Nikki Gil (left) and Baron Geisler are now in the roster of talents of ALV, the talent management company of Arnold Vegafria.

Photo: Noel Orsal

Sina Baron Geisler at Nikki Gil ang dalawa sa pinakabagong karagdagan sa growing roster of artists ng ALV Talent Circuit ng talent manager na si Arnold Vegafria. May sarili ring advertising agency si Arnold, handling corporate accounts, bukod pa sa pagpo-produce ng shows, concerts, and events.

Kapwa galing ng Star Magic, talent management arm ng ABS-CBN, sina Baron at Nikki. Mas naunang pumasok si Baron sa Dos bilang member ng Star Circle some years back, kesa kay Nikki. Nauna ring mag-expire ang contract ni Baron kesa kay Nikki, kaya malaya silang nakapili ng bagong talent manager.

BARON GEISLER. Si Baron ay nagwagi bilang Best Actor sa Cinemalaya 2008 at sa Golden Screen Awards 2009 for his performance sa indie film na Jay, na nakaikot na rin sa iba't ibang international film festivals.

Magkaganoon man, may mga nasangkutan ding ilang isyu at kontrobersiya sa personal life niya si Baron, pero alam ng aktor kung papaano niya ito i-handle ngayon. 

Ayon sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Arnold, a few weeks ago ay nilapitan daw siya ng ina ni Baron upang makipag-usap sa posibilidad na pag-handle nito sa career ng anak. 

Hindi personally kilala ni Arnold ang pamilya ni Baron, pero maayos nitong tinanggap ang pag-approach ng mother ng dating child actor. Malamang, nag-research ito o nagtanung-tanong ng puwedeng tumulong sa anak, and in no time at all, nakausap na rin nang masinsinan ni Arnold ang bagong alagang si Baron.

Kuwento ni Arnold, "His mom approached me. Naniniwala naman ako kay Baron. He's a very good actor, nakakahinayang kung hindi natin tutulungan. And ang sabi ko lang sa kanya, he has to change his ways, he has to change his attitude.

"When we met up, sinabi ko talaga sa kanya that he needs to undergo health and wellness program, maybe for detoxification. Requirement ko kasi 'yon in all my talents, yung walang vices. Wala kang maririnig na nagbibisyo among my talents. At gusto rin naman niya raw 'yong gano'ng program."

Naging maganda naman daw ang pag-uusap ni Arnold at ng mag-ina, and everyone's hoping for the best sa career ni Baron.

"Sabi ko sa kanya, dapat lang din niyang tulungan ang sarili niya. Na dapat, walang mga ganitong problema na, or ayusin niya kung ano ang dapat na ayusing problems or hang-ups niya. I'm willing to help him, pero I told him, he has to help himself din.

"Nakakapanghinayang lang kung mapapabayaan dahil he's one of the best actors in his generation," papuri ni Arnold.

NIKKI GIL. As for Nikki Gil, mas "fresh" ang pagiging ALV talent nito dahil last Friday, April 9, lamang naganap ang contract signing niya as the newest addition sa artists ni Arnold. Kasama na sila ni Baron sa roster of ALV artists like Billy Crawford, Carla Abellana, John Prats, Iya Villania, Jay-R, Kyla, Jon Santos, Bianca King, Kris Lawrence, Krista Ranillo, Pinky Amador, and others.

Tulad ni Baron, mga magulang din ni Nikki ang kumausap kay Arnold to manage their daughter, after her Star Magic contract expired at minabuti nilang hindi na mag-renew and to find a new manager.

Take note na ang boyfriend ni Nikki na si Billy Crawford ay under ALV din, pero nais linawin ni Arnold na walang impluwensiya si Billy sa desisyon ni Nikki to sign up with ALV.