celeb

Jomari Yllana reunites with Direk Marilou Diaz-Abaya in Peñafrancia movie

by Mell T. Navarro posted on July 7, 2010  STATS: 1451 Views | 7 Comments


  Actor-concert producer Jomari Yllana is slated to do a new movie about the fiesta of Peñafrancia in Bicol. This will be directed by award-winning director Marilou Diaz Abaya, whom Jomari first worked with in Sa Pusod ng Dagat.

Photo By: Noel Orsal

May bagong gagawing pelikula ang aktor na si Jomari Yllana sa direksiyon ng multi-awarded director na si Marilou Diaz-Abaya. Ito ay ang kontrobersiyal na Ina (working title), na tribute sa 300th foundation ng Our Lady of Peñafrancia sa Bicol. Unang nagkatrabaho sina Jomari at Direk Marilou sa critically-acclaimed film na Sa Pusod ng Dagat ng GMA Films.

Originally, ang Ina ay dapat ipu-produce ng Unitel Pictures (producer ng Crying Ladies at La Visa Loca). Nakapag-shooting na rin dito ng ilang araw ang orihinal na bida na si Judy Ann Santos, at makakasama rin sana sa cast ang asawa nitong si Ryan Agoncillo.

Kaso, habang nagsisimula pa lamang ang shooting ay nabuntis si Juday at unti-unti nang lumalaki ang tiyan nito't nagpunta pa ang mag-asawa sa abroad. Ang ending, ang dinig nami'y nag-backout na sa project ang Unitel Pictures ngunit desidido pa rin itong ituloy ni Direk Marilou. This time under her film company.

MOVIE ABOUT PEÑAFRANCIA. Kuwento ni Jomari sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Hindi pa kami nagkikita ni Marilou, yung line producer lang niya ang kumakausap sa akin. Ang invitation niya sa akin is parang independent. So, production siya ni Marilou. I decided na I will not ask for any talent fee. Yung pamilya ko is a devotee of Peñafrancia. Di ba, taga-Bicol kami? I decided na hindi ako maniningil. Kaya lang, hindi pa alam ni Marilou. 

"Ganito kasi 'yan, for a number of decades, yung lolo ko, si Monsignor  Florencio Yllana, siya yung naging parish priest ng Peñafrancia Church.  Namatay siya 1995, naabutan ko 'to. Inalagaan niya 'yan, nasa poder niya 'yan. Yung family ko, both Garchitorena and Yllana, ay devotees ng Peñafrancia. 'Yan yung nagpi-fiesta tuwing September sa Bicol, e. Hindi ko magawa na kumita or...parang offering na lang ito ng family ko."

Bakit hindi na lang niya i-donate ang kanyang talent fee sa Peñafrancia?

"Ganito 'yan, e. It's an independent film anyway. Alam mo naman kung magkano ang TF na ibinibigay sa mga indie, e. Pinadalhan ako ng outline ni Marilou. Lahat ng documents, ipinadala sa akin. Tapos, yung contracts, ipinadala rin sa akin, yung schedule... So, after checking everything kung okay sa schedule ko... E, nakalagay do'n, maliwanag na she's [Direk Marilou] doing it for charity also. Pro bono siya dito, e. Devotee rin siya. So, nag-decide ako. Bakit ako maniningil dito? Parang gano'n.

"It's the same film na shinoot na ni Juday and Ryan. I don't know kung nag-revise sila, I also don't know if they'd change the title... Alam kong nag-shoot na sila, nabuntis si Juday, tapos hindi na nila matuloy. So yung nalaman kong Juday-Ryan, nalaman ko from Direk Chito [Roño] nung nagte-taping kami ng Imortal. Pero hindi sinabi sa akin ang backstory. Pero umoo na ako," lahad ni Jomari.

Sabi ni Ryan sa interview nito on TV ay na-offend sila sa ginawa ni Direk Marilou. Nasa abroad daw sila ni Juday nang mabalitaang kukuha na ng ibang actors for the film.

Ano ang reaksiyon dito ni Jomari?

"Basta ang alam ko, in-offer sa akin, umoo ako. Kasama ko si Iza [Calzado]," sagot niya.

CONCERT PRODUCER. Noon namang June 22 sa Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. ay pinarangalan ang Missing You concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera bilang Concert of the Year (2009). Ang Fearless Productions nina Jomari ang nag-produce ng naturang concert.

"Tinanggap namin ni Ronald yung award," banggit ni Jomari. "Masaya kami for that siyempre. Si Ronald, he's so excited nung una kong ibinalita sa kanya yun."

Na-inspire ba sila sa nasabing award as concert producers?

"Nakakagana yung ganyan," sagot niya. "Si Ronald, ginanahan. Meron siyang bagong concept na sinasabi sa akin, bago pa lang... It's a very big concept for an artist, nasa drawing board pa lang. Malaki. It's for the Filipino artist. Kasi sabi ni Ronald, 'Papunta tayo nang papunta ng foreign artists, paano naman yung local?' Yung Pinoy, local artists."

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

7 Comments

  • pepperlicious

    07/09/2010 | 07:41 AM
    hahhahaa reading comments here made me laugh!!! stereo typing to the max! sabagay love your own and destroy the rest naman talaga ang drama ng pilipino hahahahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sakanalovelife

    07/09/2010 | 12:56 AM
    superb director MARILOU DIAZ ABAYA,,world class ang mga movie from JOSE RIZAL,.galing nya,,shes so proffesiona pa,.maingat at pulido,,mas interesting o challenging mga gawa nya,,better to jomari na mag focus sa work nya bilang actor-producer kase may anak sya na dapat sustentuhan diba,,nakakarma lang naman si jomari-aiko-aramina na parepareho silang makakati at nagpakasira sira,,if i were to pops wag si jomari,mas ok ng hiwalay na sila kase parang she comesback agen kay martin nievera noon na same story kay jomari na infidelity,,diba,,pops,deserved martin agen o kaya a decent o lingkod ng dyos,,sina aiko-aramina-jomari-pops,,na nagkasira sira ang life dahil needs decent at lingkod ng dyos na makakasama sa life,,para maayos na lahat,,lalo na si aiko na naanakan ng madami,si aramina na may karma ang pakikiapid nya,si jom din,,so,,godblessu all..maging role model kayo khit sa mga anak nyo na lamang,,GOD IS SUPREME..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tearhere

    07/08/2010 | 04:03 PM
    Magaling na cguro c direk Marilou, she was diagnosed w/ breast cancer before..directing a film is pretty tasking so I assume okay na xa,mabuti nman bcoz shes really one great director.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • akavanessa_mae

    07/08/2010 | 08:26 AM
    Is he gay? He seems like it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • babelove777

    07/07/2010 | 10:15 PM
    missing the team up of marilou diaz abaya and cesar montano. muro ami, rizal and bagong buwan. galing!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • perspective1121

    07/07/2010 | 09:03 PM
    bumalik si direk marilou! one of the greatest directors of the past 2 decades!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • perspective1121

    07/07/2010 | 08:43 PM
    bumalik si direk marilou! one of the greatest directors of the past 2 decades!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About