Minsan pang mapasama sa bottom three ang Fil-Am StarStruck V finalist na si Ian Batherson ay automatic na siyang matatanggal. Among the remaining eight finalists, si Ian at ang Filipino-Japanese na si Nina Kodaka ang nasa gano'ng posisyon.
Sa pocket presscon na ipinatawag ng GMA-7 para sa natitirang contenders ng StarStruck V last Wednesday, January 20, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ian. Tinanong namin kung ano ang nararamdaman niya ngayon parang nasa hukay na ang isa niyang paa?
"Sobrang kinakabahan po ako," pag-amin ng 21-year-old commercial model. "Maraming pressure, tapos malapit nang matapos yung StarStruck. So, maraming mixed feelings ako. Parang mabuti kung natanggal ako early, di ba? Kasi nakalagay ako sa bottom three, two times in a row. Parang kung may third time in a row, okay lang. Pero mas mahirap na ngayon kasi I kept surviving all these weeks, every week. So, parang it means so much to me. So, kung matanggal ako just so easily, it will hurt.
"Gusto ko talaga manalo dito. Or hindi [man] manalo, top four talaga. Kung top four ako, I'll be so happy. Kasi it's like I'm cheating death every week. Parang I'm walking on a tightrope. Pag malapit na ako sa destination ko, parang it gets more windy. So I'm skating on thin ice," tuluy-tuloy na sabi ni Ian na talagang pinipilit magsalita ng Tagalog.
A CINDERELLA STORY. Last Sunday, Jan. 17, hindi man nakasama sa bottom three si Ian ay wala namang natanggal sa kanilang mga kasamahan. Iniligtas kasi ng StarStruck Council members na sina Floy Quintos, Iza Calzado, at Lolit Solis ang nasa bottom two na sina Rocco Nacino at Sarah Lahbati sa bisa ng Factor 2. Sa Factor 2, maaaring itigil ng Council members ang elimination kung magkakasundo silang lahat. Isang beses lamang itong magagamit ng StarStruck Council at ginamit na nga nila ito para iligtas sina Rocco at Sarah.
Ano ang naging reaksiyon ni Ian nang hindi na-eliminate sina Rocco at Sarah?
"Of course, masaya po ako kasi silang dalawa, kaibigan ko talaga," sabi niya. "Pero there's also a competitive side of me that is thinking like, sayang talaga kasi I was hoping kung mapalagay ako sa bottom three, they can use Factor 2 on me. Pero ngayon, ubos na yung Factor 2. So, hindi na puwede.
"So, sobrang maraming pressure ngayon. Yun ang totoong feelings ko for that. But masaya ako kasi alam ko talaga yung dalawa, si Sarah tapos si Rocco, malakas silang dalawa. They deserve to stay."
So, he's just hanging on?
"I am hanging on, pero it could be a Cinderella story kung manalo ako," ngiti niya. "Kasi pagsimula nung StarStruck, ako talaga yung one of the underdogs. Like yung Tagalog ko... Pero I'm making an effort magsalita sa Tagalog. Talagang halata yung effort ko sa Tagalog. Hard!"
Except for his difficulty in speaking Tagalog, ano sa palagay ni Ian ang advantage niya sa ibang male contenders na sina Rocco, Enzo Pineda, at Steven Silva?
"Well, Ms. Lolit Solis and the rest of the Council, like Direk Floy and Ms. Iza, said I'm a charming guy, I have charms. So I also think that my charm got me this far in the competition," sagot niya.
Pero gaano tatagal yung charm niya sa competition?
"Pero pinakita ko talaga yung improvement ko. Kasi last week, I was picked by Direk Floy for the acting challenge [with Eula Valdes]. 'Tapos two weeks before, I was consistent in all three challenges... I was mentioned by Direk Brillante [Mendoza] for my acting. 'Tapos, the hosting, Lucy Torres and Wilma Doesnt, they mentioned me. 'Tapos si Kyla, she mentioned me as well.
"So, ever since that week, parang I have this new thing of confidence. It's not overconfidence, pero... Kasi dati, parang wala akong confidence. Kasi nung una talaga, palagi ako sa bottom three. Pero ngayon, parang there's a chance. Pero also it's a double effort. Meron akong chance, pero chances are also slim. Kasi pag isang bottom three, wala na. Yun talaga yung feeling ko," mahabang saad ni Ian.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
46 swastika
45 joanncabale
we love you.
more power.
work on ur tagalog lang
be humble always.
my family always votes for you here in general santos city
44 alkassim
43 alkassim
42 hooney
41 Gie_0612
40 JunreyCio
39 a027007252
ang alkris nyo idol ang kimerald
tapos itong starletito nyo sam milby wannabe hahahaa
38 a027007252
HAHAHAHA!!!!
37 a027007252
36 mindfreak79
kung determination ang basis ng starstruck, si ian ang sure winner..
go ian!!
ianatics are here for u!
35 angel25
Yung title naman kasi misleading na Ian wants to be the next Sam.
34 westbourne
just like carla..... gusto nya maging kapartner yong kapamilya star... pero nong tinanong siya uli..... GMA artist na ang sinabi nya walang kapamilya na... yan ang patunay nga sikat talaga ang kapamilya star....
33 unknown18
32 dagirl
31 heart07
30 ishish
29 goodlooks
bigas to be the next sam milby...
28 mitzimae_19
27 kinabog
more comments