celeb

Alwyn Uytingco laughs off talks that ABS-CBN didn't push for him because of his gay roles and feminine features

by Rey Pumaloy posted on April 19, 2011  STATS: 1194 Views | 17 Comments


  "Kung tumatak po sa kanila na bakla ako at naniwala silang bakla ako, tatanggapin ko na lang po yun as a compliment na naging totoo ako sa kanila, at naparamdaman ko sa kanila na bakla ako. Pero kung iisipin nila na totoo akong bakla, opinion na po nila yun," says Alwyn Uytingco.

Photo By: Noel Orsal

May follow-up project na ang young actor na si Alwyn Uytingco sa TV5.

Ngayong magtatapos na sa ere ang weekly afternoon series na BFGF, sasaluhin naman siya ng bagong show na pagbibidahan nina Ms. Susan Roces, Alice Dixson, at Alex Gonzaga—ang Babaeng Hampaslupa

Gagampanan ni Alwyn dito ang role bilang kababata at best friend ni Alex hanggang sa magkaroon siya ng pagtingin dito.

Ang sunud-sunod na projects ni Alwyn ay isang maliwanag na indikasyon na aalagaan siya ng TV5.

Pero bago ang paglabas niya sa Kapatid network ay nagsimula at nagtagal bilang talent ng ABS-CBN si Alwyn. Naging masaya ba si Alwyn sa status niya sa Kapamilya noong nandoon pa siya?

"Masaya naman po ako," mabilis na tugon niya. "Pero hindi naman natin maitatanggi na may mga ups and downs. Sabi nga nila, 'weather-weather.'

"Ako naman, hindi ko naman sila masisi. Paano kung hindi naman ako suitable sa character o sa show? Hindi naman nila ako ipipilit talaga."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alwyn sa unang presscon ng Babaeng Hampaslupa noong January 24 sa Cravings restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Hindi ba siya nagtaka kung bakit hindi siya binigyan ng chance na i-buildup ng Kapamilya network?

"Hindi ko naman po sila sinisisi. Okey naman po sa akin. Kasi ako, naniniwala naman ako na may kanya-kanya tayong panahon," sabi ni Alwyn.

GAY ROLES. Gumanap na bading si Alwyn sa movie franchise na Ang Tanging Ina Mo at may mga ilang nilabasan din siyang shows sa ABS-CBN, gaya ng Maalaala Mo Kaya, na gay rin ang character niya.

Bukod sa gay roles, isa sa sinasabing dahilan kung bakit hindi siya na-push ng Kapamilya network ay dahil hindi siya mukhang lalake.

Anong masasabi niya rito?

Natawa muna si Alwyn bago sumagot.

Aniya, "Lahat kasi ng mga actor, lalo na dito sa Pilipinas, ay dumadaan sa gano'ng proseso. Ang aim ko talaga ay versatility, na gusto ko talaga na kahit anong character, magagampanan ko.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  mindanaogreat

    01/28/2011 | 06:36 PM
    If there is one Filipino young actor who has remained steadfast and dedicated in his craft, it's Alwyn Uytingco. His decision earlier on to be a freelancer is remarkable knowing that no major network should claim sole ownership of creativity and artistic freedom to enhance an actor's value. Alwyn Uytingco will definitely be the next big thing and a force to reckon with in Philippine TV and movies. Mabuhay and God Bless, Alwyn. PS. I wonder how he is related to Ms. Kris Aquino who's grandparents are Sumulong and Alwyn's mother is also a Sumulong.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  juankastila

    01/28/2011 | 03:30 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  kapupuyucks

    01/28/2011 | 03:04 PM
    not a leading man material... sa gma ka bagay.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  merlion_25

    01/28/2011 | 08:54 AM
    Bakit si Piolo ayaw ng gay roles??? Lol! Sana sa ABS na lng si Alwyn. Marami kasi mga lubog na career dun. Palagay ko after 2 yrs, it'll be GMA7 na number one pa rin, followed by tv5. Then Qtv11. Fourth ang ABS. Good luck Alwyn.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  shastarose

    01/28/2011 | 08:01 AM
    ang PEP parang anti-ABS cbn. yung mga anggulo ng articles nila parang may malisya. napapansin lang po. sana hindi maging biased ang pep, sayang ang reputation.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  hooney

    01/28/2011 | 04:26 AM
    hindi nga gay pero sa tingin ko kaya d mabigyan ng magandang project kase hindi rin pang leading man ang dating, parang rugged kase lagi eh, eh hindi naman siya matangkad na katulad ni Rafael Rosel
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  teamkapamilyaglobal

    01/28/2011 | 02:46 AM
    So happy for Alwyn! Finally a big role for him. Can't wait for show! Susan, Alex, Alice... bongga talaga!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  ichigo510

    01/27/2011 | 11:22 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kurachatista

    01/27/2011 | 10:57 PM
    Chaka nmn, wala na bang iba TV5 ???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • GoodOrginalShows

    01/27/2011 | 09:57 PM
    hindi sya gay! ang gay kapag di out, tapos tinawag na bakla, magagalit. pero ang tunay na lalaki kung tinawag na bakla, parang wala lang. tatawa pa. i am gay and i don't think alwyn is gay. he's very gay friendly lang which all people should be.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • GoodOrginalShows

    01/27/2011 | 09:57 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • thorns_143

    01/27/2011 | 05:41 PM
    sayang to...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • vivian_zapanta

    01/27/2011 | 05:22 PM
    walang star appeal, bagay sa GMA, gudlak!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ryan_vietnow

    01/27/2011 | 04:22 PM
    Good luck!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • wimpykid

    01/27/2011 | 04:06 PM
    Tama ang paglipat mo sa Kapatid network. AT least doon, nabibigyan ka ng break, eh ang tagal tagal mo na kayang lumalabas sa Dos, pero parang di pa rin nagti take off ang career mo. Good luck sau, malalim pa naman ang acting mo. Cguro di ka type ni Ms. M sa ABS. Yung ibang fafa ang binibigyan nya ng projects.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • gossipmonger

    01/27/2011 | 04:06 PM
    true day, chikorita. na-typecast lang siya dahil sa previous roles niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    01/27/2011 | 03:57 PM
    hindi xa gay.. yung ibang nkasabayan nya at binibigyang pansin sa kabila yun ang totoong nktago sa closet.. ehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About