Paula Peralejo and her husband Charlie Fernandez opted for a Filipiniana-themed wedding "to showcase the beauty, arts and culture of our own country."

Photo: Rose Garcia

Ikinasal na ang dating Tabing Ilog mainstay na si Paula Peralejo.

Noong Sabado, February 23, naganap sa Sanctuario de Santo Cristo sa San Juan ang pag-iisang dibdib nina Paula at ng itinututuring niyang travel buddy, best friend, at boyfriend na si Charlie Fernandez.

“It was exciting!” wika ni Paula sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap siya pagkatapos ng kasal.

“I couldn't hold my happiness and laughter because I'm finally marrying my best friend.”

Filipiniana ang naging theme ng kasal na dinaluhan lamang ng malalapit na kaibigan at kamag-anak ng bride at groom.

THE BACK STORY. Kilalang Kapamilya star si Paula noong 1990’s.

Nagsimula siya bilang child star sa Ang TV, Kaybol, Ang Bagong TV, at ilan pang mga programa.

Pero mas higit siyang nakilala sa Sunday youth-oriented drama series na Tabing Ilog, kunsaan naging ka-loveteam niya si Patrick Garcia.

Si Paula ay ang nakababatang kapatid ng aktres at singer na si Rica Peralejo.

Ilang taon na rin siyang hindi aktibo sa showbiz mula nang piliing maging full-time student at mag-focus sa kanyang pag-aaral.

Nagtapos si Paula sa kursong B.A. Philosophy, magna cum laude, sa University of the Philippines noong 2008.

Habang nag-aaral ay nakahiligan ni Paula ang pagbibiyahe sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas.

At sa minsang pagpunta niya sa Anilao, Batangas para mag-scuba diving, mahigit anim na taon na ang nakakaraan, ay nakilala niya si Charlie, na ngayon ay nagtatrabaho sa isang health food company.

Magmula noon, naging magkaibigan at constant travel buddies ang dalawa, hanggang sa ma-develop ang kanilang pag-iibigan.