"Marami na akong naririnig na kung anu-ano, pero deadma na lang. It goes with it, e. Ako naman, sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin, basta huwag lang nilang kakantiin ang mga taong mahal sa akin. Doon lang ako magsasalita," says Aiza Seguerra (left), who is very much involved with Chen Sarte (right). Photo: Noel Orsal (Aiza) & Enie Reyes (Chen)


Handa na si Aiza Seguerra sa repercussions ng pagiging open niya about her sexuality. Kumbaga, okay lang sa kanya kaysa gawin pang isyu. Pero aminado si Aiza na karamihan ay hindi nakakaintindi sa sitwasyon niya.



"Hindi ko na lang iniintindi, kasi wala naman akong sinasagasaang tao," sabi ng dating child superstar nang bisitahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Ysabella.



Very open din si Aiza sa pakikipagrelasyon niya sa kapwa niya babae, si Chen Sarte. Apat na taon na raw sila sa ganoong estado, pero iniiwasan pa rin niyang basta makalkal ang tungkol dito.



"Marami na akong naririnig na kung anu-ano, pero deadma na lang. It goes with it, e. Ako naman, sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin, basta huwag lang nilang kakantiin ang mga taong mahal sa akin. Doon lang ako magsasalita," pahayag ni Aiza.



Paano tinatanggap ng parents ni Aiza ang sitwasyon niya?



"Let's just put it this way: Nirerespeto nila ang decisions ko," sabi ni Aiza. "I won't say na gusto nila kung anuman ang decision ko, pero alam nila na happy ako. Para sa kanila, masaya na sila dahil happy ako."



May mga nagpahayag pa noon na kesyo nilulustay ng girlfriend ni Aiza ang kinikita niya. Ano ang masasabi ni Aiza rito?



"That's not true," tanggi ni Aiza. "Walang pakialaman pagdating sa ganyang bagay. Nagkakaintindihan kami kaya hindi rin siya dapat ninenega ng ganyan.



"Kung anuman ang kinikita ko, pinagtatrabahuan ko 'yon. Hindi na magandang pinag-uusapan pa ang ganyang bagay, lalo kung idadamay lang nila ang mahal ko. I refuse to dignify that question."



INSPIRED. Pero walang dudang inspired si Aiza sa trabaho. Hindi man siya aktibo sa gigs, ito ay sa dahilang tinanggap niya ang mahalagang papel sa Ysabella. It inhibits her from accepting other commitments na makakasagasa sa schedule ng taping.



"At least, pahinga naman ako," sabi niya. "Kaya nga ako natsismis ng ganyan because I was working so hard before, na napapanood ako sa iba't ibang gigs. I just want to work. Ganyan naman ako, ever since noong bata pa ako, sanay na ako sa pagtatrabaho, because I love what I'm doing. Hindi na lang dahil sa pera."



Aside from Ysabella, as part of its soundtrack ay ire-record ni Aiza ang "Para Lang sa 'Yo" na composition ni Jonathan Manalo. Magsisilbi itong sub-theme song nina Ysabella (Judy Ann Santos) at Andrew (Ryan Agoncillo).



May duet din sila ni Sitti Navarro na pumasok na rin sa Ysabella to form a love angle with Aiza. Kakantahin nila ang "Bakit Ako Mahihiya?"



"Gusto ko 'yung combination namin ni Sitti, musicality-wise," sabi ni Aiza. "Kung ginagawan man kami ng intriga, it's just part of the teleserye. Pero alam ng marami kung saan ako nakatayo pagdating sa lovelife."



Kung inili-link naman si Aiza kina Jason Abalos at Derek Ramsey na kasama rin sa Ysabella, parang tumatayo raw lahat ng balahibo niya sa katawan.



"Huwag na, please! Close na ako sa kanila, lalo na kay Jason, pero hindi ko type talaga. Wala nang ganyang feeling!" natatawang sabi ni Aiza bilang pangwakas.