celeb

Isabel Oli denies romantic involvement with any of the professional cagers being linked to her
by Bong Godinez posted on December 16, 2009  STATS: 108 Views | 20 Comments


  "Bago for me 'yong non-showbiz, so, masaya naman," Isabel Oli told the press at the launching of Moringa 02 skin care products held recently at The Fort. Isabel revealed that she is currently dating non-showbiz guys following her separation with actor Paolo Contis.

Photo By: Noel Orsal

Sa Singapore magpapasko si Isabel Oli kasama ang kanyang buong pamilya. Ayon sa Full House co-star, ngayon lang daw mangyayari na kumpleto silang lahat sa pagdiriwang ng Pasko kaya sobrang excited siya.

Tatapusin muna ni Isabel ang ilan niyang pending commitments bago tumulak palabas ng bansa nitong darating na Martes, ika- 22 ng Disyembre. Nakatakda naman siyang bumalik dito sa Pilipinas sa ika-2 ng Enero para tuparin ang kanyang showbiz engagements.

Biniro si Isabel ng ilang entertainment reporters na baka sa Singapore niya makita ang kanyang next boyfriend after Paolo Contis.

"Wala naman dun sa Singapore," mabilis na sagot ni Isabel sa press conference ng Moringa 02 skin care products na ginanap sa The Fort, Taguig City.

Hindi naman sa natatakot na siyang pumasok muli sa isang relasyon matapos ang paghihiwalay nila ni Paolo noong Disyembre ng nakaraang taon. Aniya, mas "maingat" lang siya ngayon pagdating sa pag-ibig.

"Hindi naman na-trauma... Kasi siyempre, di ba? I'm not getting any younger, so, pag nagka-relationship na siguro, sana 'yon na talaga. Sobrang wish ko talagang magkaroon ng own family," ani Isabel.

CAGER BOYFRIEND? Single pa rin daw ang current status ni Isabel bagama't very honest naman ito sa pagsasabing nakikipag-date siya pag may oras.

"I just go out, mga group dates, ganyan... Walang exclusive na ka-date," paliwanag ni Isabel.

Hindi rin naman itinanggi ng dalaga na kung siya ang tatanungin ay mas gusto niya na non-showbiz ang kanyang magiging next boyfriend para iwas-intriga. Pero hindi rin naman isinasara ni Isabel ang posibilidad na muling umibig sa isang kasamahan niya sa trabaho. Nagkataon lang din daw na hindi taga-showbiz ang mga pumuporma sa kanya sa kasalukuyan.

Sinagot din ni Isabel ang usapin na nagkakamabutihan diumano sila ng isang basketball player na katulad niya ay laking-Bisaya rin. Nauna nang lumutang ang pangalan ng Cebuano shooting guard ng San Miguel Beer na si Dondon Hontiveros. Sumunod naman ay ang teammate ni Dondon sa San Miguel at former Ateneo Blue Eagles standout na si Wesley Gonzales.

"Hindi, ah!" tanggi ni Isabel. "Actually, ang dami-dami kong friends na basketball players. Parang mga Bisaya-Bisaya rin kasi. Taga-Cebu, ayun. Mga friends ko talaga sila. Iba yung bonding pag mga Cebuanos or mga Bisaya, iba talaga, iba kami. Parang nagha-hang out talaga kami, parang ganun. Pero may mga girlfriends na yun. Minsan pag may dine-date ako, ipinapakilala ko rin sa kanila."

Naging game naman si Isabel sa pagsagot nang tanungin kung ano ang gagawin niya kung sakaling makasalubong niya si Paolo sa loob ng GMA-7 compound. Hindi naman daw kasi maiiwasan na dumating ang pagkakataong 'yon, katwiran ng entertainment press, dahil they're working under one network.

"Hindi ko kasi talaga alam kung anong mangyayari," natatawang sagot ni Isabel. "Definitely walang sampalan. Walang violent reaction. Hindi ko lang alam kung anong mangyayari. Abangan ninyo 'yan!"

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

20 Comments

  • 20  mac_guy_ver

    12/17/2009 | 06:46 PM
    C marian, Dugong magelan?maganda naman yang cnb mo.c angel,kulay dinuguan. abs pang international pwedeng intergalactic din kc muka silang e.t.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  woshooo

    12/17/2009 | 04:05 PM
    ganda nya talaga... =]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  archeryrich

    12/17/2009 | 03:56 PM

    lancomeX

    May dugong Magellan si Marian? Paki review nga Philippine history mo,Portuguese po si Magellan hindi Espanol.

    Sensya na kung OT!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  puckerlips143

    12/17/2009 | 09:43 AM
    ito dapat si isabel oli ang binibigyan ng break at bini-build-up ng GMA tama na si rhian papahingahin nyo naman un kahit mga 3months lang iba naman ilagay sa primetime kakaloka andami kaya ng GMA na beauty at may K maging sikat pero hindi nabibigyan ng break kc masyado nilang ipinipilit si rhian ano ba like ko sya katambal ni DD pero wag naman all the time nasa primetime sya at si MR maraming new faces na may ibubuga sa pag-arte papahingahin nyo lang kahit 3months na wala sa primetime.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  mac_guy_ver

    12/17/2009 | 06:33 AM
    Lancomex

    Puro kabaligtaran naman cnasb mo.. hanggang pokwang lang kaU, melason at Kim chiu... Un ang maganda sa inU. pansin ko naman e mas maraming mas sikat at mas magaganda sa GMA. wag ka mg ilusyon.Un ang sabi.hehe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  lancomeX

    12/17/2009 | 06:22 AM
    pang-international ang byuti ng mga stars s ABS-CBN!sbgay c marian half spanish d b?my dugong magellan nga pla c marian
    hejhe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  lancomeX

    12/17/2009 | 06:20 AM
    mas madami sikat sa ABS-CBN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  lancomeX

    12/17/2009 | 06:19 AM
    idontknowmuch

    hindi ah mga lesbian nga at bakleta ang mga stars ng GMA eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  yukor131

    12/17/2009 | 03:45 AM
    Grabe ganda ng full house, nakakawala ng problema. Bagay sa kanilang lahat ang role nila esp. si heart as jessie, richard as justin, patrick as luigi and isabel as elaine... and lalong lalo na si Mr.H at alalay nyang si epi quion at si sweet as chiqui..., si rainier at si sheena... ganda tlga pgkapili ng mga cast.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  idontknowmuch

    12/17/2009 | 12:45 AM
    mas marami talagang magaganda at tunay na babae at lalakesa GMA kesa sa abs-cbn.

    see them at igma.tv/stars
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  njas

    12/16/2009 | 11:44 PM
    gusto ko rin cya ewan ko lang kung
    gusto nya ako hehehehe

    sana nga gawin cyang leading lady ni DingDong

    sa tingin ko kaya ng break sila Pao gusto kunin ni Pao ang bataan ayun di pumayag c babae nag hanap si lalake naka buntis pa hehehehe.. si isabel cya ng tipo ng babae pag mag BF/GF kya hanggang hawak hawak lang walang tsuktsuk restricted, mag papatsuktsuk lang cya pag kasal na kyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • elmo_03

    12/16/2009 | 11:26 PM
    Patrick Reyes of Unilever is her BF ;D search niyo sa Facebook ;D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ensure

    12/16/2009 | 11:07 PM
    sino to???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ClickHere1

    12/16/2009 | 07:41 PM
    i really like her...

    daming magaganda sa GMA talaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • nethguzman

    12/16/2009 | 07:01 PM
    I like Isabel, sana siya na lang ang leading lady ni Dingdong sa Andong Agimat or si Lovi Poe or Alex De Rossi, mas magaganda at magagaling. Madaming magaganda at magagaling ang GMA pero di pinapasikat ng kanilang artist center dahil gusto nila star kuno ang dating ni beloved niece. Kakasawa na puro mukha na lang at super press release lagi kay Rhian. Super thank you tita Ida.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • archeryrich

    12/16/2009 | 06:59 PM
    SOSHALNESS siya sa FullHouse! hahaha bwisit lang kapag tumatabi sa kanya si Patrek![eeeewwww!]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • KAP

    12/16/2009 | 06:18 PM
    shes pretty,ur loss paolo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • blue_butterflybelle

    12/16/2009 | 05:58 PM
    like the hair
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Astig_OFW

    12/16/2009 | 05:39 PM
    ganda niya sa full house ........ super ganda ng full house, kakaenjoy talaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • opinionatedgurl

    12/16/2009 | 05:33 PM
    cute ni isabel dito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About