"I just hope na sana magkaroon kami ulit ni Kris ng project. Nakita naman ng mga bosses ng GMA na okay naman kami, at sana nga magustuhan nila na bigyan ulit kami ng project," says Rocco Nacino about Koreana leading lady Kris Bernal.

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rocco Nacino sa presscon ng final week ng Koreana kahapon, February 21, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Isa sa mga napag-usapan namin ay ang susunod niyang project pagkatapos ng Koreana—isang danceserye para sa Kapuso network na may working title na Just Dance With Me.

Dito, makakasama ni Rocco si Mark Herras, ang tinaguriang "Bad Boy of the Dancefloor." Kaya aminado ang StarStruck V alumnus na may pressure para sa kanya na makasama sa show na ito.

"Siyempre po kasi mahusay si Mark, meron siyang own type of dancing niya. Feeling ko... Actually, doble nga yung pressure na nararamdaman ko kasi yung mga kasama ko, sina Mark, sina Sef [Cadayona], si Enzo [Pineda], magagaling silang sumayaw. Ako, hilig kong sumayaw, pero hindi ako magaling na magaling talaga.

"Dun sa danceserye, kailangang ipakita mo na magaling ka talaga, na maa-idolize ka ng mga tao, na magugustuhan nila ang pagsasayaw mo. So, iyon nga po, doble ang pressure sa akin kaya magwo-workshop po ako," pahayag ni Rocco.

Makakatulong din daw sa kanya ang dance workshop para sa isang indie film na gagawin niya.

"Pinaghahandaan ko yung indie film na gagawin ko," sabi ng binata. "Actually, about dancing din po siya, pero mas drama po. Isa akong interpretative dancer doon, so very deep yung takbo ng kuwento."

Hindi siya magpapa-sexy sa naturang indie film?

"Hindi po, all drama lang and dance," sagot ni Rocco. "It's a first at saka entry po siya sa Cinemalaya kaya excited ako."

TEAM-UP WITH KRIS BERNAL. Tungkol naman sa Koreana, masaya si Rocco na nagtagumpay sila na mapag-rate ang kanilang drama series nina Kris Bernal at Steven Silva.

"Of course, natuwa po ako na, yun nga, na kami ni Kris, inilagay sa isang show at naging successful naman," sambit niya.

Hiningan din namin ng komento si Rocco sa pagbabalik-tambalan nina Kris at Aljur Abrenica sa pagpasok ng young actress sa Machete.

"I'm happy na magbabalik-tambalan sila ni Aljur, na magkakasama sila ulit," aniya.

Ayon kay Rocco, hindi siya nagdamdam na kung kailan tanggap na ng publiko ang team-up nila ni Kris ay saka naman muling ipinareha ang young actress kay Aljur.

"Ganun naman po talaga, e. Hindi naman puwedeng ikaw ang masunod sa ano... Kailangang ikaw ang sumunod sa kung ano ang ikakaganda ng show. Happy ako para sa kanya dahil magkakasama ulit sila ni Aljur.