Hindi pa man natatapos ang taon ay meron nang pinaghahandaan na project for early next year ang young singer na si Sarah Geronimo.
Napili kasi ang Pop Princess na maging partner ni Martin Nievera para sa Valentine concert na gaganapin sa February 12, 2011.
What Love Is ang napiling pamagat ng concert at gagawin ito sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
"Very happy po tsaka excited to do the show. Nung narinig ko po na makakasama ko si Sir Martin sa isang concert, kinabahan po talaga ako," banggit ni Sarah nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press noong November 25 sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Hindi raw pumasok sa isip ni Sarah na balang-araw ay makakasama niya sa isang malaking concert ang respetadong balladeer.
Alam din niya ang reputasyon ni Martin bilang isa sa mga crowd-drawers pagdating sa live shows tuwing sasapit ang buwan ng Pebrero.
"I'm deeply honored and surprised na kinunsider ako na magkaroon ng concert with the Concert King, Mr. Martin Nievera," pahayag ni Sarah.
"E, ang nakakasama ni Sir Martin sa isang concert usually ay sina Ms. Regine Velasquez, sila Ms. Zsa Zsa [Padilla]. So, sino ba naman po ako na magpe-perform with Sir Martin sa Araneta?
"It makes me parang more inspired to do better in my craft, to be a better performer, to be a better singer.
"Kasi pag napapanood mo sila Sir Martin, talagang malaking inspirasyon na nabibigyan kaming mga baguhan ng pagkakataon na makasama sila, halimbawa sa ASAP at makasama sila mag-perform."
Malayo man ang agwat nila pagdating sa edad, maging sa panahon ng kinamulatan pagdating sa musika, ay hindi naman nahirapang sumabay si Sarah dahil mahilig din pala ito sa mga standard songs.
Naikuwento ni Martin na nagulat siya nang malaman na pamilyar si Sarah sa mga awitin nina Frank Sinatra, The Carpenters, Johnny Mathis, at iba pang legendary singers.
"Siguro kasi I have an old soul. Mahilig po talaga ako sa mga classic love songs," paliwanag ni Sarah, na namulat sa mga lumang tugtugin courtesy of her father.
WORKING ALONGSIDE GERALD. May mga balita na pinaplano ng ABS-CBN na itambal si Sarah sa aktor young actor na si Gerald Anderson.
Nais daw kasi ng Kapamilya network na pansamantalang ilayo si Gerald sa nakasanayang love team nito with fellow Pinoy Big Brother: Teen Edition housemate na si Kim Chiu.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
48 loveherbeauty
Given the right project, good story and good director makakaya ni sarah kahit hindi pa si JLC ang kapartner nya oldo malakas talaga ang hatak ng tambalan nila dahil nakita naman natin sa kinita, kung tutuusin very oridinary lang yung story ng movie nila but becoz of their chemistry kaya sobrang nakahatak ng tao.
Sarah needs to improve her acting sa heavy drama, bata pa naman sha maiimprove nya pa yun,hindi katulad ng iba na actress na quot;talaga pero hindi pa din effective mag heavy dramaquot; bagay sa kanya mag
47 baba
46 lyka25
45 pinoymeast
44 clois18
43 piedaderiberta
napaka nega na ng image ni Gerald.
Hindi lang sa active Phil.fans, lalo na dito sa abroad.
Yung threats kuno, pwedeng magpanggap upang siraan lang
ang mga Kimerald fans,na kunti na lang.
Ang mga Kim fans ay walang paki kay Gerald.
42 lyka25
41 lyka25
40 lyka25
39 lyka25
38 ronareyes
37 clover06
36 mansor25
no matter what happens, i will still support her and the rest of the popsters all over the world.
35 fukengkeng
34 adikakosayo
mukhang marami kang alam ah..share naman dyan..
33 mangtemi
32 angela888
31 minimaxell
30 pretty
1. kung magwawala ang mga Kimerald
2. kung mawawala ang support ng Kimerald kay Gerald A.
3. kung sino ang mas sisikat kay GA or KChiu individually.
29 Jockinthepan
more comments