celeb

Yeng Constantino: "Sa pambenteng ulit po, hindi po ako tomboy."
by Nica Tomines posted on January 20, 2011  STATS: 3413 Views | 17 Comments


Nagbigay ng eksplanasyon si Yeng kung bakit siya napagkakamalan na "tomboy." Siguro nagmumukha raw siyang tough dahil pang-depensa niya ito sa sarili, pero kung makikilala raw siya, siya ay totoong "malambing."

Photo By: Noel B. Orsal

Isa sa mga guests ng Pilipinas Got Talent grand winner Jovit Baldivino sa concert nito sa November 13, sa Aliw Theater, ay si Yeng Constantino.

Katulad ni Jovit, si Yeng ay produkto rin ng isang ABS-CBN singing contest, may apat na taon na ang nakakaraan.

Nanalo siyang "Grand Star Dreamer" sa reality-singing contest ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy.

Nang makausap si Yeng ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng media sa press conference ng concert ni Jovit, nakitang todo suporta ito sa 17-year-old na si Jovit.

Ayon pa kay Yeng, naniniwala siyang ang hatak ni Jovit sa masa ang isa sa mga strengths ng binata.

"Meron siyang appeal sa masa, minamahal siya. Meron siyang appeal sa masa, mahirap 'yon for an artist."

Dagdag pa niya, "May mga maayos naman [na artist], pero hindi ganoon. Walang masyadong magnet. Pero siya, minahal siya ng mga tao sa kung ano siya, kaya sapat nang dahilan 'yon para maniwala lang siya na kung ano yung dapat niyang gawin."

Sambit pa ng singer na marunong ding mag-gitara at mag-compose ng mga kanta, "Ako, no negative thoughts for him. Good Vibes!"

Sa Aliw Theater ginanap ang unang concert ni Yeng noong June 23, 2007. Needless to say, naging successful ito at napuno ang venue.

Sa tingin kaya niya, mapapantayan ito ni Jovit, na sa Aliw din magtatanghal ng kaniyang first major concert? May capacity ang venue na mga 2,800.

Hindi nag-alangan si Yeng sumagot ng, "Mapupuno niya yung Aliw Theater, wala akong nararamdaman na doubt."

Dagdag pa niya, wala dapat problemahin sa Jovit kungdi pagbutihin ang pag-aaral ng mga kanta para sa debut concert nito. Iyon lang naman daw ang hinihingi sa isang singer.

"Basta sa akin, hindi naman niya trabaho iyon. Ang trabaho niya is to study his songs. Pag masyado niya inisip 'yon, mawawala na ang purity ng pagkakanta."

Nagbigay na rin ng mensahe si Yeng para kay Jovit, na kasama niya sa pool of artists ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN: "Masaya ako na nad'yan siya, na I just hope wag siya ma-pressure na marami pang magagandang mga bagay ang darating sa buhay niya."

Payo pa ni Yeng sa bagong singer: "Huwag kang mayanig. Huwag kang ma-shaken dahil alam mo... yung verse na, 'God will not give you something that you cannot bear.' So, ibig sabihin, you are deserving!"

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  hayleyween

    11/05/2010 | 08:11 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  fanako00

    11/05/2010 | 07:50 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  hayleyween

    11/05/2010 | 07:15 PM
    huh!? totoong artist?yan ba ang matatawag mong totoo. haha yeah right! magaling nga ciang maggawa ng mga kanta pero!! mang-gagaya namn cia pati na rin ung banda nia ginagaya nila ang PARAMORE!! napaka trying hard ng banda nia!!ang super duper feeling!! gt;:D wahahah..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  fanako00

    11/05/2010 | 06:52 PM
    hoy kayong mga epal si yeng ang matatawag na totoong artist! hindi lang basta singer! kasi siya nakakagawa sya ng mga kanta para magkabuhay ang puro revival na mundo ng OPM. di tulad ng mga idolo nyo hindi sisikat kung wala ang kantang sumikat na noon pa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  hayleyween

    11/05/2010 | 06:34 PM
    alam nio kc napaka tryng hard ng boses nia!! super pianapalaki nia ung boses nia para maging astig eh d nia alam mukha na ciang tomboy!! AT! gayagaya pa!! alam nio kung cno ginagaya nia!!! c HAYLEY WILLIAMS!! DUH!! ang FEeling talaga!!! kaasar!! napaka tryng hard mo teh!! layo mo kay hayley williams noh!! kamukha mo kaya c madam auring..haha:P
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  badjaobabe

    11/05/2010 | 01:50 PM
    at sa pambente unong ulit din po, di kami interesado kung tiboli ka o hindi!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  standerby

    11/05/2010 | 01:41 PM
    Ok fine.oo na.awat na.di ka na tibo
    pero ineng kamukha mo naman si imelda papin.period.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  xxxjmb

    11/05/2010 | 01:25 PM
    Inggit lg yong nagsabi badoy manamit c yeng, bkit ikaw perfect or fashionista? Haha..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    11/05/2010 | 12:03 PM
    ok.. . di ka tomboy pero baduy ka manamit
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • couchtomato

    11/05/2010 | 11:28 AM
    Sana i-correct ng mga tao ang vocabulary nila. TOMBOY does NOT mean LESBIAN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • juliusa

    11/05/2010 | 11:08 AM
    ok fine...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ehemm

    11/05/2010 | 10:59 AM
    lols. bakit ganon sa showbiz - pag lalaki sinasabing gay, pag girl naman sinasabing tomboy...

    ewan sa inyo lols

    imelda p, i mean, yeng, just smile at them lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • catalina

    11/05/2010 | 10:19 AM
    kulitkulitko and winona01, tumpak!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winona01

    11/05/2010 | 09:38 AM
    kulitkulitko

    HAHAHA natawa ako sayo, prehas tayo ng obserbasyon. noon pa sinasabi ko na mukha sya talagang si imelda papin! hihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kulitkulitko

    11/05/2010 | 09:30 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    11/05/2010 | 09:30 AM
    WE dont keeerrr.... lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alquoz

    11/05/2010 | 08:50 AM
    Tomboy or not, I love her! TO HELL with all those who make gender an issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About