Batangas Governor Vilma Santos-Recto (left) reportedly bought young actress Angel Locsin (right) a gift from Rustan's. Angel is the rumored girlfriend of Vilma's son, Luis Manzano (inset). Photo: Noel Orsal


Kahit hindi pa umaamin at pinipilit nilang itago ang kanilang relasyon, halata raw sa kilos nina Luis Manzano at Angel Locsin na mahal nila sa isa't isa.

 

Ayon pa nga sa balitang nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), isinama na raw ni Luis si Angel sa Batangas noong Christmas at ipinakilala na sa ina niyang si Gov. Vilma Santos at sa stepfather niyang si dating senator Ralph Recto. Namasyal pa raw doon ang rumored sweethearts.

 

May nakapagsabi rin sa PEP na almost four months nang magkasintahan sina Luis at Angel, na sabi'y nagsimula pagkatapos lumipat si Angel sa ABS-CBN. But it seems nagawa nilang maitago ang kanilang relasyon at hanggang sa ngayon, walang makapagsabing nagdi-date ang dalawa kung saan-saan, maliban sa nalaman naming isinama ni Luis si Angel sa Batangas.

 

Kaugnay ng nababalitang relasyon nina Luis at Angel, may nagkuwento sa PEP (kaibigan ng isang saleslady sa Rustan's Makati) na doon daw nag-post- Christmas shopping si Vilma. Nagkamali nga lang daw ang actress-politician na wala nang taong makakapansin sa kanya doon dahil tapos na ang Christmas rush. Nang malaman daw ng mga nagsa-shopping doon na nandoon siya, biglang dumami ang tao sa store. In fact, maging ang StarTalk co-host na si Butch Francisco—na nag-post-Christmas shopping din doon ng araw na ‘yon—ay nalaman na nandoon si Gov. Vi nang may nagsabi sa kanya.

 

Sa patuloy na kuwento ng saleslady, para raw maiwasan ang pagkakagulo ng mga tao na gustong makalapit sa kanya, minabuti ng manager ng store na dalhin na lamang sa office niya si Gov. Vi at doon na lang dinala sa kanya ang mga goods na puwede niyang pagpilian.

 

Narinig rin daw ng isa sa mga saleslady na nag-aasikaso kay Gov. Vi ang tanong nito, "Alin kaya dito ang magandang ibigay kay Angel?" among the accessories, perfumes, and jewelries na nasa harap niya. Nagkatinginan raw ang sales ladies at inisip nilang ang "Angel" na tinutukoy ni Gov. Vi ay walang iba kundi si Angel Locsin.

 

Ang malungkot lamang sa kuwento, hindi na nakita ng sales lady kung alin sa jewelry at perfume na pinili ni Gov. Vi ang ibinigay nito kay Angel.