celeb

Models and Survivor castaways JC Tiuseco and John Lopez enter showbiz
by Dinno Erece posted on February 10, 2009  STATS: 213 Views | 32 Comments


Former Survivor castaways and models John Lopez (left) and JC Tiuseco try their luck in show business.

Photo By: File photos

Modeling agencies are going mainstream showbiz for the sake of the boys of Survivor Philippines.

Magkasunod ang naging presscon para sa dalawang castaways ng unang season ng Survivor Philippines. Una ay para sa Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco at sumunod naman ang para kay John Lopez. Ang nagpatawag ng mga presscon ay ang Mercator Agency ni Jonas Gaffud para kay JC at ang Raven Models ni Raoul Ramirez para naman kay John.

Malaking pangalan sa modeling at beauty pageants ang Mercator. Nasa kanila sina JC; ang international male models na sina Akihiro Sato, Hideo Muracka, at Fabio Ide; ang Star Magic boys na sina Victor Basa at Jubail Andres; ang Pinoy supermodel sa Asian circuit na si Rocky Salumbides; ang dating taga-Star Magic na napapanood ngayon sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na si Boom Labrusca; ang semi-retired model turned Pinoy Big Brother housemate turned steward na si Bruce Quebral; pati na ang ex-boyfriend ni Marian Rivera na si Ervic Vijandre.

Sa kababaihan, hina-handle din ng Mercator ang huling apat na naging Bb. Pilipinas-Universe: Gionna Cabrera (2005), Lia Andrea Ramos (2006), Theresa Licaros (2007), at Jennifer Barrientos (2008); pati na si Bb. Pilipinas-World 2008 Danielle Castaño.

Maraming artista na rin ang nahawakan ng kumpanya ni Jonas, ngunit ngayon lang siya nagbigay ng isang showbiz presscon at humarap sa entertainment press.

"Para kay JC lang," sabi ni Jonas sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bukod kasi sa modeling at commercial assignments ni JC, ang Mercator na rin ang magha-handle ng showbiz career ng unang Pinoy Sole Survivor.

Ganitong-ganito rin ang naging sagot ni Raoul sa PEP nang tinanong namin kung bakit going public din ang Raven Models: "Para lang kay John."

Bago pa lang ang Raven Models kumpara sa Mercator, ngunit impressive din ang lineup ng kanilang talents sa pangunguna na rin ni John. Bukod sa kanya, nasa kanila rin ang Bodyshot winner 2002, Fashionista 2003 winner, Mr. Manhunt Philippines 2003, at Best Model of the World Philippines 2003 representative na si Carlo Adorador; ang Circle of 10 2008 winner Ervin David; at ang current toast of ramp and TVC na si Bea Soriano.

Ang Raven na rin ang hahawak ng showbiz career ni John, na lumalabas ngayon sa 21st season ng Daisy Siete na "Tarzariray," katambal ang top SexBomb girl na si Rochelle Pangilinan.

Tinanong din namin sina Jonas at Raoul kung ito na ang magiging direction ng kanilang agencies—na sila na rin ang magha-handle ng mga models nilang artista o papasok sa pag-aartista.

Depende lang daw ito dahil basically ay pang-commercial at fashion lang ang kontrata nila sa talents nila. Ang iba nga sa kanila kasi, tulad ni Victor Basa, kontratado ito ng Star Magic nang pumasok ito sa pag-aartista, pero mas nauna naman siyang nakontrata ng Mercator bilang model.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

32 Comments

  • 32  frdrick

    02/11/2009 | 03:20 AM
    eto pala ang sikat hahaha wawa nmn hahaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  palengkera

    02/11/2009 | 01:49 AM

    LOL!!!!

    Good luck to JC and John!
    More power to these two hunks!

    ---------------------------
    18
    ICUM2U
    February 10, 2009
    12:34 PM hala....tiyak na ober da bakod na naman yon mga Gandang Hari sa Kabila kunwari may pinapasyalan....naglalaway na naman sila lalo na c Mama Piola at Mama Sham,Mama Erich......

    -----------------------------------
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  kapusono1

    02/11/2009 | 12:49 AM
    wow ang sasarap naman nito
    at take note: tunay na lalaki!
    idagdag pa si Jace, Kiko, at Rob
    huwaw!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  gene18_spirit

    02/10/2009 | 09:10 PM
    eto ba yung nadulas yung isang tiga gma at nasabi na yung jc ang mananalo tapos deny agad ang gma..tas yun pala sya pa din...hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  dutchgoddess

    02/10/2009 | 07:06 PM
    si Kiko! gusto namin si KIKOOOOOOOOOO!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  kapamilya_na_pilya

    02/10/2009 | 04:45 PM
    Bagay si John kay Katrina, both sexxxyyy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  kapamilya_na_pilya

    02/10/2009 | 04:40 PM
    JC is gwapo, pero lakas ng appeal ni John.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  peingmei

    02/10/2009 | 04:01 PM
    SARAP...... tingnan... hehehe!!! alam ko liligawan ako ni JC pag nagcruz ang landas namen.. MARK MY WORD!






    echos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  werewolf_paris

    02/10/2009 | 03:55 PM
    mas may dating ang john lopez.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  kapamilya_na_pilya

    02/10/2009 | 02:48 PM
    Yummy sila ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  shel09

    02/10/2009 | 02:39 PM
    go survivor boys sana maregular na rin keo sa sop..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  reignvow41

    02/10/2009 | 01:31 PM
    Wow! Ang Guapo ni Papa JC may bagong inspirasyon na naman ang mga Kikays ng Dos lolz!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  happy_pep

    02/10/2009 | 01:16 PM
    wow! ang hot naman dito. parang gusto ko silang i-touch, ganda ng body nila. :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  iza_marian7

    02/10/2009 | 12:39 PM
    Good luck sa inyo JC and John!
    More exposure, projects esp. sa telebabad isama kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  ICUM2U

    02/10/2009 | 12:34 PM
    hala....tiyak na ober da bakod na naman yon mga Gandang Hari sa Kabila kunwari may pinapasyalan....naglalaway na naman sila lalo na c Mama Piola at Mama Sham,Mama Erich......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  msTrue

    02/10/2009 | 12:26 PM
    ok lang naman kung mag artista ang ibang taga survivor phil... gustoo nila yun eh!!!!!!!!!!!!!

    bakit ung mga PBB housemates ba ay hindi nag artista??? db hindi naman arista search yun pati ang pda eh ang nananali dun eh ginagawang artista ng abs pati ung search ng bench db gnawa nilang artista pati ilang winners ng miss earth...............

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  ballahkapuso

    02/10/2009 | 12:25 PM
    they are both hotties.....

    John is so sexy.....tall dark and very handsome.....

    pero syempre....

    perfect abs pa rin ay si JC!

    John is a hottie....while JC is a cutie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  tazuki

    02/10/2009 | 11:23 AM
    sabi ko na nga ba eh magiging talent search din ang survivor, todo deny pa dyan ang iba. hmp....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  nugget

    02/10/2009 | 11:07 AM
    12
    sinned21
    February 10, 2009
    10:57 AM si john parang male version ni sam milby may hawig sila.yun nga lang...mas lalaki si john

    naaliw ako sa comment mo tama ka... male version ni Sam.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  desperados

    02/10/2009 | 11:06 AM
    may mapipirata nanaman ang kabila hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About