pagbalik nito sa Pilipinas.  Pero kung si Paulo ang masusunod, gusto niya bago raw matapos ang taon ay nabinyagan na ang anak nilang pinangalanang Ethan Akio.

Sagad ang ngiti ni Paulo tuwing pag-uusapan si Akio, "chubby cheeks" nga raw ang "cute na cute" na bata. Hindi siya makapaniwalang tumimbang ito ng 7.4 lbs. nang lumabas.

"Hahahahaha... ang laki nga po, e.  Ang laki niya for LJ's frame.  Hindi mo aakalain na magdadala ng gano'ng kalaking baby si LJ, e, ang liit at ang payat ni LJ, di po ba?" masaya niyang tanong.

U.S. VISA DENIED. Pero pilit ang mga ngiti niya nang tanungin kung ano ang feeling niya na di niya nasamahan sa panganganak si LJ, at di niya na nahawakan ang kanilang baby pagkalabas nito. 

Panghihinayang at lungkot daw ang naramdaman niya sa di niya pagsama kay LJ sa isa sa pinakaimportantent panahon sa buhay nila.

"Ang plano namin before is [for me] to be there before she gives birth, para nandoon ako pagkapanganak niya.  Nagkaproblema lang kaya hindi ako nakapunta doon," eksplika niya.

Hindi nabigyan si Paulo ng U.S. visa. Ang nakikita niyang dahilan ay ang posibleng pagdududa ng U.S. consul na nag-interview sa kanya na babalik pa sila ni LJ sa Pilipinas.

"Parang family ties raw is too strong in the U.S.  Yun siguro ang dahilan kaya siguro ako na-deny.  Inasikaso ko na yung application ko for the visa noong February pa," kuwento ni Paulo.

Inakala niyang magiging emotional sila ni LJ nang manganak ito, pero mas nanaig yung excitement.

"No'ng nag-usap kami, tumatawa na nga ako, e... Nakakalungkot lang noong una at nakaka-depress dahil wala ako no'ng moment na yun, e.  Pero no'ng lumabas yung baby parang nawala nang lahat, e.  Gagawin ko na ang lahat ng makakaya ko, until kung makapunta man ako doon or makabalik sila dito sa atin," pahayag niya.

Di pa makumpirma ni Paulo kung kailan darating sa bansa si LJ at ang baby.  Hindi rin niya masabi kung makakapunta pa siya sa New York para sunduin ang kanyang mag-ina dahil bukod sa naumpisahan na ang taping ng Ilumina, panibagong pag-a-apply na naman ito sa U.S. embassy.

"Kung hindi man, siguro dito ko na lang sila hihintayin.  Pero titignan ko kung makakapunta pa ako doon.  Wala pang date kung kailan sila darating dito.  Kasi kalalabas pa lang po ng ospital," sabi niya.

« Prev  1  2  

Related Articles

10 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name