celeb

Singer-composer Yeng Constantino ventures into hosting

by Rose Garcia posted on March 12, 2010  STATS: 1631 Views | 20 Comments


  "Parang na-feel ko lang po na gusto ko namang gumawa ng ibang bagay than the usual na ginagawa ko. Parang wala na po kasing challenge kasi alam ko na ang gagawin ko. Gagawa lang po ako ng kanta, e, mula bata pa po ako, yun na ang ginagawa ko," says Yeng Constantino about hosting Music Uplate Live.

Photo By: Noel Orsal

Simula Lunes ng madaling-araw, March 15, mapapanood at mahuhusgahan na ang kauna-unahang Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy na si Yeng Constantino, hindi bilang isang singer at composer kundi bilang isang host.

Ito ay sa pamamagitan ng Music Uplate Live na mapapanood sa ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes. Ang bagong interactive show na ito ang papalit sa PBB Double Up Late. Yeng will be the main host, pero may mga makakasama siyang barkada na makikipag-jamming at makikipagkuwentuhan ng kahit ano about music.

Bago para kay Yeng ang hosting genre, pero isang bagay raw ito na gusto niyang gawin. Gusto rin daw niyang i-prove sa kanyang sarili na kaya niya ito at may iba pa siyang puwedeng ipakita sa mga manonood.

Nag-audition pa si Yeng para maging host ng Music Uplate Live.

"Mga two weeks ago, nag-audition po ako. Pumila rin po ako. Marami ang nag-audition for this slot. After po ng day na nag-audition ako, the next day, meron pa ulit. Pero karamihan po ng nag-audition, mga bagong host," kuwento ni Yeng sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kahit sabihin pang naging grand winner na siya sa PDA, alam ni Yeng na when it comes to hosting bagito pa siya.

"Siyempre po, hindi naman po ako pinanganak na maging host," sabi niya. "Unlike as a composer, bata pa lang po ako, nine years old pa lang po ako, nagsusulat na ako. As a host, malaking bagay po ito para sa akin. Actually, kinakabahan din po ako."

Bakit bigla niyang naisipang mag-audition bilang isang host?

"Parang na-feel ko lang po na gusto ko namang gumawa ng ibang bagay than the usual na ginagawa ko. Parang wala na po kasing challenge kasi alam ko na ang gagawin ko. Gagawa lang po ako ng kanta, e, mula bata pa po ako, yun na ang ginagawa ko," paliwanag ng 21-year-old singer-composer.

Kaya tuwang-tuwa raw siya nang siya nga ang mapili.

"Sumigaw talaga ako!" bulalas niya. "Tinawagan ako ni Ms. Annabelle [Regalado, Star Records head], talagang talon ako nang talon, hindi ako tumigil. Yung totoo, gustung-gusto ko talaga. Gustung-gusto ko talagang gawin 'to dahil gusto ko na rin mag-try ng ibang bagay."

What if hindi siya ang natanggap sa audition, how would she feel?

"Noong time po na yun, parang naisip ko lang, ayokong magpaka-religious, pero if it's God's will, yun talaga. Kung okey, e, di time na. Pero kung hindi man po ako natanggap noong time na yun, parang sayang...hindi naman po ako madi-dishearten."

Bukod sa workshop, nagpa-practice daw si Yeng mag-isa sa kuwarto niya kung paano maging host.

"Pina-practice ko pong mag-isa. Kasi malaki naman ang mirror ko, kumukuha ako ng suklay. Like, 'Hi guys!" natatawa niyang kuwento.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

20 Comments

  • 20  sakanalovelife

    03/13/2010 | 11:19 AM
    isa po sya sa may quality ang boses,,maarte lang tlaga..hehe,...maganda ang boses at may dating ha...reinvention yann..hosting naman,,at least di ka nasisIRA DIBA,,..trabaho lang namanm...gusto ko din sina,,JR SIABOC,CHAD PERALTA,MICHAEL CRUZM,JIMMY MARQUEZ,,BRENANN,yung boses nila ,,may dating..si OJ MARIANO din..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  megan_mia

    03/13/2010 | 10:02 AM
    yah ur ryt, when she gets old, she will look lyk madam auring.
    by the way, why is it this page is so lame.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  ezzrah

    03/13/2010 | 03:42 AM
    i like yeng, pero naman, utang na loob, bkt gnito ang hair mo? naging kamukha mo tuloy c madam auring haha.. nakita ko c madam auring sa victory mall, kakatakot ang muka, parang naagnas! haha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  chicago60625

    03/13/2010 | 03:11 AM
    13: korek ka dyan. para nga syang jr imelda papin. huwag lang sanang mahawa ng kaartihan at kaplastikan kay imelda
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  isseymiyaki

    03/13/2010 | 01:58 AM
    buti naman yeng at nagsorry ka na through Nono or Nino dahil nang snob ka kasi noong nagkita kita kayo ng anak ko sa isang show na tigok na heheheheeh

    hindi ka pa naman matanda para makalimot na eh so okey na okey ka na.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  chocolover

    03/12/2010 | 04:28 PM
    congrats!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  megumikobayashi64

    03/12/2010 | 04:19 PM
    batang imelda papin. oh db? pra maiba nmn, kayo nmn msyado harsh, madam auring in the making b? hehe..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  sunshinearaw

    03/12/2010 | 03:43 PM
    sana mag training o mag aral ka muna before you venture into unchartered waters.good luck!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  level_up

    03/12/2010 | 03:33 PM
    oo nga madam auring talaga...
    cguro magpa GI jane na lang ng hair si yeng...or shorter talaga...wag ganyan, madam auring ka talaga yeng sa ganyang itsura...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  bigbother

    03/12/2010 | 03:29 PM
    bwahahaha. first time nya magsolo article in a long time. tapos lahat ng nababasa kong comment dito about her looking like madam auring.

    umiiyak si yeng nagbabasa sa comments nyo. hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  megan_mia

    03/12/2010 | 03:10 PM
    ok. pwde mag cmpose ka nlang. shes a trying hard kc, and feeling skat. sorry po ha.
    pero goodluck nlng din po
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • sam777

    03/12/2010 | 02:38 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • shoti1029

    03/12/2010 | 01:33 PM
    lolz!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lalang

    03/12/2010 | 01:20 PM
    kala ko si baby tsina..oo nga para silang twin ni madam hehe.grabe!in na in si madam ngayon ha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • rhapsody

    03/12/2010 | 01:13 PM
    hahaha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • laosdos

    03/12/2010 | 12:39 PM
    baket si madam auring ang nasa taas 50 yrs ago pa yata nang kunan yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pakiss_muna

    03/12/2010 | 12:24 PM
    takirub


    pareho pala tau ng paningin yan din sana sabihin ko kaya lang nauna kna hahaahah

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • filoz

    03/12/2010 | 12:21 PM
    over sa pagka-madam auring nga ang looks ng isang ito. buhay pa kaya ang hairstylist nito? kaaliw.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • takirub

    03/12/2010 | 12:10 PM
    wow younger version ni madam auring
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • amberluv07

    03/12/2010 | 12:07 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About