"It's probably divine. Twenty-five years ago, I was also here on EDSA. So, I take it as an honor for me to be able to serve. I think anyone would be honored to be given that task to serve," says Ogie Alcasid about being appointed one of the commisioners of EDSA People Power celebration.

Photo: Noel Orsal

Umaga pa lang ay nasa EDSA na si Ogie Alcasid para makilahok sa ginawang EDSA People Power Monument cleanup drive na ginawa kanina, Pebrero 18.

Ayon sa singer-songwriter, ang paglilinis na ginawa sa People Power Monument at EDSA Shrine ay isa lamang sa mga preparasyon ginagawa ng EDSA People Power Commission para sa 25th anniversary ng makasaysayang tagpo noong Pebrero 25, 1986.

Sa nasabing petsa naganap ang pagbaba sa puwesto ni dating Pangulong Ferdinand Marcos pagkatapos ng mahigit na 20 taon sa Malacañang, at ang pagkakaluklok kay Corazon Aquino bilang kauna-unahang babaeng Presidente ng Pilipinas.

Si Mrs. Aquino ang ina ni President Noynoy Aquino.

Ito ay naganap dahil sa pagkakaisa ng maraming Pilipino upang hilingin ang pagbaba sa puwesto ni Marcos sa pamamagitan ng People Power.

Ang cleanup drive kanina ay dinaluhan din ng mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines, JC Manileñas, Department of Public Works and Highways, Armed Forces of the Philippines, at ilang kinatawan ng Unilever, na siyang manufacturer Cif Cream Cleaner na major sponsor ng cleanup drive.

Kwento pa ni Ogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal): "Nakakatuwa dahil ang dami rin namang nag-volunteer. Starting today, they'll be cleaning the whole monument, pati doon sa EDSA Shrine. Pati 'yong ating landscaping medyo babaguhin."

Pagkatapos nito, inanyayahan ni Ogie ang publiko na dumalo sa gagawing selebrasyon sa Pebrero 25, Biyernes, sa Edsa People Power Monument.

"Sa February 25, sa unang pagkakataon, magkakasama ang ABS-CBN talents, GMA-7 talents, at TV5 talents. Dito po, magkakaroon po tayo ng performances from 7 p.m. hanggang 10 ng gabi. Pagkatapos po no'n mayroong special DJ-ing si apl.de.ap.  Nakakatuwa, magiging masaya."

ARTIST/PUBLIC SERVANT. Bilang pinakabagong commissioner, aminado si Ogie na pinag-aaralan pa lamang niya ang kanyang katungkulan. Gayunman, sinabi niya na buong puso niyang tinatanggap ang trabahong ito.

"Well, I'm the youngest in the commission, I learned from all of them. The people in the commission really have their hearts in the right place. I mean, they're willing to work for the commission and for the people for nothing.

"We haven't talked about any means of compensation. We haven't even talked about that. On our own, we said yes to the call of the president [Noynoy Aquino], and yes to the call of the people who put up the commission."

Sa halip na alalahanin ang kanyang role bilang commissioner, ikinatutuwa pa niya ito dahil para sa kanya, "It's probably divine."

Dagdag pa ni Ogie, "Twenty-five years ago, I was also here on EDSA. So, I take it as an honor for me to be able to serve. I think anyone would be honored to be given that task to serve."

"ANG GALING NG PINOY." Bukod sa mga programang inihahanda para sa 25th anniversary ng Edsa People Power, nagkaroon din ng pagkakataon si Ogie na makabuo ng kanta para sa okasyon. Ito ay pinamagatan niyang Ang Galing ng Pinoy, at ipinarinig niya ang ilang bahagi nito sa maiksing programa kanina. (CLICK HERE to watch the video.)