celeb

Yeng Constantino does not assume that a band vocalist is courting her

by Glen P. Sibonga posted on November 18, 2009  STATS: 2049 Views | 15 Comments


  "Ayokong magsalita. Ayokong mag-assume. Baka kasi mamaya ano lang pala, na-misunderstood ko lang yung mga ginagawa niya. Baka hindi naman pala siya nanliligaw," says Yeng Constantino about her rumored suitor.

Photo By: Glen P. Sibonga

Proud si Yeng Constantino na finally ay nai-launch na ang kanyang third album titled Lapit under Star Records. Bagay na bagay raw sa nararamdaman niya ngayon ang title ng kanyang bagong album dahil malapit sa kanyang puso ang lahat ng kantang nakapaloob dito na pawang siya ang nagsulat.

Ang bagong album na ito ni Yeng ay kinapapalooban ng carrier single niya na "Lapit," kasama ang mga kantang "Wag Kang Magtatanong," "Jeepney Love Story," "Pag Ayaw Mo Na," "Siguro," "Takas," "Maghihintay," "Akin Ka Na," "Siguro," at "Wag Na" (kung saan nakasama niya ang Morning Glory, ang banda niya bago pa siya sumali sa Pinoy Dream Academy).

Malapit din sa puso ni Yeng ang nag-produce ng album niya—ang kanyang idol na si Raimund Marasigan, dating drummer ng bandang Eraserheads at vocalist na ngayon ng Sandwich.

CARLO GUEVARA. Nang makaharap na si Yeng ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press after ng presscon cum album launch kahapon, November 4, ay hindi nakaiwas si Yeng sa mga maiintrigang tanong ng press. Isa sa mga topic na inurirat ng press ang tungkol sa kanyang lovelife.

Dahil nga Lapit ang title ng kanyang album, kaya hindi maiwasang itanong kay Yeng ang tungkol sa huling lalaking napalapit sa puso niya, ang Be Bench winner at co-Star Magic artist niya na si Carlo Guevara.

"Si Carlo, wala na yun," sambit ni Yeng.

Pero hindi ba sila naging mag-boyfriend?

"Hindi, hindi naging kami."

Nagkaroon ba sila ng closure ni Carlo?

"Oo, nag-usap kami ni Carlo. Ako yung nagsabi sa kanya na, 'Ay, 'wag na lang kasi parang hindi pa rin ako ready.' Kasi, parang ang lungkot naman nun na hindi ka naman pala sure sa nararamdaman mo, tapos paghihintayin mo yung tao. Mabuti na sabihin mo na lang na hindi pa ako sure kaysa maghintay lang siya nang matagal. Nainip lang siya, ganun."

Hanggang ngayon raw ay hindi pa siya talaga nagkakaroon ng boyfriend.

"Alam ko po maraming naiinis dun sa point ng ibang babae na parang naghihintay yung mga lalaki kaya tuloy nanliligaw sa iba," sabi niya.

Ganun ba yung nangyari sa kanila ni Carlo?

"Siguro. Baka nainip na siya."

Todo tanggi naman si Yeng na tomboy siya kaya wala pa siyang boyfriend hanggang ngayon.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  myramae

    12/07/2009 | 08:47 PM
    ..!! i reALLy lOve yEnG.. mGALiNG Na kUManta mGalIng dIN GuMawA Ng SaRILi nyAng kANTA.. THe best Ka tlGa.. IDoL..!!!! LuV YaH...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  alvaro_alvaro

    11/06/2009 | 04:25 PM
    Kakaiba talaga si Yeng,
    magaling sya magsulat ng original songs.
    mamaya meron kanta na naririg mo sa radyo at sabi mo na quote sinong kumanta itong song ito ang ganda at original pa at nalaman mo pala na si yeng.i love you so much yeng constantino
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  midnightblue

    11/06/2009 | 02:58 PM
    i like this girl. magaling siya at hindi plastic. sana sumikat pa siya ng husto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kapamilya247

    11/06/2009 | 02:47 PM
    si raimund marasigan ba yung guy?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  kapamilyaito

    11/06/2009 | 01:52 PM
    Remove the bangs amp; lessen the make up yeng.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  mygulay

    11/06/2009 | 12:10 PM
    bilib ako sa mga katulad ni yeng na sumusulat ng kanta! hindi katulad ng iba na wala ng ginawa kung hindi mag revive.. so kahit pangit ang mga kanta ng ibang singers basta original nila eh binibili ko and sinusuportahan kase alam mong pinag hirapan at pinag isipan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • level_up

    11/06/2009 | 09:27 AM
    sa tingin ko din kamukha siya ni madam auring especially nung nagbangs siya M.A. na M.A. talaga...

    pero saludo ako sa kanya bilang songwriter at kakaiba ang boses...sino ba naman ang hindi nakarinig ng Hawak Kamay? very inspiring na song...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • myrnav

    11/06/2009 | 09:07 AM

    I feel she is being neglected by ABS-CBN. With such a pretty face / flawless skin and talent sayang naman if there is no big build up being in store.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • akinse

    11/06/2009 | 12:59 AM
    maganda ang ong nya na Lapit at tska yung promise...very talented..isa syang tunay na musical artist...kumakanta...sumusulat,,tumutugtog.at higit sa lahat..mabait at humble!

    rock on yeng!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • inggiteraparin

    11/05/2009 | 10:30 PM
    ang ganda naman niya para sabihing madam auring! wow!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • honey_bee

    11/05/2009 | 09:56 PM
    si madam auring jr!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • inggiteraparin

    11/05/2009 | 08:52 PM
    noong hindi pa siya nag PDA.. JC ang tawag sa kanya.

    Yeng is much better kasi diyan siya sumikat. nag iisang Yeng.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • inggiteraparin

    11/05/2009 | 08:49 PM
    babae talaga si yeng, in fact, naging crush niya ung anak ko na jok ang name...kapag may pacontest sa montalban noon ng mga bands nagkikita sila ng anak ko..pero noong sikat na siya, hindi na niya kilala haahahahahha

    but yeng has a new band ata, ata ha...and isa si NINO sa guitarist niya. na parati sa aming bahay until now. magaling ding kumanta yun.sana like yeng, sumikat din siya. sometimes we call him NONO or NINO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wildtaurus692000

    11/05/2009 | 06:26 PM
    ...gusto ko mga sagot nya he he he...totoong totoo....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mim0n

    11/05/2009 | 06:06 PM
    congrats sa new album!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About