Hindi lang inaasahan ni Jennica na magiging ganito kaganda na ang kanyang career noong mag-umpisa siya sa 2007.
Pero nais niya na may mas mabuting kapuntahan pa rin ang kanyang pag-aartista. Isa na rito ay ang makapagpatayo siya ng isang school. Kung natuloy siya sa kolehiyo, gusto niya na maging teacher sa SPED (Special Education).
"Noong bata ako, gusto ko na magkaroon ng sarili kong school. Aim high na. Yun talaga gusto ko, kung mangangarap ka na lang. Malay mo na marinig ni Lord. Kapag lagi mo pinagpe-pray.
Pero walang regrets si Jennica tungkol sa pagsali niya sa showbiz.
"Sana ten years from now, nakapag-ipon na ako nang sobra-sobra para puwede na ako tumigil. High school graduate lang ako. Hindi na ako nakapag-college. Kailangan matapos ko iyon.
"Kasi para sa akin, single mother yung mom ko, so feeling ko kahit sinong single mother, walang ibang gusto kundi makapagtapos ang anak niya. I want that feeling of happiness for her. And I want to make sure that it will happen. Puwede magtrabaho ngayon. Puwede kong pagsabayin. Pero mahirap. May rason ang lahat ng ito."






napaka rensponsible...
hay kahit na di ko sya nakaka chat ehh nasagot naman nya yung mga wall post ko sa kanya hahahah....
love you...love ko kayo ni ms.jean....
congrats sa jejemom....
ang tagal na naming inaabangan nyan buti nalang ipapalabas nah..
more sucess pah...tsaka sana araw araw ka na rin magbukas ng facebook...
hahaha....
love you mwuahh...