"I'm happy to represent the country. Since mahilig ang mga Pinoy na mag-Internet parati, sana they can vote for me para manalo naman ang Pilipinas," says young actress Stef Prescott who was chosen to represent the country in the Miss Internet World 2007, the same title won by Carlene Aguilar last year. Photo: File photo


Hindi man nanalo si Stef Prescott ng anumang titulo sa Starstruck: The Next Level, siya naman ang napili bilang Philippine representative sa Miss Internet World 2007.



Kabahagi ang titulong Miss Internet World-Philippines sa kaka-launch lang na Miss Bikini Philippines 2008 sa Garden Ballroom ng EDSA Shangri-La Plaza Hotel last Tuesday night, September 25.



Ayon kay Stef ay handpicked daw siya ng local organizers ng Miss Bikini Philippines na maging representative ng Pilipinas sa Miss Internet World 2007. Sa London gaganapin ang competition at via Internet ang voting to determine kung sino ang mananalo.



"Noong sabihin nila sa amin na ako ang napili nila, nakaka-flatter naman because for sure na marami silang pinagpilian. I'm happy to represent the country. Since mahilig ang mga Pinoy na mag-Internet parati, sana they can vote for me para manalo naman ang Pilipinas. Log-on lang sila sa www.misstourismworld.com para makaboto sila. Hope that many will support me sa contest na ito," sabi ni Stef sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



May cash prize at ilan pang mga premyo ang at stake sa Miss Internet World 2007. Ayaw mag-expect ng kahit ano si Stef sa panibagong competition na ito na dumating sa buhay niya. Mas gusto raw niyang mag-enjoy sa pagsali niya sa contest na ito.



"Once in a lifetime lang dumarating ang ganitong pagkakataon, so I want to really enjoy it," sabi niya. "Natuto na akong huwag mag-expect masyado dahil ako rin ang mahihirapan kapag hindi ko nakuha. May nag-advise sa akin na huwag kong masyadong dibdibin ang competition. Pero huwag din ako magpabaya. Basta mag-enjoy lang daw ako."



Kung matatandaan ay isa si Stef sa early favorites para sa titulong Ultimate Sweetheart sa artista search ng GMA-7 na StarStruck: The Next Level. Pero hindi nakaabot si Stef sa Final Six at napunta kay Jewel Mische ang Ultimate Sweetheart na title.



Ngayon ay mainstay si Stef sa youth-oriented series na Boys Nxt Door na magtatapos na ang first-season run. Tamang-tama dahil paalis si Stef for London para makipag-compete.



Last year, si Carlene Aguilar ang napiling Miss Internet World-Philippines at siya rin ang nagwagi bilang Miss Internet World 2006. Ngayon ay isang proud mama na si Carlene dahil nanganak ito sa U.S. last September 24.



Kasama ni Stef na ni-launch sa Miss Bikini Philippines 2008 ang representative natin sa Miss Bikini World na si Annrhea Macapagal, na isa sa mga briefcase girls sa Kapamilya Deal or No Deal, at sa Miss Bikini International na si Princess Ryan na member naman ng Star Circle Batch 13 ng ABS-CBN.