celeb

Marvin Agustin talks about his "pinakamabait" role in upcoming film Ikaw Ang Pag-Ibig

by Rose Garcia posted on July 5, 2010  STATS: 1121 Views | 22 Comments


From the very wicked Lizardo in Panday Kids, Marvin Agustin's next role is Anghel Adante, who will fall in love with a blind lady in Pilyang Kerubin.

Photo By: Noel Orsal

Si Marvin Agustin ang isa sa special guest sa Pilyang Kerubin, kung saan gagampanan niya ang papel ni Anghel Adante, na mai-in-love sa isa pang additional character na si Rosa (Camille Prats).

Ang kuwento ni Marvin set visit ng ilang entertainment press, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa Pilyang Kerubin noong July 2 sa may Frisco, "Ang rule kasi sa langit, kapag anghel ka at nagbuhay-tao ka, may tsansa na hindi ka na makabalik sa langit. Until nalulong ka na sa pagka-tao kasi...hindi naman sa kasamaan, pero sa kamunduhan. Na-in love, e. Naawa noong una kay Camille kasi bulag 'tapos, inaaway ng asawa."

Biro namin kay Marvin na challenging sa kanya ang role dahil isa siyang anghel,  na medyo malayo sa kanyang real-life persona at mga villain characters na ginampanan niya sa ibang projects.

Natawa ito sabay sabing, "Mabait lang ako, pero, hindi ako anghel. Pero ano siya, far from the last role I played as Lizardo. It's a good experience na kahit guesting lang siya, I got to work with Direk Maryo J. delos Reyes. 'Tapos, na-i-enjoy ko ang set ng Pilyang Kerubin. Kaya lang, madrama itong si Anghel Adante. Mabibigat ang mga nangyari sa kanya."

At mala-demonyo o anghel man ang hihingiin ng project sa kanya, aniya, "Masaya naman ako kahit na anong role. Yung Lizardo, I had fun doing it. Nilaro ko talaga yun."

NEXT REGULAR SHOW. So far, hindi pa raw niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin sa Kapuso network. Supposedly, may meeting sana siya with GMAAC (GMA Artist Center) pero natapat ito sa taping niya for Pilyang Kerubin.

Kung sakali, hihilingin ba niyang huwag munang bigyan ng contravida roles, lalo pa't maging ang kanyang mommy ay natakot kay Lizardo at sinabihan siyang magdasal?

Ang mabilis niyang sagot: "Hindi, ako naman, kahit na ano. Really, kahit ano..."

Sa sinabi niyang "kahit ano,"ibig niyang sabihin handa siya kahit sa paseksihan?

"Aba, kung gusto niyo! Kung kaya ba ng tao, bakit hindi?" natatawa naman niyang sabi.

UPCOMING MOVIE. Samantala, nagsimula na raw noong Sabado, July 3, ang shoot para sa kanyang bagong movie under direk Marilou Diaz-Abaya. Peñafrancia ang original title, subalit pinalitan na ito ng Ikaw Ang Pag-Ibig Talaga.

Ang pagka-klaro ni Marvin, "Yun naman po talaga ang title...Yung Peñafrancia, si Ina Feleo, yun ang role, ina ng Peñafrancia, yung pangalan niyang talaga. Pero ang title, Ikaw Ang Pag-Ibig."

Aniya, may bahagi ng kuwento na hango sa sakit ng yumaong aktor na si Johnny Delgado, na ama ng female lead na si Inah Feleo sa totong buhay.

Ang kuwento ni Marvin, "Nag-story con nga kami the other day, I just found out na yung character ko ro'n, si Father Johnny. Yung sakit kong leukemia, naka-base talaga sa sakit ni Tito Johnny.

"Kaya iyak nang iyak si Ina noong nagde-describe siya ng experience niya. Ako yung kapatid ni Inah rito na pari. Na parang test sa aming pamilya na ako ang pinakamabait and yet, ako ang tinamaan ng sakit...Parang lahat kami, bakit ito nangyayari?"

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

22 Comments

  • 22  sakanalovelife

    07/07/2010 | 07:40 AM
    tigilan nyo po ang laos laos na ganyan,madami lang mga stars now pero still gusto padin makita ng tao ma dating stars,,mix of stars,,..trabaho lang naman wala silang paki sa status,,mahlaga my work at nag iipon sila,,yun lang,yung di sial nasisira ilang tao,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  prettyasian

    07/06/2010 | 01:48 PM
    yun mga pinasikat ng Abs..naglipana sa na Gma pero wla na halos career!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  imba2010

    07/06/2010 | 11:44 AM
    nasan na yung kasabayan nyang si Dominic?

    marunong din to sa buhay, at may business pa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  caver60

    07/06/2010 | 10:52 AM
    hay naku--kung LAOS mang matatawag yung tuloy-tuloy ang project at tuloy-tuloy ang income---aba eh, mas gugustuhin ko na palang maging laos kaysa magkunwaring sikat pero halos wala namang project kaya nadedepress at naglalasing na lang..hahahaha


    as in--SIKAT AKO, pero bakit ayaw ako bgyan ng project?? hik! inom. hik! inom pa. hik! HAHAHAHA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  batongbakal

    07/06/2010 | 07:44 AM
    Pero, teka, kahit di na naman siya sikat talagang maraming projects si Marvin.

    Ang manager nya lang naman eh si Miss Wilma Galvante.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  twozerofive

    07/06/2010 | 07:15 AM
    ang pagiging matalino ay hindi dahil sikat ka bilang artista, kundi ang may maipundar ka, dahil kapag nawala na ang kinang mo bilang artista, at least, meron kang naipon at meron kang magiging kasunod na work...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  twozerofive

    07/06/2010 | 07:13 AM
    bakit ba hindi nyo maintindihan??? ang artista hindi pangmatagalang trabaho at kaylan man walang sino mang artista ang hindi nawalan ng kinang, get it????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  westbourne

    07/06/2010 | 04:35 AM
    ewan ko lang kay marvin.. sa dami daming project nya sa gma... parang hindi siya sumikat... still laos pa rin........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  senso12we

    07/06/2010 | 03:36 AM
    hoy mga kapalmilyaks di pa kayo naka move on , i love you marvin kapuso mo kami
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  gott4L3nt

    07/06/2010 | 12:00 AM
    kahit maraming project itong si marvin parang wala lang... walang dating.
    malakas lang ito ke wilma. hehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Akihir0

    07/05/2010 | 10:53 PM
    atleast my work at madaming pera! WAIS!
    UN LEMENG.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  apayagamin

    07/05/2010 | 10:48 PM
    am not sure why pero kahit isa sya sa pinakabusy na actor pero his presence cant be felt.. parang lumipas na yata kasikatan nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  pepster31

    07/05/2010 | 09:53 PM
    me interesado pa ba ke marvin?????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • atkinson

    07/05/2010 | 09:38 PM
    Karamihan sa mga artista ngayon, ayaw tanggapin na laos na sila. Pag hindi sila nabigyan ng network ng trabaho, lipat sa kabila. Hindi na nga sila mabenta, nagtataas pa sila ng mga presyo nila. Ang hindi nila naiintindihan, ang isang artista ay parang isang produkto yan. Kung ikaw ba ay merong tindahan, at meron isang produkto na hindi na masyadong binibili ng mga tao, ititinda mo pa ba? Siyempre, ang ibebenta mo, yung mas binibili ng mga tao, mas mura at mas bago. Ganun lang yan. Hindi yan kasalanan ng network. Dapat nga, ang mga artista pag alam na nila na mahina na ang market value nila, mura na sana ang singil nila at mag lie low na sila ng konti. Ang problema, lalo pa silang nagtataas ng presyo at nagmamalaki pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • atkinson

    07/05/2010 | 09:30 PM
    Aminin na kasi, laos na si Marvin. Nangyayari talaga yan sa mga artista kaya nga dapat matuto sila na mag ipon para makapagtayo sila ng negosyo dahil hindi pang habangbuhay ang pag aartista.

    Kung si Dolphy nga, nalaos na din. Ayaw lang tanggapin ng lolo niyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ak1nna

    07/05/2010 | 09:24 PM
    laos???walang pera hahahaha baka kayo walang pera
    may business yan si marvin noh!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rzm

    07/05/2010 | 08:59 PM
    laosssssssssssssssssss, buti na lang may business ka na bagao ka malaoosssssssssssssss
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • presidentgibo

    07/05/2010 | 08:45 PM
    Kung artista ako at katulad ni Marvin???

    GUSTO KO NG MAGING LAOS hehehehe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • presidentgibo

    07/05/2010 | 08:44 PM
    Pag laos, ibig sabihin...walang project, walang ng nagtitiwalang producer, wala ng drama series, walang show, walang pera at walang-wala. AS IN!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • presidentgibo

    07/05/2010 | 08:42 PM
    HINDI RIN nawawalan ang trabaho sa GMA7 si Marvin!!!

    Ang laos ay yung tulad ni ate Guy, di na nakuha pang bumalik pero SUPERSTAR sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About