celeb

Carla Abellana celebrates birthday with sick children and Dr. Dogs

by Rizza Lorraine C. Benedicto posted on June 25, 2012  STATS: 6775 Views | 1 Comments

Carla Abellana and Dr. Dog "Ginger" gave love to ward patients on the former's birthday.

"Sana mai-share ko lahat lahat-lahat ng blessings ko sa mga tao. Wala na 'ko mahihiling pa, sobrang 'etong birthday ko was the best birthday that I’ve ever had 'tapos eto yung pinaka-blessed ako in my life."

Photo By: Rizza C. Benedicto

Noong June 21, ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ambassador na si Carla Abellana ay nagdiwang ng kanyang ika-26 kaarawan sa (Philippine Children’s Medical Center (PCMC), Quezon Avenue, Quezon City.

Dumalo ang ilan sa mga PAWS Volunteers, ang program director ng PAWS na si Anna Cabrera, kasama ang mga "Dr. Dogs," na maituturing na innovative animal therapy program kung saan layunin nitong maibigay ang isang pangangailangan ng tao—isang best friend.

Ang masayang bungad ni Carla, "Naniniwala kami sa PAWS  na ang gamot, hindi lang 'yan yung nabibili o sinasaksak sa katawan.

"Puwede ding makagamot ang pagmamahal siyempre. 'Di ba, love is the best medicine?"

Dagdag pa ni Carla, "Sa family natin, parents, pati yung mga aso, nagbibigay ng pagmamahal. So kahit pagod ka na, makita mo lang sila na napasaya yung mga bata, yung pagmamahal na maibigay namin, pati nun mga aso, nakakatuwa...

"Kasi kahit mga aso, nakakagamot din yun..."

Hindi rin daw matatawarang ang reaksiyon ng mga bata pag nakikita ang mga aso.

"Nakakatuwa at nakakalambot ng puso kasi bukod sa nakikita mo na mahilig sila sa mga aso. Nakikita mo na lumalaki yun mga mata nila, ngumingiti sila, napapangiti sila kahit sandali lang kasi alam mong nagsa-suffer sila.

"May karamdaman sila, they are in pain so kahit sandaling-sandali lang, kitang-kita mo na nag-glow at nag-light up yung mga mata nila, yung  mukha nila.

"Nakakataba ng puso, nakakaiyak talaga. 'Tsaka may ibang bata, nakikikanta nakikisayaw sa amin, very responsive sila, game na game naman talaga sila,” ang masayang kuwento ng 26-year-old actress.

Bakit mo naisipan na ganitong celebration ang gawin?

“Kasi hindi ko pa nagagawa ito, and pag nagse-celebrate ako, laging kasama mga fans.

"This year, sabi ko, maiba naman, bakit di tayo bumisita sa mga batang may mga sakit para pasayahin sila, para maiba naman.”

“Minsan lang ‘to, e! Minsan lang magkaroon ng opportunity na ganito na magsama-sama. Tinulungan pa kami ng North Park. Ang laking pasasalamat ko sa kanila, nagsama-sama kaming lahat para bumisita dito, minsan lang ‘to. Napakaraming blessings, dapat i-share mo.

“Oras pa lang, malaking bagay na, presence pa lang, malaking bagay na.  Nakakatuwa, naghanap ako talaga ng time na free ako, free din sila (PAWS), pati ang mga Dr. Dogs.”

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

1 Comment

  • Syete

    06/28/2012 | 09:35 PM
    she's so pretty!!! ang sarap tingnan ng face nya.. magkamuka sila ni Marian Rivera
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About