Maliban sa pagiging fashion designer, nakahiligan na rin ni Oskar Peralta ang mag-artista. Katunayan, nakapag-taping na siya para sa fashionserye ng ABS-CBN na Magkaribal. Kasama rin siya sa cast ng indie movie na Tarima, na pinagbibidahan nina Fanny Serrano at Rocky Salumbides, mula sa direksiyon ni Neil Tan.
Kuwento ng mga bilanggo sa loob ng kulungan ang Tarima.
"Olga ang pangalan ko. Dumating na ako sa edad na 75. Ayaw ko nang lumabas kasi wala na akong uuwian, wala na akong kamag-anak, wala na akong kaibigan. So, I'd rather stay sa vicinity ng bilibid kaysa lumabas pa. Sa kuwento, 20 years akong nakulong. Nakapatay ako ng boyfriend ko kasi nagtaksil sa akin," paglalarawan ni Oskar sa kanyang role nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag si Oskar na tanggalin ang kanyang wig in public para lamang sa role niya sa Tarima.
"Seventy-five years old ako dito. Talagang nagmukha akong 75 no'ng tinanggal ko ang wig ko. Kay Fanny lang ako napapayag na magtanggal ng wig. Never again to remove my wig, never!" tawa niya.
Dagdag pa ng sikat na fashion designer, "Ginawa ko lang yun dahil kay Fanny. I love him. Maganda yung friendship namin, kahit hindi kami nagkikita nang madalas. Nagkikita lang kami 'pag sa mga fashion show, sa mga parties.
"Pero kapag sa mga ganitong mundo [pelikula], meron lang siyang feeling na parang lucky charm niya ako. Kumbaga, kumportable lang siya when I'm around kahit maliit lang yung role ko. Kaya nga never again na makita ako ng publiko na deglamorized."
LOVE FOR ACTING. Nakapag-taping na rin daw si Oskar para sa Magkaribal ng Kapamilya Network, kung saan ang role niya ay siya mismo.
"Nakapag-taping na ako with Robert Arevalo, hindi pa ipinapalabas," banggit niya. "Siguro mga apat o limang beses pa akong magti-taping. Naghihintay lang ako ng tawag nila. Ako yung confidante ni Robert sa series."
Hindi career ang rason kung bakit pumapayag si Oskar na mag-artista.
"Wala lang. Kalokohan ko lang, out of nothing to do, with love of doing it—that's it. Love ko talaga. Pero hindi talaga yung panay-panay. Pero pag si Fanny na ang tumawag, hindi ako makakatanggi kasi naniniwala ako na hindi niya ako pababayaan," sabi niya.
Itinanggi ni Oskar na kabilang siya sa liga ng mga matataray, matapobre, at mayabang na established fashion gurus sa bansa.
"Misunderstood siguro. Lahat ng mga akala nila, it's not true. I don't think na yung mga kaibigan kong matataray, magiging kaibigan ko kung gano'n ako. 'Pag ganyan, lalayo na yang mga yan sa iyo," saad niya.
DISAPPOINTED WITH BEA ALONZO. Ayon kay Oskar, siya ang nakadiskubre sa young actress na si Bea Alonzo, na isa sa mga bida ng Magkaribal.
Kuwento niya, "Ginawa ko siyang third runner-up [sa isang beauty contest], kasi medyo mataba pa siya noon. The thing na naka-attract sa akin ay yung talent niya na super fabulous. Sobra talaga. She was 13 or 14 yata siya that time. Yung contest sa Pasig. I was the chairman of the board. Ginawa ko siyang third runner-up, sinabi ko doon sa kasama ko na si Archie Ilagan. Sabi ko, 'Uy, Archie, punta ka sa backstage. Yung third runner-up na babae doon, yung mestisa, alagaan mo, magkakapera ka diyan.' Na naging manager niya."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
9 pusotisipmo
8 pusotisipmo
7 homemaker
akala ko pa naman good girl itong si bea kasi wala naman akong naririnig na masama sa kanya.
ako, naniniwala ako sa kwentong ito kasi di naman magsasalita ito kung wala syang proweba. e di demanda ang aabutin nya pag nagkataon.
di naman siguro ifefeature ito ng pep kung walang katotohanan. for me mataas pa rin ang credibility ng pep kahit na sumablay nang minsan kay richard.
gratitude lang naman ang hinihingi ni oscar peralta no more no less. mahirap bang ibigay yun ha bea?
nung mawalan ka ng work for 6 months, super depressed ka. sana naman matuto kang lumingon sa pinanggalingan mo.kasi kung hindi.....lalagpak ka nang bongga sa lupa promise.
opinyon ko lang ito.
6 pinoy_in_la
5 binsoyb
4 kantartar
3 MakatiYuppy
2 kantartar
1 lagi_na_lang_ako2005