Sa kabila ng pinagdadaanan ngayon ng aktres na si Francine Prieto at ng kanyang pamilya dahil sa ovarian cancer ng kanyang ina, si Mrs. Amelia Falcon, masaya pa rin siyang humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa 10th anniversary celebration ng FHM Magazine sa NBC Tent last night, March 11.
Naging open si Francine sa pagsasabing wala siyang regular work lately at hindi sapat ang pera niya para maipagamot ang kanyang ina. Ang mga kaibigan, kakilala, at mga taong hindi pa raw niya nakikita ang tumugon sa kanyang panawagan.
"Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at saka nalaman ko rin kung sino ang mga totoo kong kaibigan. Hindi pala porke't nakasama mo ng matagal na matagal na panahon, e, yun pa ang unang tutulong sa 'yo. Minsan, kung sino pa ang hindi mo kilala, sila pa yung handang tumulong para sa 'yo," saad niya.
Ayon kay Francine, more or less ay nasa P900,000 na raw ang perang natatanggap niya mula sa mga taong tumulong o tumugon sa panawagan niya at ng mga kaibigan niya. Dahil dito, makakapagsimula na raw ng chemotherapy ang mommy niya.
"Next week mag-i-start na ang chemo ng mommy ko. Ngayon, nagpapalakas lang siya. Kanina, madaldal na siya," kuwento niya.
Naging masaya rin daw ang mommy niya nang malaman ang ginawa ng mga tao na pagtulong sa kanila.
"Siyempre, tuwang-tuwa siya. At saka ano yun, e, nakakadagdag sa kanya. Hindi ba kapag may ganyang sakit ka, unang-unang kalaban mo diyan depression? So, kailangan talaga marami ang nagte-text sa 'yo. Marami ang nagmamahal sa 'yo. So, kumbaga, ang dami-daming tumulong sa kanya. Hanggang ngayon, dire-diretso. Ultimo mga hindi namin kilala, pati mga hindi taga-showbiz, as in, dun mo lang nakilala. Gumagawa sila ng paraan para makipag-donate kay Mommy.
"Meron din naman na mga tumulong na pulitiko. Kahit na yung mga pulitiko natin na nasa showbiz, may mga tumulong din. Yun nga lang, ayaw naman nilang sabihin kasi baka isipin ng mga tao kaya nila ginawa yun dahil, di ba, campaign period nga ngayon. Pero sabi ko naman, pasasalamatan ko naman lahat ng tumulong sa akin."
Totoo bang isa nga raw sa mabilis na tumugon sa panawagan ng ilang kaibigan ni Francine ay ang tumatakbong presidente na si Gibo Teodoro?
"Oo, tumulong siya," pagkumpirma niya. "Ginawan ng paraan nila Shey [Sherilyn Reyes]. At saka, siyempre, tulong din ng media. Kasi kung hindi dahil lumabas sa TV, sa diyaryo, siguro hindi rin malalaman ng mga tao yung nangyayari sa akin. Akala yata nila porke't artista ka, lahat kayang-kaya mo, pero hindi talaga dahil lahat sa amin, breadwinner ng family. So, mahirap talaga."
IT'S NOT ALL ABOUT MONEY. Pero hindi naman daw pera lang ang talagang kailangan niya sa paghingi ng suporta.
"Ako naman, hindi naman kailangan lahat mag-donate. Ang sa akin lang naman, importante lang na ipagdasal n'yo ang nanay ko, di ba? Yung kamusta lang. Minsan, hindi naman pera-pera ang usapan dito. Yung simpleng kamusta ka, di ba? Malaking bagay yun na maalala mo ang taong ito," saad niya.
Ine-expect ba niya na tutulong sa kanya si Anne Curtis at ang grupo nito sa Blackberry?
"Actually, sina Diana Zubiri ang nag-start kasi may eyeball nga sila. Tapos kumalat. So, gumawa nga sila ng fundraising. Si Jodi Sta. Maria na hindi ko talaga kilala, yun pala ang mommy niya, may cancer din. So, alam mo yun, nata-touch siya dito.
"Tapos ikinalat nila kay Anne Curtis. Kasi si Anne, may more than 100,000 followers siya sa Twitter. So, kumbaga, kung nilagay lang niya sa Twitter niya, sobrang ang dami nang makaka-receive. So, malaking tulong. Pati sila Angel [Locsin] din at marami pang iba.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
30 sakanalovelife
29 aleyah
28 ranz1227
27 topengga
26 rhiamags
25 Johann29
24 bisaya_me
23 MARKY2000
22 angel25
21 angel25
In fact, extended pa nga sya sa Darna di ba? Na depress kasi sya, saka medyo mahirap talaga situation nya, kahit kumikita ka pero kung mas malaki ang output mo, mauubos ang inaasahan mong savings.
Pero sana naman bigyan sya ng GMA. Ilang taon na rin si Francine sa kanila parang nag bibingi bingihan naman ang mga tiga GMA.
20 babelove777
19 megumikobayashi64
18 alimango
17 alimango
sana lng hindi ito simpleng paggamit sa sitwasyon ng nanay nia pra makakuha ng otrab... tinanong mo ba Francine ang sarili mo bkit sa kbila ng pagpaparinig at pagpapasaring mo, wala p rin ibinibigay sau??? hindi ako maconvinz na dhil dedma lng ang GMA... der must be a reason... meron nga cla wish ko lng at Kapuso Foundation na 2mutulong sa ibang tao...wat more sa artista nila,,, pero question mark lng bkit wala show na binibigay s knya??? hindi kya c francine o Mgr. nia ang my problema??? r u talking 2d right persons or puro parinig lng ng bonggang-bongga!
16 puckerlips143
i will pray for your mother god bless and goodluck sana mabigyan ka ng trabaho naku baka yun mga dir--ty oll m-an dyan bigla na lang amgsulputan kc alam nila francine need money.
15 Clara Pastor
14 ladyucks
13 kishablelips_01
12 alter_ego
11 ModzMostHated
more comments