Masayang-masaya nga si Sheena Halili dahil sa magandang takbo ng career niya sa GMA-7. For the past two years nga raw ay hindi siya nababakante sa trabaho at may bago siyang series parati kapag may natapos na siyang isa.
Tuloy may mga nang-iintriga kay Sheena na baka isa na siya sa mga paborito kaya hindi siya nawawalan ng trabaho.
"May gano'ng chika talaga?" tawa ni Sheena.
"Kung paborito ako, e, di sana nagbibida na ako. E, ang mga roles ko naman puro supporting lang at enjoy ako sa binibigay na mga roles sa akin kasi hindi ako pressured. Puro patawa lang ang ginagawa ko."
Simula nga noong Marimar ay nalinya na si Sheena sa mga sidekick roles. Nasundan ang Marimar ng Ako Si Kim Samsoon, Lalola at ngayon ay kasama siya sa Zorro. Gagampanan niya ang role na Lena, isa sa mga babaeng nagbibigay-aliw sa mga kalalakihan sa series.
"Akala ko nga sexy ang role kaya nagtanung-tanong pa ako. Nalaman ko na wala naman pala kaming isusuot na sexy na damit kasi period series ang Zorro kaya ang mga babae ay balot na balot ang mga suot.
"In fairness, magaganda ang costumes namin. Mainit nga lang kasi patung-patong. Yung mga eksena namin ang puro tawanan kasi maiingay kami nina Maureen [Larrazabal], Bubbles [Paraiso], Paloma, Sheila Marie at Bianca [King]. Lahat kami mga kikay, masaya sa taping."
MAKING HER MARK. Muntik nang iwan ni Sheena ang showbiz noon dahil inakala niya na wala nang mangyayari sa career niya. Binalak niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Pampanga. Pero biglang dumating ang role na Monica sa phenomenal hit series na Marimar.
"Sinabi ko nga sa sarili ko na kung wala pang mangyari sa akin sa Marimar, talagang titigil na ako. Kaya ginawa ko ang lahat ng puwede kong gawin sa role ko. Nagluka-lukahan ako, nagtanga-tangahan ako para lang mapansin ako sa show.
"Naging effective naman. Naalala nila ang role ko at maganda ang feedback na nakuha ko. 'Tapos naging big hit pa ang Marimar kaya doon na nagsimula ulit ang lahat. Kaya sa lahat ng role na ibigay sa akin, I make sure na lalagyan ko ng kakaibang dating para tumatatak siya sa mga manonood."
Bukod nga sa mga series na ginagawa ni Sheena, napapanood din siya sa sarili niyang segment sa Pinoy Records tuwing Sabado at paminsan-minsan ay nagpe-perform siya sa SOP tuwing Linggo naman. Kaya the whole week na siyang napapanood.
"Mabuti na lang at hindi nagsasawa sa akin ang mga tao. Naku, huwag naman sana, di ba? Matagal kong hinintay ang ganitong klaseng work kaya maaliw pa sila sa akin.
"Kahit na ipagawa sa akin ang mag-tumbling sa apoy at tumawid sa pansit, gagawin ko para lang tuluy-tuloy ang pagbigay ko ng kasiyahan sa kanila," sabay tawa pa ni Sheena.
NO TIME FOR SUITORS. Dahil nga sa nagiging priority na ni Sheena ang kanyang career, dedma ba siya sa mga lalake na type siyang ligawan?
"Hindi naman sa dedma. Wala lang akong time to entertain them. Kung liligawan ako, gusto ko ay puntahan ako sa bahay. I'm still a lady after all," ngiti niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
57 dheemylalabs
sana maka rating naman ito sa GMA!
Request ng lahat, kung matutuloy ang remake ng FUll House sana kay sheena mapupunta!
siguradong hit na hit pag sa kanya na punta!
go go go sheeennnnaaa/////.....
56 ruffasharmaine
55 moimoi26
54 ymerej
53 purplebaguiocats
52 freelancerage
sana mapunta sa kanya yung lead role sa full house, siguradong hit yun _
51 baba
50 baba
49 franchescaryanne
cno siya?? di ka b marunong mgbasa??
48 carlo_08
47 gshock
46 KAPUSONGERICK
45 sleepingchild
44 KAPUSONGERICK
43 veni
GOD BLESS!
42 puppielover
may haters na rin si ate sheena,.??
ahhaha,.at kumakagat pa,.ahhaha,..
anyway,..deserve naman ni ate sheena ang lahat ng blessings na dumadating sakanya,.
pero sana naman mabigyan siya ng chance matupad din ang pangarap nya na maglead sa romantic comedy na drama,.
GO GO GO ate SHEENA,.. sana more blessing pa talaga,.
41 busero
go cabalen!!! kaluguran da ka!
40 asus
39 sizzlingchikazz
may talents ysa, at nakakatuwa lalo na sa marimar. gudluck girl!
38 alexangel
love ko ang kaluka-lukahan mo.
ang ganda rin ang relationship nyo ng dad mo. napanuod ko sa balikbayan.
mabuhay ka ineng! pagbutihin mo pa am sure magiging bida ka rin with your talent and dedication.
good luck!
more comments