celeb

Sheena Halili admits copying Rufa Mae Quinto's style of comedy

by Ruel J. Mendoza posted on July 26, 2010  STATS: 777 Views | 20 Comments


  "Sa pagpapatawa naman, inaamin ko na yung style ni Ate P-chi [Rufa Mae Quinto] ang ginagaya ko. Lalo na noong Marimar na ang role ko ay si Monica, yung booba acting ni Ate P-chi ang ginagaya ko. Bumagay naman daw kasi sa akin. Kaya yun na ang naging peg sa mga roles ko," says Sheena Halili.

Photo By: Noel Orsal

First sitcom ni Sheena Halili sa GMA-7 ang Kaya ng Powers na nag-pilot telecast last Saturday, July 24. Gumaganap si Sheena rito bilang si Shalani Powers na may kapangyarihan na mag-create ng fire and water kapag nagiging emotional siya.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, sinabi ni Sheena na natuwa siya nang isama siya sa Kaya ng Powers dahil never pa niyang naransan na maging part ng isang sitcom. Puro mga teleserye at telefantasya raw kasi ang kanyang ginagawa.

"Nakakatawa nga kasi kahit na drama ang mga shows ko, tulad ng Marimar, Rosalinda, Ako Si Kim Samsoon, Zorro, Full House, La Lola, at ngayon sa Langit Sa Piling Mo, hindi ako pinagdadrama kasi nagpapatawa pa rin ako. Kaya bakit nga naman hindi pa nila ako ilagay sa sitcom, di ba?

"Noong sinabi nga sa akin na kasama ako sa Kaya ng Powers, talagang heaven ang feeling ko kasi matagal ko na rin itong gustong gawin. Tapos makakasama ko pa si Ate P-chi [Rufa Mae Quinto] at Joey Marquez na gaganap na parents namin nila Rhian [Ramos] at Elmo [Magalona]. Kaya ang saya-saya nung first taping day namin na magkakasama kami. May rapport na kami kaagad lahat," saad ni Sheena.

THE NEXT RUFA MAE? Marami ang nagsasabi na puwedeng sumunod sa yapak ni Rufa Mae si Sheena dahil pareho ang style ng kanilang pagpapatawa at magkahawig pa raw sila. Ano ang masasabi ni Sheena rito?

"Pareho kasi kaming maputi at chinita. Tapos mahahaba ang legs namin. Kaso si Ate P-chi, mas matangkad sa akin. Ako kasi, ang legs ko lang ang humaba at hindi ang katawan!" tawa niya.

Dagdag ni Sheena, "Sa pagpapatawa naman, inaamin ko na yung style ni Ate P-chi ang ginagaya ko. Lalo na noong Marimar na ang role ko ay si Monica, yung booba acting ni Ate P-chi ang ginagaya ko. Bumagay naman daw kasi sa akin. Kaya yun na ang naging peg sa mga roles ko.

"Hanggang sa maging mag-ina na nga kami dito sa Kaya ng Powers. Natatawa nga ang staff ng show kasi kapag mag-usap daw kami ni Ate P-chi, parehong-pareho. Kahit na yung pa-English-English naming dalawa, nagsuswak. Kaya bagay talaga kaming mag-ina."

RAINIER CASTILLO. Tinanong din ng PEP si Sheena tungkol sa ex-boyfriend niyang si Rainier Castillo, na nasa bakuran na ng TV5. Inamin ni Sheena na nalungkot siya noong malaman niyang wala na si Rainier sa GMA-7. Huli silang nagkatrabaho sa series na Full House at bago 'yon ay nagkasama sila sa Dear Friend at SRO Cinemaserye.

"Nagulat ako kasi wala naman siyang nababanggit na lilipat siya sa ibang network," sabi ni Sheena. "Kasi nga, nagkasama pa kami sa Full House. Parati naman kaming nagkakausap, pero wala naman siyang naikukuwento na may problema pala siya with GMA-7.

"Nalaman ko na lang na nasa ibang network na siya noong mag-text siya. Parang nagsabi lang siya na baka matagal kami ulit hindi magkakatrabaho. Akala ko nagdyu-joke, yun pala, pumirma na siya sa TV5.

"Siyempre, sad naman ako dahil nagkaayos na kami, di ba? After ng mahabang panahon, nagawa naming mag-usap ulit at magkabati. Akala ko nga tuluy-tuloy na ang team-up namin kasi nga nakagawa na kami ng three projects sa TV na okey naman ang pagtanggap ng fans.

"Pero kung yun nga ang desisyon ni Buboy [nickname ni Rainier], wala naman tayong magagawa. Kung sa ibang network siya mas maraming trabaho at masaya, e, di magiging masaya ako for him. Nabanggit nga niya na gusto lang niyang magkaroon ng work at siguro naman okey ang lagay niya sa ibang network."

Nakikipag-communicate pa rin naman daw si Rainier sa kanya. Madalas daw ay through text message lang.

"Naku, kuripot 'yon, 'no!" malakas na tawa ni Sheena. Hindi tatawag 'yon. Nagtitipid yata sa load. Panay text lang siya talaga sa akin."

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

20 Comments

  • 20  pusotisipmo

    07/28/2010 | 09:14 AM
    mag ipon,mag work ng profffesional,,,at magandang relasyon sa dyos,,yun lang,wag pasisira,,..we love also,.KELY MISA,NINA JOSE,PAULIN LUNA,STEF PRESCOTT,NADINE SAMONTE,MELISA RICCKS,SAM PINTO,iIYA VILLANIA,mMICHEL MADRIGAL sila bet ko sa stardom,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  boonybrooke

    07/28/2010 | 08:19 AM
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  boonybrooke

    07/28/2010 | 08:18 AM
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  pusotisipmo

    07/27/2010 | 08:58 PM
    ok namna sya kaya lang maliit at kulang sa star apil,,.we need to accept naman na hindi lahat pweding pang lead role o kaya pweding sumikat ng bonggang bonnga,.ang pagiging actress naman kahit maliit o malaking role mahalaga nagagampaman mo ng mahusay,..mahalaga din kay sheena ay may work sya at kumikita sa marangal na paraan,,ok lang gayahin si rufa mae kaya lang di naman bagay sayo ang sexy image kase maliit ka at wala lang,,binabagayan din yan,,baka naman ikairita ng tao ang pangagagaya mong yan at ikasira mo pa yan!mas ok,be orig padin diba,..i gues,maayos at hindi sya yung tipo ng girl na malaswa.sheena is decent at maganda din ang values nya kase may takot sya sa dyos,kaya trabaho lang tlaga sa kanya lahat,,at wala syang plan mag pa exploit jan,,mas ok sina MAXENE MAGALONA,NINA JOSE,MAGGIE WILSON,EHRA MADRIGAL,MICHELE MADRIGAL,JESSY MENDIOLA,NADINE SAMONTE,MAJA SALVADOR,DIANA ZUBIRI etcc,..work proffesionally at samahan ng magandang relasyon s dyos,,godbles iha,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  Hyun_Mai

    07/27/2010 | 04:47 AM
    Ano nga bang pangalan nung babae na kaibigan ni Mariane Riversa sa endless love? Sana si Sheena Halili na lang dun sa character na yun bagay sa kanya, unlike yung girl na yun nakokornihan ako...
    -----------------------------------------------------------------------------------------

    oo nga...si sheena na lang sana mas ok....ganda talaga ng babaeng toh!!!
    marimar pa lang nun humanga nako sa kanya...GO GURL!!
    GOODLUCK sa career mo!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  xtianmikko

    07/26/2010 | 08:35 PM
    gusto ko ang

    ROCCO-SHEENA loveteam...

    yoko sa LOVI-ROCCO

    parang di ko feel si lovi na magpa tweetums pa at mag lovetam...

    best actress na siya....

    kaya nya na yan...

    pwede siyang maging next iza calzado na hndi natatali sa isang partner...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  sinned21

    07/26/2010 | 07:59 PM
    ang gma parang hindi pinag iisipan yung mga roles na binibigay sa mga talents nila.to think na sa artists center pa itong si sheena..seven years na after nung starctruck 1..itong si sheena sidekick pa rin ang role,its ok kung supporting roles lang pero sana bigyan naman ng significace yung character hindi yung parating comic relief lang na sa totoo lang nakakasawa na,isa pa yung charice solomon.naku habang buhay nalang magpapatawa yun bilang sidekick.walang growth as artists.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  nonez

    07/26/2010 | 06:35 PM
    ang cute niya at talagang talented siya keep up the good work girl

    kapampangan yan...the best
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  solidaridad

    07/26/2010 | 06:28 PM
    Mas gusto ko si Sheena kaysa kina Rhian, Maxene at Jennica. Bakit kaya hindi mabigyan ng malalaking role?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  AkoPalagi_II

    07/26/2010 | 05:53 PM
    cute ka pa rin sheena.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  citiboy

    07/26/2010 | 05:41 PM
    pati ba naman sa article ni sheena may haters padin si rhian? grow up people! talented naman si rhian, at hindi niya kasalanan na naging kamag-anak niya si ida henares.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kantartar

    07/26/2010 | 05:35 PM
    Parang di umaakting si Sheena pag umaarte, natural na natural ang dating.

    Tiaga pa iha, balang araw magkakaroon ka rin ng solo. Sabagay, iilan lang ang tulad ninyo kaya magtatagal ka sa showbis!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • florenz13

    07/26/2010 | 05:27 PM
    i like sheena.. shalani hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kewl

    07/26/2010 | 05:18 PM
    i like her...sana hindi na lang sinali si rhian ramostita ida! hahaha. sana bigyan ka pa ng madaming shows sheena. di hamak naman na mas magaling ka kay rhian..imbyerna
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • swiss

    07/26/2010 | 04:52 PM
    Love ko si Sheena aka Shalani Powers!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    07/26/2010 | 04:33 PM
    love ko rin si sheena
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • starking

    07/26/2010 | 04:32 PM
    Ano nga bang pangalan nung babae na kaibigan ni Mariane Riversa sa endless love? Sana si Sheena Halili na lang dun sa character na yun bagay sa kanya, unlike yung girl na yun nakokornihan ako...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • under_rated

    07/26/2010 | 04:07 PM
    love this Gurl !!! GO GO GO !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • purplebaguiocats

    07/26/2010 | 03:36 PM
    super fan ako ni sheena, magaling kasi talaga, carry nya ang comedy. the best yung roles niya sa marimar at kim sam soon..

    bagay nga silang magkasama ni rufa mae sa isang sitcom, riot yan. napanood ko yung pilot epi, at aabangan ko yan every saturday,,



    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • K4rm4

    07/26/2010 | 03:33 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About