It will be a star-studded-wedding for actress Nikki Valdez (in photo) and her non-showbiz boyfriend, Chris Lina. Some of the celebrities who will be part of their wedding entourage are Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Aga Muhlach, Jolina Magdangal, Assunta de Rossi, Rica Peralejo, among others. Photo: Noel Orsal


Two months away from her wedding date, almost complete na ang entourage sa kasal ni Nikki Valdez at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Christopher Lina, a distant relative of former senator and Laguna governor Joey Lina. Ikakasal sina Nikki at Chris on July 7 sa Don Bosco Church, Makati City. Susandan ito ng reception sa Rockwell Club sa The Fort.

 

Nang makasalubong namin siya sa corridor ng ABS-CBN, masayang ibinalita ni Nikki sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kumpleto na ang set ng kanyang magiging ninang sa kasal.

 

Pumayag na raw maging principal sponsors ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas at ang singer na si Marco Sison. Si Marco ang naka-discover kay Nikki sa Biñan, Laguna, when she was only 16 years old. Councilor that time sa Biñan si Marco noong um-attend sa workshop niya si Nikki. Si Marco rin ang nagdala kay Nikki sa ABS-CBN.



Magiging ka-partner ni Ai-Ai as one of the principal sponsors ang direktor na si Wenn Deramas. Samantala, iniisip pa raw ni Nikki kung sino ang makaka-partner ni Marco. Pero kung maayos daw ang schedule ng Diamond Star na si Maricel Soriano, sila ni Marco ang ipagpapares ni Nikki. Um-oo na raw si Maricel na maging ninang niya, kaya lang, hindi pa alam ng Diamond Star ang kanyang schedule.



Magka-partner naman ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang "Papa Ags" ni Nikki na si Aga Muhlach.

 

Bukod sa mga nabanggit na celebrities, may seven pairs pa raw ng principal sponsors na non-showbiz.



"I have three pairs na non-showbiz from Toronto, parang family friends namin. I made sure na yung mga pinili ko would be the ones na may impact. Either they really love me or talagang sila yung nag-help sa akin," sabi ni Nikki.



Kabilang sana sa mga bridesmaids si Claudine Barretto, ang co-star ni Nikki sa soap operang Walang Kapalit. Ngunit naka-schedule na palang manganak ang aktres sa last week ng July. Ganunpaman, nangako na raw si Claudine na darating siya sa kasal ni Nikki.



Sina Jolina Magdangal at Assunta de Rossi ang bridesmaids ni Nikki. Ang maids of honor naman niya ay ang kanyang sister-in-law na si Barbara Lina, ang kanyang kapatid na si Angeli Garcia, at si Rica Peralejo.



Kasama naman sa secondary sponsors ang mga nakasama ni Nikki sa sitcom na Okey, Fine! na sina John Estrada, Bayani Agbayani, at Edu Manzano. Sa mga babae naman ay kasama ang kaibigan ni Nikki na si Beth Tamayo.



Copper na hinaluan ng konting chocolate brown ang motif ng wedding nina Nikki at Chris. Ang sikat na designer na si JC Buendia ang gagawa ng wedding gown ng actress-singer at ng buong entourage.



"Ako lahat pumili!" pagmamalaki ni Nikki. "Sabi nga nila, for my age, parang weird daw pumili ng ganung [old] color. Pero sinabi ko, ayoko nung parang maturity level na ‘to, di ba? Tsaka ayoko ng masyadong maraming kulay. Ayoko ng mga pink. No offense doon sa iba. Pero like for me, I wanted it to be classy iyong color. Kasi old yung motif ko, e. Old na wedding, parang iyong 16th century. Kasi even the style for my gown is parang medieval.



"My gown? I don't think all white, gusto ko parang ecru. I don't like all white, e. Kahit sa kotse nga, ayoko ng puti. Ewan ko, parang hindi rin bagay sa skin tone ko. Tsaka kasi nga, old. Even sa pictures, I wanted it to look old. Parang sepia, parang ganun. Tsaka yung flowers lang ang all-white."



Ang kilalang wedding planner na si Rita Neri ang kinuha ni Nikki para asikasuhin ang iba pang detalye sa kanyang kasal.



"Magkasundo kami ni Tita Rita. Napakabait niya. At akala ng iba, kapag kumuha ka ng weding planner, siya yung magpa-plan. No, bina-balance niya yung stress ko. Kasi lahat ‘yon, personal touches ko pa rin. Let's say meron siyang ano, ‘O, gusto mo bang ganito?' Tinatanong niya muna talaga ako. I believe it's supposed to be the final say of who's going to get married, hindi yung ibang tao. Pero marami siyang advise sa akin. Siyempre mas experienced siya, di ba?"



Sa Canada binili nina Nikki at Chris ang kanilang platinum wedding ring noong February. After the wedding, magpapahinga lang daw sila for one day at saka sila magha-honeymoon sa Amanpulo for three days. And then, lilipad na sila papuntang Canada para doon manirahan.