celeb

RARE SHOT: Ex-couple John Lloyd Cruz and Liz Uy have remained good friends
by Candice Lim-Venturanza posted on July 9, 2011  STATS: 6490 Views | 54 Comments


Although her face was unmade-up,  Liz Uy graciously allowed this writer to take her photo with ex-boyfriend John Lloyd Cruz, one of ABS-CBN's most-prized talents.

Photo By: Candice Lim-Venturanza

Kaninang hapon, March 24, nagkita ang dating magkasintahan na sina John Lloyd Cruz at Liz Uy sa Summit Studio sa Pasig City.

Nagkataong magkasabay ang photo shoot ng dalawa sa iisang lokasyon—si John Lloyd, para sa isang feature sa YES! magazine, at si Liz, para sa article sa isang women's magazine.

Hindi naman nagkagulatan ang ex-sweethearts. Nasabihan na ang dalawa ng photographer na si Ronnie Salvacion nang nakita ni Ronnie na magsasabay sa Summit Studio ang dapat ay magkasunod na shoot nila. Si Ronnie ang photographer ng kani-kanilang shoot para sa magkaibang mga magasin.

Bandang alas-tres ng hapon dumating si Liz na wala pang makeup at nakasuot ng all-black outfit at naka-shades.

Noong panahon iyon, kinukunan pa rin ng pictorial si John Lloyd.

Binati ng sikat na stylist at Preview contributing fashion editor ang aktor. Agad namang lumapit ang Imortal star upang makipag-beso, sabay hug. Nagbiruan ang dalawa at nag-usap sandali.

Matapos ang kanilang maikling kuwentuhan, tinuloy ni John Lloyd ang shoot sa studio proper, habang si Liz naman ay pumasok na sa dressing room para magpa-makeup.

Sa loob ng dalawang oras, madalas magsalubong ang landas ng dalawa dahil iisa lamang ang makeup/dressing room sa naturang studio at maraming costume changes si John Lloyd.

Nang matapos ang shoot ng actor/matinee idol bandang alas-singko ng hapon, nagpaalam ito sa lahat ng tao sa studio, including Liz. Akala ng lahat ay papunta na ng kotse niya ang binata, na nagsabing meron siyang bisitang naghihintay sa bahay.

Ngunit ang pagpapa-alam niya kay Liz ay nauwi nang pag-uusap na nagtagal ng mahigit-kumulang ng 15 minutes. Nakatayo lang sila sa isang parte ng dressing room, habang nasa malapit lang nila ang isang tropa ng writers, stylists, makeup artists, assistants at iba pa.

Matapos nito ay saka nagpaalam ulit si JL/Lloydie sa lahat. Bago ito tuluyang umalis, nagbiro pa ito ng, "Ito na talaga!"

Kapansin-pansin na walang ilangan, na kumportable, ang dalawa sa isa't isa. Sinabi nila noon na maganda ang naging samahan nila, at bagamat ang anumang breakup ay may dalang matinding lungkot, sinabi rin nilang magkaibigan pa talaga sila. Sa Summit Studio, nakita ngang walang anumang tensiyon o alitan sa pagitan ng dating magkasintahan kahit na halos tatlong taon din ang naging relasyon nila.

Sa kasalukuyan, may kaniya-kaniyang buhay na ang dalawa. Si John Lloyd ay boyfriend ng aktres na si Shaina Magdayao, habang si Liz ang nali-link ngayon kay Direk Lino Cayetano.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

54 Comments

  • 54  candicebluv

    07/16/2011 | 02:05 PM
    Madam Auring? ikaw ba yan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  NeilEfanatic

    07/10/2011 | 07:53 AM
    mukha silang mag ina
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  pakiss_muna

    03/28/2011 | 06:56 AM
    ang dating ni JL jan mukhang tatay na sya hehehe si liz nmn di ganyan ang mukha nuon ty doc na din pala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  Gemski

    03/28/2011 | 02:47 AM
    ang panget ng lipstick ni Liz Uy...Parang yung mga lola na gusto pa rin maging groovy. Sana red na lang. One of the olsen twins ba yan? Hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  anasha

    03/28/2011 | 12:42 AM
    i'm fan of JL but i don't think bagay sa kanya ang role sa immortal. may vampire ba na chubby at taba ang mukha??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  mjay18

    03/27/2011 | 11:17 PM
    unang tingin kala koh tita ni JL.. si Liz uy pala.. toinks!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  singpinay

    03/27/2011 | 08:33 PM
    hahaha!!! akala ko fan na nagpapicture kay JL! di ako mgpapaayos dito sa Liz na to noh, sarili nga nya di nya maayos eh! sna tinignan mo muna sa salamain kung bagay sayo ang pink lipstick, mukha kang clown!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  tweeniecinco

    03/27/2011 | 07:34 PM
    sa article nag-usap sila ng ilang minuto ni john lloyd.so that means nakashade sya while nag-uusap sila ni JL?para namang ewan kung ganun...baka naman ayaw lang nyang makita ni JL yung mga mata nya, baka namamaga sa luha dahil na kang shaina na sya..haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  qazx

    03/27/2011 | 06:04 PM
    yung iba kc saten mga pinoy komo nagsusuot ng ganyan sunglassess sa hollywood makikigaya den walang pakealam kung bagay or hindi basta ang importante nakigaya tsk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  qazx

    03/27/2011 | 06:02 PM
    mukhang witch si liz dito... naturingan pa naman stylist
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  purelife

    03/27/2011 | 04:24 PM
    stylist to si liz pero di kinaya ng noo nya yung galababo nyang shades. si lloydie haggard pero wait nyo yung magazine, gwapo sya kasi ultra Photoshop.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  marikit_ako

    03/27/2011 | 02:26 PM
    sus! nagulat naman ako dun sa sunglass ni liz, para syang malaking tutubi ...hindi komot fashion designer na kahit hindi bagay sige lang suot lang hehe...para silang mag ina dito..cradle snatcher yan ms. uyyyy...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  writ

    03/26/2011 | 11:50 PM
    parang haggard si JLC dyan..hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  nice1

    03/26/2011 | 11:21 PM
    bagay naman sila ah........ bilang mag ina nyahahahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  hellopinkkitty

    03/26/2011 | 10:51 PM
    mukha silang mag-ina. mukhang late 30s na si Liz Uy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  lovejlc

    03/26/2011 | 02:34 PM
    maganda nman c liz. and ms gusto ko cya kesa kay shaina hehe. who knows dba? preho pa clang single. bka in d end sila prin tlaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  camcam123

    03/26/2011 | 10:56 AM
    JLC and ROPPA remained TNT on their relationship
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  luckyjoy

    03/26/2011 | 09:34 AM
    she looks like yoko ono.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  angel0607

    03/26/2011 | 09:28 AM
    At least friends sila, it's nice to see na walang bitterness at pareho nang naka-move on.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  angel0607

    03/26/2011 | 09:26 AM
    Kala ko nung una nanay ni JLC. Tsaka, mukha siyang manananggal dito. hehehe. Mas maganda pa rin si Shaina.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About