(L-R) Ruffa Gutierrez, Georgina Wilson and Zia Quizon are the new brand ambassadors of a local beauty product. They will be promoting the brand’s latest wrinkle correcting cream, whitening lotion, and perfume, respectively.

Photo: Noel Orsal

Ipinakilala sina Ruffa Gutierrez, Georgina Wilson at Zia Quizon bilang pinakabagong brand ambassadors ng Avon.

Naganap ang pagpapakilala sa kanila noong Pebrero 27 sa White Space sa Chino Roces Ave., Makati City.

Si Ruffa ang endorser ng wrinkle correction cream, si Georgina para sa whitening lotion, at perfume naman ang kay Zia.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Georgina at Zia kagabi, at dito’y inalam namin kung paano sila napapayag na maging endorser ng beauty products na ito.

Ang dahilan na sinabi ng dalawang dalaga—women empowerment.

Ani Zia, “I’m very honored of course to be part of a family that’s promoting women’s rights and promoting their confidence, feeling beautiful no matter what shape or size.

“So, I hope this is a start of something lifelong.”

Habang para kay Georgina naman, “dream come true” ang pagkuha sa kanya ng beauty brand na ito bilang isang endorser.

Paliwanag niya, “Avon talaga was like… I think it’s because, of course I love their products, but also Avon stands for… a product that empowers women.

“I think it just means so much it was like maybe men would understand but… Avon is a very special brand.”