[x]
Cherry Lou and Michael Agassi exchanged wedding vows at the latter's birthplace in Laguna last September 15, 2007. Photo: Edward dela Questa

 

Ikinasal na ang Showgirl na si Cherry Lou sa long-time boyfriend niya si Michael Agassi nung Sabado, September 15, sa Mystic Valley sa Laguna, na pag-aari ng pamilya Agassi. Si Michael ay nakababatang kapatid ng actor-rapper na si Carlos Agassi.

 

"Same batch kami sa Star Circle Batch 9 at dun kami nagka-inlaban. Actually, siya yung naunang na-in love sa akin. Six years, six years na kami. Super mahal kasi kung hindi, hindi ko igi-give up ‘yung mga boys ko d'yan," lahad ni Cherry Lou.

 

Nung December 30, 2006, pa lamang daw ay namanhikan na ang mga magulang ni Michael sa bahay ni Cherry Lou at nagkataon pa na birthday that time ng dating singing partner at older sister niyang si Cherrie Gal.

 

"Actually, tatlong beses na akong nag-propose sa kanya," pahayag ni Michael.

 

Sabi naman ni Cherry Lou, "Actually, tatlong beses ko siyang tinanggihan, joke! May tatlong singsing na siyang 'binigay sa akin."

 

Kumpirmado rin na tatlong buwang buntis na si Cherry Lou nung nagpakasal siya kay Michael.

 

"Matagal ko nang gustong magka-baby," sabi ni Michael. Kwento pa ni Cherry Lou, sa Laguna ipinanganak si Michael kaya pinilit niya na doon sila magpakasal.

 

"Gusto ipahawak sa amin ng Mommy ko [ang resort]. Surprise ‘to ni Mommy para sa amin," sabi pa ni Michael.

 

Kabilang sa mga napili nila na maging godparents sa kanilang kasal ay sina Gabby Lopez ng ABS-CBN, ang manunulat at host na si Cristy Fermin at ang broadcaster na si Korina Sanchez. Twenty pairs lahat ang ninong at ninang nila sa kasal.

 

Nasa entourage naman ang mga kasamahan ni Cherry Lou na Showgirls na sina Gem Ramos, Michelle Estevez at Jen Rosendahl. Sa lalaki naman ay sina Carlos at ang bunso ng mga Agassi na si Aaron.

 

Pagkatapos ng kasal ay magpapahinga muna sa Laguna ang bagong kasal habang kasama pa nila ang pamilya ni Cherry Lou na galing Mindanao.

 

"Sa ngayon kasi yung family ko nandito silang lahat from Mindanao pero after that baka gusto niya sa ibang bansa. We'll see," sabi ni Cherrie Lou.

 

Samantala, magkaiba ang gender na gusto nila sa kanilang magiging anak.

 

"Ako, gusto ko talaga, boy, pero gusto ng family ko, girl. Lahat kasi kami three boys, e," sabi ni Michael.

 

"Lahat naman kami all girls, four kami," dagdag naman ni Cherrie Lou.

 

Bilang panghuli, heto naman ang pangako nila sa isa't isa.

 

"We've been through a lot. Pero promise ko, aalagaan kita, pati magiging babies natin hanggang 'andito pa ako. I love you at mamahalin kita for the rest of my life," promise ni Cherry Lou.

 

At heto naman si Michael para sa kanyang misis, "Sana nafi-feel mo na parang bago pa rin yung love natin. Tapos I'll try my best para suportahan kita and our family. Mahal na mahal kita at ‘di kita ipagpapalit."