celeb

Angelica Panganiban on her best actress award for a comedy role: "Ipinapangako ko po sa inyo na lalo kong pagbubutihan itong kalokohang pinasok ko."

by Nonie V. Nicasio posted on July 25, 2011  STATS: 1444 Views | 45 Comments


  Angelica Panganiban receives her second best actress trophy for a comedy role from the Golden Screen Awards. Angelica first won as Best Comedy Actress in Star Awards for Television for the gag show Banana Split.

Photo By: Noel Orsal

Labis ang kagalakan ni Angelica Panganiban nang tanggapin ang kanyang tropeyo para sa Best Performance by an Actress in a Leading Role (Musical or Comedy) mula sa pelikulang Here Comes The Bride sa 8th Golden Screen Awards noong Sabado, April 2. Kaya naman nagpapasalamat siya sa Entertainment Press Society, Inc. (Enpress) bilang bukod-tanging award-giving body na mayroong ganitong kategorya.

"Sobra talaga akong natutuwa dahil binibigyan ng pansin ng Golden Screen Awards ang comedy," pahayag ni Angelica sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Teatrino, Greenhills na pinagdausan ng naturang okasyon.   

Nauna rito, nanginginig at halos maluha sa isang bahagi ng kanyang acceptance speech si Angelica.

"Grabe! Thank you, thank you, Lord, thank you, Enpress. Maraming-maraming salamat po!" sambit niya.

"Hindi po ako makapaniwala na nasa isang kategorya ako, kasama ko si Ate Uge [Eugene Domingo] na nanalo last year, si Ms. Ai-Ai delas Alas, si Toni [Gonzaga] at Tuesday [Vargas], at ako pa po yung nanalo. Kaya sobra po akong thankful at napakasaya ko.

"Matagal-tagal na rin po akong artista at hindi ko in-imagine, hindi ko inisip na magkakaroon ako ng trophy bilang nakakatawang nilalang. Ipinapangako ko po sa inyo na lalo kong pagbubutihan itong kalokohang pinasok ko..."

Dahil sa sinabing ito ni Angelica, inusisa namin ang aktres kung ang panalo niyang ito ay magiging daan para mas mag-concentrate na siya sa mga comedy projects, lalo't may gag show siyang Banana Split sa ABS-CBN.

"Hindi naman," sagot niya. "Siyempre, may mga offers pa rin ako na...may ginagawa akong drama at may ginagawa akong comedy. So, nakakatuwa lang na may mga taong nagbibigay parangal sa akin sa mga ganitong klase ng role na ginagampanan ko."  

Ano ang mas mahirap—drama, magpa-sexy, o mag-comedy?

Tumawa muna siya bago sumagot: "Mas mahirap ang mag-comedy."

 

PART 2. Mahusay na nagampanan ni Angelica ang karakter na Stefanie sa Here Comes The Bride, mula sa pagiging inosente at sopistikadang virginal bride na naging maharot na bading, at sa bandang huli ay nalipat-lipat pa sa ibang persona ang kanyang karakter sa sobrang nakakaaliw at nakakabaliw na paraan.

Kinumpirma ni Angelica na may sequel ang Here Comes The Bride. Ano naman kaya ang bagong ipakikita niya sa Part 2 ng naturang pelikula?

"Mayroon itong Part 2, pero inaayos pa namin, kaya dapat na abangan nila ito. Siyempre, mas lalo kong pagbubutihan ang acting ko dito," saad niya.

Mas may pressure ba o mas matsa-challenge siya sa Part 2 para mas malagpasan ang matinding performance niya sa Part 1 ng Here Comes The Bride?

"Hindi ko naman iisipin 'yon, basta happy lang ako. Pero sa ngayon, masayang-masaya lang talaga ako," pagtatapos niya.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

45 Comments

  • 45  xxxjmb

    05/11/2011 | 11:03 AM
    Melody i dnt think mayabang c angelica, hindi nmn xa nagyayabang ah. Bka napapraning ka lg sa ganda nya at tuloy d mo ma accept na magaling xa.haha nway good job angel u r one versatile actress..keep it up!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  sasha19

    04/07/2011 | 02:38 PM
    I think artistas are the most misunderstood people..sobrang taas ng expectations ng mga tao sa kanila and gusto ganito ang gawin nila or iarte nila. everybody expects them to be perfect, sa ayos nila, paguugali at pakikitungo sa mga tao. minsan, people around them tend to dictate pa nga kung ano ang dapat gawin or hindi dapat gawin..well, tao lang din naman sila. napapagod din sila and just like us ordinary people, nagkakamali and theyre really not perfect as people perceive them to be. we must admit though that meron din silang responsibility, but as ive said, theres no such thing or anyone as perfect.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  melody2

    04/07/2011 | 02:24 PM
    Hands up ako sa beauty niya but definitely hands down sa sobrang kayabangan niya sa katawan. Naka-ka turn off your grabeng believe mo sa sarili.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  orko

    04/07/2011 | 10:45 AM
    BASTA pagdating sa aktingan PANALO ka ANGELICA... mas magaling ka dahil VERSATILE ka...iilan lng sa mga local actresses nating ang VERSATILE at magaling... maricel soriano, cherrie pie, gina parreno at nida blanca... sa henerasyon ngayon ikaw ang NATATANGI, walng katulad.... Im sorry MArian R... wala ka pang napatunayan pagdating sa acting...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  comentaryo

    04/07/2011 | 09:39 AM
    sa mga artista,pangit man ang ugali o hindi okey lang yan.di naman cla nabibigyan ng award dahil sa ugali nila kundi dahil sa galing nilang umarte,sumayaw, kumanta, at magpatawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  kalye69_2005

    04/07/2011 | 09:14 AM
    Si Lovi kasi noong ini-interview ng press after the awards night, ayaw magsalita sa mga tinatanong sa kanya, lalo na kay Congressman Singson, kaya paano makakabuo ng matinong article ang mga writer? Si Angelica naman, lahat game sagutin, kaya 2 na agadd 'yung articles nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  benj_aquino59

    04/07/2011 | 06:29 AM
    Good job Angel! Super preety at versatile actress pa.. Thanks talaga sa mga detractors mo Angel, lalo kang gumaling!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  tagadaetako

    04/07/2011 | 06:13 AM
    I go for, Good Character.....1.....next person who also go for good character will put 2 and so on...so as in Good Acting
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  tagadaetako

    04/07/2011 | 06:06 AM
    Anong hahangaan nyo sa mga artista, good acting nila or good character...answers please...and lets do it in sequence ok.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  deevaq

    04/07/2011 | 02:56 AM
    nanalong best actress for comedy role? sa comedy acting nya di ako natawa.. sa pagkapanalo nya nitong best tress for a comedy role don ako natawa.... hahahah yan ang tunay na comedy..ang daming mas komedyana na mas deserving sa award siya ang binigyan,,,big joke talaga.. infairness kay angelica pinatawa nya ako sa award na to...fishy masyado ang award na to.. ano pa nga ba. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  ugok88

    04/07/2011 | 01:05 AM
    galing ni angelica,kya niang iportray kahit anung roles ibigay sa knya,kahit dun sa aga maricel super galing nia,iyakin tlaga sya kahit noong bata,i saw movies with her and sunshine d,and etc,ung nakagapos kong puso,hahaha nakita ko sya,ang liit pa nia pero madaling maiyak,c camille at heart at ung ibang child star na kasabayan nia,sya lang ang masasabing stable nasa showbiz,andito pa rin hanggang ngayon,c camille my family na c heart nakipaglive in na at lahat,c angel patanggap tanggap pa rin ng awards,wala talagang unfair sa buhay,lahat pantay2,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  gANNda

    04/06/2011 | 10:08 PM
    Ang galing talaga ng pinaglilihian ko lol... CONGRATS ANGEL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  DUBAIEYE

    04/06/2011 | 08:55 PM
    Jeenyooz bumabawi ata cla s mga kapalpakan nila k Angel regardinbg s unprofessional nlang write-ups sa hiwalayan issues ni Angel and Derek...tamo, bukas me bagong write ups n nmn cla for Angel's best actress award.....bka pati talambuhay n ni Angel eh i-publish p nila s YES!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  Jeenyooz

    04/06/2011 | 07:47 PM
    19 rorio711, thanks for including Marian Rivera for those who you think can act. However, bakit favorite yata ng PEP ang win ni Angelika? Nakaka dalawa nang articles about her win pero Lovi Poe also won in drama category pa, pero parang si Angelika lang ang nanalo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  Jeenyooz

    04/06/2011 | 07:40 PM
    19 rorio, tama ka dyan madaming magagaling ngayon, thanks for including Marian Rivera, at least marami ng nakakapansin ng acting ni YanYan. However, parang more focused ang PEP kay Angelica's win? How about Lovi Poe? She won in drama category. Nakaka 2 na kayong articles about Angelica's win pero kay Lovi wala?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  Aginaya

    04/06/2011 | 06:48 PM
    Super deserving sila ni Sweet. Cant wait for the Part 2. Congrats!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  Blood_Orchid

    04/06/2011 | 06:45 PM
    Di ba nanalo na siya ng award dati nung bata pa siya? Yung movie nila ni Maricel? I can't remember the title but she played an adopted child. Ang galing niya umiyak nung bata pa siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  dustmyeat

    04/06/2011 | 04:17 PM
    she deserves the award! lahat nalang artista! lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  dustmyeat

    04/06/2011 | 04:16 PM
    she deserves the award! wag lang pag artistahin c phil younghusband! lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  bhengot

    04/06/2011 | 04:13 PM
    She's versatile, congrats!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About