celeb

Gladys Reyes talks about how Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos rescued her family

by Rose Garcia posted on September 28, 2009  STATS: 1654 Views | 64 Comments


Gladys Reyes and her kids, Christophe and Aquisha, are now okay. Thanks to Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos who headed to Cainta, Rizal, to help them.   To all PEPsters, we are launching a donation drive project for the victims of Ondoy. If you wish to give in-kind donations, we listed down various drop-off points. Please CLICK HERE.

Photo By: Paul Fabregas

Gaya ng ilan sa mga artista, stranded din sina Christopher Roxas at Gladys Reyes, kasama ang kanilang dalawang anak na sina Christophe at Aquisha, sa loob ng kanilang bahay sa Vista Verde Executive Village, Cainta, Rizal.

Ang lugar na kinatatayuan ng bahay ng showbiz couple ang isa sa masasabing naapektuhan nang husto ng bagyong Ondoy dahil nagkaroon ng matinding pagbaha sa lugar.

Maayos na ang kalagayan ngayon ng pamilya ni Gladys dahil sa tulong ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Kahapon, ika-27 ng Setyembre, nakausap ng Showbiz Central si Gladys sa pamamagitan ng telepono.

Nang kumustahin ng host na si Pia Guanio si Gladys, heto ang panimula niya, "Hay, naku. 'Eto, thanks to Judy Ann, of course, and Ryan, dahil sobrang sila yung nagpunta dun sa bahay namin sa Vista Verde. Sobrang binaha. Nakakagulat, kasi yung mas matagal na nakatira dun, sinasabi nila na first time nangyari yun."

Bagamat may ikalawang palapag ang kanilang tahanan, hindi pa rin makapaniwala ang actress na tataas nang ganun ang tubig sa kanilang lugar.

Ang kuwento niya, "May second floor rin naman kami kaya lahat kami, pati yung mga bata, nandoon kami sa second floor. Late na 'kong nakapag-text, noong morning kasi...Buti yung pinsan ko, nagkaroon pa ng chance na iligtas ang van ko at doon nakapag-charge kahit kaunti."

Noong naisipan niyang manghingi ng tulong, si Juday ang kanyang pinadalhan ng text message. Ang pagkakaibigan ng dalawa ay umusbong noong 1996, ang taon ng paglabas ng serye nilang Mara Clara.

Aniya, "Naisip ko talaga si Juday na i-text. Nagulat ako na ang bilis ng response niya. Kasi, yung iba...siyempre, ang hirap ng signal. Nakaka-ano talaga na bigla silang nakarating kahit ano...Delubyo talaga ang nangyaring ito."

Halos isang araw din silang nakulong sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan. Simula pa raw noong Sabado ay hindi na sila nakababa.

"Actually, natakot na 'ko noong wala talagang tigil ang ulan. 'Tapos noong gabi, natatakot na 'ko, hindi pa rin tumitigil ang ulan. Nasa pangatlong hakbang na ng stairs namin. Naiisip ko na lang talaga yung mga anak ko. Yung mga gamit, mapapalitan naman, okey lang. Pero siyempre, yung safety ng mga anak ko.

"Awa naman ng Diyos, hindi naman umabot sa second floor, so, parang tingin ko, may posibilidad kung hindi pa talaga tumila ang ulan kagabi [Sabado]," ang salaysay ni Gladys.

Noong oras ng interbyu, magkasama na sa sasakyan sina Gladys at Juday.

"Si Juday is driving kaya hindi siya maka-ano, heto, siya ang nagda-drive ngayon. 'Tapos, isang sasakyan, nandoon si Ryan naman. Pero sobrang nakakaiyak yung ginawa nila.

"Si Ryan, lumusong talaga, hanggang beywang ang baha. Sinundo ako na may dala-dalang parang raft na hiniram niya yata sa kapitbahay dahil hindi na kayang pumasok. Kahit mataas ang sasakyan, sobrang malulubog talaga.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

64 Comments

  • 64  unika

    10/04/2009 | 09:19 AM
    71pingot78,baka ikaw ang oa dyn
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  pingot78

    10/03/2009 | 04:17 AM
    OA nang JUDY ann na yan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  thehunks100

    10/01/2009 | 05:08 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  clandestine

    09/29/2009 | 03:40 PM
    salamat juday and ryan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  razzi

    09/29/2009 | 01:23 PM
    Praised the Lord!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  selyliz

    09/29/2009 | 11:55 AM
    yan ang tunay na magkaibigan!

    Mabuhay kyo Judai at Ryan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  avs8475

    09/29/2009 | 11:20 AM
    I salute the heroism Juday and Ryan showed in diffucult time of Christopher amp; Gladys. How appreciative this young couple. I am an avid fan of yours. I am praying to God always that you may be blessed with kids and strong marriage years.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  gmacertifiedno2

    09/29/2009 | 11:05 AM
    grabe ung baha.. daming napinsala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  kapusokan

    09/29/2009 | 10:39 AM
    wag ng magmalinis lightband, nabasa ko yun siyempre kasi ako ang nagpost, sa akin galing ang embicile at moron na expression,umeepal ka na lang palagi, napapahiya ka naman sa huli
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  kooracha

    09/29/2009 | 07:43 AM
    I love you, Juday and Ryan. Mabubuti talaga kayong tao kaya maraming nagmamahal sa inyo. Kudos!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  humanright

    09/29/2009 | 05:46 AM
    Ryan and Juday I salute you for helping this family. At saka lahat ang natulungan ninyo, May god bless you....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  forevernice

    09/29/2009 | 05:18 AM
    Juday, Ryan i-fire nyo na si Alfie kasi sinisira nya ang career nyo. Sobra ang lait nya kay Angel and KC. FYI , ang mga fans mo eh fans rin ni KC and ANgel,medyo naaapektuhan kami kaya, medyo lumimlim ang support namin sa iyo.
    Go back sa Star Cinema, sana may movie kayo ni Angel.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  chaka06

    09/29/2009 | 05:07 AM
    galing mo juday and ryan!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  aeonflux82

    09/29/2009 | 04:46 AM
    im praying lang na sana yung pera na galing sa mga donations ay magamit ng maayos..nakakalungkot din kasi may mga politicians na mapagsamantala talaga during this times
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  happychick

    09/29/2009 | 04:26 AM
    Great Job..juday and ryan at pati na din sa lahat ng celeb at ordinary people na di nagkait ng tulong nila. Sobrang kaka proud maging pilipino dahil sa mga kabayanihan ng madaming pinoy, sa pagtulong either sa cash, goods at mismong pagpunta sa delikadong lugar to save others.

    I read na si Ryan lumusong pa sa 5ft high na baha just to try to give some food and milk for Gladys kids. Sobrang brave talaga nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  dvlamasan

    09/29/2009 | 02:39 AM
    narinig ko sa DZMM, reported by Jun Linkoran, Senator Bong Revilla visited yesterday cainta, rizal but Greenwood subdivision yung area na natulungan nila and babalik din siya bukas sa Cainta sana magpunta rin sya sa village nila gladys...Good Job Ryan, Juday ang Senator Bong Revilla sa pagtulong ninyo...GOD BLESS!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  bostongirl

    09/29/2009 | 01:58 AM
    Salamat Lord at hindi apektado ang leyte province, pero nakakalungkot rin ang mga naapektuhan. Just sit tight and hang on mga kababayans who are affected by this, isa lang itong malaking pagsubok na malalampasan rin. God BLess sa lahat ng tumulong..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  pepato

    09/29/2009 | 01:29 AM
    462
    mysay
    September 28, 2009
    23:20 PM

    Labas ng labas si Gibo Teodoro ngayon sa tv akala nya babango name nya ngayon at makikilala kagalingan nya.Ang dami nyang infommercial sa disaster preparedness choo choo pero noong may disater na talaga parang sila ang mas di prepared.

    Naubos na siguro nila pondo na pambili sana ng emergency helicopters, boats , etc. sa milyong halagang advertisements nila kaya kabagal nilang nakasagip ng mga tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  maulap

    09/28/2009 | 11:34 PM
    God bless you Juday and Ryan at sa lahat ng mga nasalanta ng bagyo...nakakalungkot talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  lolamamalumpia7

    09/28/2009 | 11:32 PM
    Btw, Good job to Juday and Ryan God Bless your whole family and God bless all of you out there in Philippines!!! May you all wake up the realities of life.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About