Nagbabalik sa theater scene si Monique Wilson, isa sa mga kilalang Filipino theater actress, through a one-woman play next month. Four years ding nawala si Monique eksena dahil tinutukan niya ang pagtuturo sa London.
Thirty years na si Monique sa mundo ng teatro. Marami na siyang nagawang local productions bago pa man siya tumuntong sa kolehiyo sa University of the Philippines at kumuha ng kursong theater Arts.
Sa edad na 18, pinalad siyang mapili bilang alternate ni Lea Salonga sa role na Kim sa Miss Saigon, and then she was doing the lead role a year later.
CATS IN MANILA. Masaya si Monique at napunta dito sa Pilipinas ang musical na Cats, na itinatanghal ngayon sa Cultural Center of the Philippines with Lea playing the role of Grizabella.
"Actually, I think there's a place for everyone. It's also good sometimes na mayroon tayong mga international shows dito. Like Cats nga, grabe yung training nila diyan. Magagaling silang kumanta at sumayaw kasi pinag-aralan nila 'yon," sabi ni Monique sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 18, sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.
Panawagan lang ni Monique, huwag kalimutan ang local theater groups na nagtatanghal din ng mga dula at musicals.
"Mas mahal panoorin ang mga international musicals. Kailangan din namin ang support ninyo. You just keep it equal yung support. Kung manonood sila ng Cats, manood din kayo ng Tanghalang Pilipino, ng PETA, Repertory Philippines, at marami pang theater groups," sabi niya.
THE CLIMB. Ayon kay Monique, akala ng ibang tao ay madali lang maabot ang kasikatan at respeto na narating ng mga kagaya niyang artist.
"Minsan nga lang, ang sakit ng Filipino artist, which I'm trying to really change, is mayroon tayong natural talent, pero alam mo, hindi sapat 'yon. Para sa mga kabataan ngayon na gustong gawin ang ganito, kailangan mag-aral kayo at mag-practice kasi kailangan mag-last kayo sa industriya.
"Look at Lea and even myself, we've been doing theater all our lives. Hindi lang basta-basta ito na ginawa namin. Marami kaming in-invest na oras diyan para ma-train kami. And of course, it's not easy to be an actor," pahayag ni Monique.
BRINGING PRIDE. Sabi pa ni Monique, importante pa rin para sa kanya ang bumabalik dito sa Pilipinas kapag bakasyon sa London.
"Kahit na nakatira ako sa London and I teach there, feeling ko, I have an obligation to keep coming back. Para mag-produce ng play. Para umarte. Mag-workshop dito at magturo. Kasi kung talagang para sa iyo lang ang career mo, then that's too selfish. Kailangan i-share mo rin. Kasi siyempre, maliit lang ang industriya ng teatro natin dito. Kailangan pa rin tinutulungan," saad niya.
May 16 years na rin ang kanyang theater group, ang New Voice Company. Dahil dito, nagagawang ibahagi ni Monique kung ano ang tinuturo at natutunan niya sa London.
"Sometimes kapag umuuwi ako, I hold workshops. Eventually, I will give London a few years na lang. Siyempre, na-feel ko din, paano na yung Filipino artists kapag sila yung tinuturuan ko dito. Pero siyempre, you want to get the qualifications and that experience. And then eventually, of course dito na," sabi niya.
Bilang teacher sa London, busy si Monique sa pagtururo ng Master's degree level students.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
10 BSB_n_Beyond
9 sylvester
8 mikajolie
7 r2kin2
6 totoysipa
Sana lang PEP will post a different pic. She really is beautiful and this picture here does not justify that.
5 lovekoto619
PROUD TO BE PINOY!
4 asidik
3 kantartar
Ang galing mo din... we proud of you!!!
2 alexangel
i was a member of a school-based theater group and for 10 years which started during my college days and i must admit that i apply my training in theater even in real life.
it also helped me in landing a good job. you know what they say: a good performance starts from being a good actor. if you want to impress in your job interview, make use of your presentation skills. how you carry yourself in front of the interviewer, how to make a good impression using your voice, good grooming, eloquence, etc.
kaya medyo elitista ang tingin sa mga taga theater kasi iba ang training.
1 trinoma_rat
CATS had a very successful run. Goes to show that Filipinos will not hesitate to watch and shell out a few pesos a quality production. May other theater groups use the momentum to stage more quality production now na, local or foreign-themed, especially musicales. Mahilig kasi talaga ang Pinoy kasi sa music/kantahan. Pero sana wag lagi sa CCP or PICC or Meralco theater gawin. Medyo mahirap puntahan ang mga lugar na eto para sa masa. Sana may place din sa ibang cities like QC, Makati. Yong wag ding expensive ang parking space like sa CCP. Nagbayad ka na nga para sa show, magbabayad ka pa para sa parking. Saka parang ang hina ng soundsystem ng CCP. Luma na kasi siguro.