[x]


GMA Network joined Baguio City’s annual Panagbenga Festival last February 23 and 24. Wearing their costumes for the primetime fantaserye Indio, Bong Revilla Jr. (not in photo), (L-R) Ehra Madrigal, Vaness del Moral, Sheena Halili, Rhian Ramos, and Ryza Cenon, joined the Panagbenga Grand Float Parade.

Photo: Courtesy of GMA-7

Umakyat ng Baguio ang ilang Kapuso stars upang makisaya sa annual festival ng Baguio City na Panagbenga.

Noong Pebrero 23, isang Kapuso Night ang naganap, kung saan nag-perform ang mga talent ng GMA-7 na sina Vaness del Moral, Chynna Ortaleza, at Rhian Ramos.

Hindi naman maawat sa katatawa ang mga manonood nang mag-host para sa games ang isa sa cast ng Pepito Manaloto na si John Feir.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga fans nina Ehra Madrigal, Sheena Halili, at Ryza Cenon na magpakuha ng litrato kasama sila ng gabing iyon.

Kinilig naman ang mga kababaihan nang mag-perform at magpa-games ang grupong Down to Mars.

At sa finale, hindi magkamayaw ang marami nang lumabas na sa stage si Dennis Trillo, na lumapit pa sa mga fans para magpa-picture.

THE PARADE. Taon-taon naman ay marami ang sumasali sa Panagbenga Grand Float Parade.

Dito’y naghahanda sila ng mga floats na puno ng iba’t ibang bulaklak, isa sa mga ipinagmamalaki ng Baguio.

Ang ilang cast ng GMA-7 primetime fantaserye na Indio ang nakisaya noong Pebrero 24 sa Panagbenga Festival.

Sumakay sa ship-like float ay ang bida ng Indio na si Bong Revilla Jr., na sinamahan nina Rhian Ramos, Sheena Halili, Ryza Cenon, Vaness del Moral, at Ehra Madrigal.

Habang noong gabi naman, isang mall show ang naganap na dinaluhan naman nina Rafael Rosell, Mikael Daez, JC Tiuseco, at Bettina Carlos.

Kaya naman ang mga Kapuso stars, ganoon na lamang ang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga taga-Baguio City.