celeb

Lorna Tolentino on remembering Rudy Fernandez: "Never siya yung nagpaparamdam, basta sa dreams lang."

by Rose Garcia posted on June 13, 2010  STATS: 178 Views | 10 Comments


  It was Daboy's second death anniversary last June 7, and already Lorna is being asked if she's ready to fall in love again. "Naiinis nga ako kapag may gano'n. Parang, hello!" though she said it with a laugh.

Photo By: Noel Orsal

Last Monday, June 7 ay second death anniversary ng action star na si Rudy Fernandez. Naging abala ang naiwang maybahay ni Rudy na si Lorna Tolentino sa paggunita sa kanya sa kinahihimlayan nitong museleo sa Heritage Park, Taguig City.

Ngayon pa lang daw ay nag-iisip na sila ng mga anak na si Ralph at Renz kung paano ise-celebrate ang 3rd death anniversary ni Daboy, sabi ni Lorna sa Startalk kahapon, June 12.

"Parang nag-iisip kami ni Ralph na gumawa ng audio-visual presentation para sa lahat ng mga friends niya. Mga pictures niya, maybe after the third year. Kumbaga, mahirap na kasi after ng third year, sa fourth, fifth, gagawin. Okey na sa akin na privately, mag-Mass na lang."

Fully constructed na ang himlayan ni Daboy sa museleo nila at doon idinaos ang misa para sa death anniversary. Binigyan din daw ni Lorna ng susi sa museleo ang mga close friends para makadalaw ang mga ito kahit wala sila.

Bukod kay Daboy, magiging huling hantungan din itong museleo para sa ibang kaanak, at ang mga puwesto ay isinasaayos na ni Lorna.

"[Para sa ] father, mother ni Rudy, brothers niya, yun ang isusunod ko. Yung mama ko, inire-request na rin niya yung lola ko, lolo ko to be there para Fernandez-Tolentino na talaga siya."

ABSENT MARK ANTHONY. Idinipensa ni Lorna ang muling hindi pagdalo ni Mark Anthony Fernandez sa ikalawang taong paggunita sa kamatayan ng ama.

"Ang alam ko, darating siya, pero sandali lang. Ang sabi kasi niya, para sa kanya, kumbaga, ang papa naman niya nasa lahat ng lugar. Naiintindihan ko, okey lang naman."

Up to this day ay untouched pa rin daw ang mga gamit ni Rudy sa bahay, maliban lang kapag kailangan itong gamitin or hiramin ng mga anak nila.

"Kapag may kailangan ang mga bata, since same sila ng size, so, 'Sige, diyan kayo kumuha sa Papa niyo or borrow the shoes, borrow the belt, jacket.' Binabalik din nila ulit."

Maingat din pala si Daboy sa kanyang memorabilia.

"Meron siyang mga gamit na nasa maleta niya na nakalagay at talagang sulat niya kung saang pelikula niya ginamit."

Ang mas lalo raw iniingatan ni Lorna ay ang mga sulat ni Rudy sa ama ni Lorna.

HAPPY TO BE SINGLE. "I feel in my heart talagang straight to heaven si Rudy. Kaya never siya yung nagpaparamdam. Basta sa dreams lang."

At ayon pa kay Lorna, nawalan man sila ng padre de familia, dumami naman ang mga kaibigan nila.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  trishane

    06/20/2010 | 06:24 PM
    heheheh...happy to be single...i love that statements!!! i salute you ms LORNA!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lumulorna

    06/15/2010 | 10:16 AM
    wow....
    i admire u most ms lt....
    ur d best wife....idol....
    love u ms lt...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • myrnav

    06/15/2010 | 09:04 AM
    I would like to see more of LT in a teleserye with the same cast as with Echo, Kristine, Sid Lucero, etc.

    I missed her and Echo in TV.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • myrnav

    06/15/2010 | 09:04 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gayhazel

    06/14/2010 | 12:32 PM


    love u much Ms. LT. sa lahat ng artista ikaw lahn ang idol na idol koh. super ganda ever at super galing sa acting.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • befairy

    06/14/2010 | 09:00 AM
    balik ka na sa momay..i miss u ms lt..kaabang abang ang movie mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • benggaling

    06/14/2010 | 12:02 AM
    i always dreaming of my husband too, every year na mag be-birthday sya.palagi un for 8 years, i missed him so much.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • black_bacarra

    06/13/2010 | 11:55 PM
    Grabe magmahal itong babaeng ito. Kung may anak akong lalaki I will hope and pray na makatagpo siya ng Lorna. Ubod ng ganda, sipag, bait and mabuting mom and wife. Hindi nilloloko ang ganitong klaseng babae.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tRUTHhUrTz

    06/13/2010 | 10:04 PM
    hello PEP...gawa na kayu ng article about PGT....dalliiiiiii!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tRUTHhUrTz

    06/13/2010 | 08:05 PM
    anu kaya nangyari sa character nya sa momay?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About