celeb

Jose Manalo and Wally Bayola get along with Pokwang because they share same background; comedy tandem reportedly in talks for own show on ABS-CBN

by Rey Pumaloy posted on July 25, 2011  STATS: 2255 Views | 76 Comments


Bagamat hindi pa kumpirmado, naibahagi ni Jose Manalo (left) sa PEP ang pagbibiro sa kanya ng Kapamilya Network lady big boss na si Charo Santos tungkol sa posibilidad na pagkakaroon nila ni Wally Bayola ng show sa istasyon.   "Ewan ko kay Ma'am Malou (Choa-Fagar of TAPE).  Binibiro niya kami kanina na puwede niya kaming gawan ng solo ni Wally.  Hindi na ako nakasagot e.  Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano e.  Pero sabi niya, totoo.  Kakausapin raw niya si Mr. (Tony) Tuviera.  Sana..." says Jose.

Photo By: File photo

Kapansin-pansin ang pagiging tahimik at hindi masyadong magulo nina Jose Manalo at Wally Bayola sa presscon para sa pelikulang kinabibilangan nila at pinagbibidahan nina Vic Sotto at Bea Alonzo, ang Pak! Pak! My Dr. Kwak, noong huwebes ng gabi sa Dolphy Theater, ABS-CBN 2 compound.

Malayo sa dating pagiging wacky at makukulit ang dalawa sa tuwing sasalang sila sa isang presscon.

Inalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa interview namin sa kanila kung may kinalaman ba ang pagiging behave nila sa unang pagkakataong nakatungtong sila sa bakuran ng ABS-CBN 2.

"Nahiya lang," bungad na pag-amin ni Jose. "Hindi kasi, pag press ang kaharap mo, wala naman doon sa bahay mo talaga.  Madalas mo kaming nakikita, napapanood mo kami, ganon kami kasaya.  Siyempre, dito maayos lang nang konti.  Ayaw lang naming ipakita yung kakulitan namin dito sa studio.  Medyo nahiya," dugtong na paliwanag ni Jose.

"Ako, nilalamig talaga ako.  Ang lamig-lamig," saad na rason naman ni Wally.

"Saka pagod.  Nag-taping kami ng 'Juan for all (isang segment sa Eat Bulaga! na palabas sa GMA-7),' dalawang kalye yung pinuntahan namin.  Sa Broadway na nga kami naligo.  Hindi na kami nakauwi ng bahay, dumiretso na kami dito.  Medyo pagod kami," paliwanag ni Jose.

Hindi man masyadong magulo, naging masaya naman ang batuhan ng mga jokes nina Wally at Jose kay Pokwang.

Base sa kuwentong nasagap namin, noong nagsisimula pa lang ang shooting ng movie, inulan nila ng tukso si Pokwang dahil nga first time nila itong nakasama sa isang project na nagkataong nagkaroon ng isyu kay Joey de Leon.


 
Noong taong 2008, gumawa ng kanta si Joey para sa Eat Bulaga! sa Los Angeles at tinawag niya ang former co-host ng Wowowee na "mukhang aswang."


 
Nasaktan nang husto si Pokwang sa pagpaparinig na ito ni Joey at maging ang kanyang anak ay naapektuhan sa patutsadang ito.

As fate would have it, nagkita si Joey at si Pokwang sa set ng pelikulang Pak! Pak! My Dr. Kwak, na co-produced ng Star Cinema at M-Zet Productions at duon ay nagkabati na sila. Ito ay nabalita sa PEP nuong April 6, 2011.

 "Hindi naman.  Ang asaran lang naman namin ni Pokwang, yung mga biruan lang. Pero yung tungkol sa show, hindi namin napag-usapan," paglilinaw ni Jose.

"Ang madalas na asaran namin ni Pokwang, yung pagkatao lang namin, yung harutan.  Yung mga kabastusan.  Yung mga ganon lang."

Hindi raw nasaksihan nina Jose at Wally ang pagbabati nina Pokwang at Joey de Leon.  Naka-alis na raw si Joey nang dumating sila sa set.

"Galing kami ng 'Juan for all.'  Galing kami ng malayong lugar kaya late kaming nakarating," pahayag ni Jose.

SAME ROOTS. "Hindi namin napag-usapan nina Pokwang yung pagkikita nila ni Joey.  Ang napag-usapan lang namin nina Pokwang puro kabastusan at yung paano siya magluto.  Yung pag-uumpisa niya, noong bata siya.  Kung saan rin kami nag-umpisa.  Kaya madaling nagkagaanan ang loob namin," dagdag pa niya.

Ang pagtungtong sa bakuran ng ABS-CBN 2 ay isa sa mga naisip rin na gustong gawin nina Jose at Wally.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

76 Comments

  • 76  chardine88

    04/16/2011 | 08:24 PM
    pokwang!!! sana sa eat bulaga ka na lang!!! ang sakit ng tenga ko sa isang female host nila don!!! actually hindi lang isa,halos lahat yata pero yung isa ang kinabwibwisitan ko talaga!!! akala siguro nila nakakatuwa sila pag sigaw ng sigaw at feeling kailangan ng sobrang mataas na energy. maingay ka pero hindi masakit sa tenga at kwela!!! nakakatuwa naman magkakasama kayo ni wally at jose... sana magshow rin kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  tiu_tiuseco

    04/11/2011 | 02:15 PM
    hindi naman sa pang-aano pero... nang-aano na nga siguro ako. hahahah! pero kasi ang dami nang ganyan, kukunin ng kabila, bibigyan ng show tas wala na... sayang! basta ganon, di ko masyadong maexpress basta alam ko the best yung showdown ni Achuete at Machete! hahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  tearhere

    04/11/2011 | 12:28 PM
    Di na kelangan mag move ng EB sa ABS,nkkatawa at nkka-aliw na cla kaya they dont need to help frm ABS talents,cla lng ang show na pinapanood khit na san chanel pa cla pumunta at khit cno pa mwla at madagdag sa kanila,basta anjan c Vic Sotto at Joey DeLeon aandar yan EB khit mwla pa un iba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  srini

    04/11/2011 | 10:58 AM
    Kala ko ba maraming malalaki at mga sikat na artista sa abs cbn? e bakit pinag kakaabalahan pa ni mam charo tong si wally at jose? Halata tuloy na wala silang tiwala sa mga talent nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  srini

    04/11/2011 | 10:56 AM
    71 DCnumbaah17 Nag iisip ka ba? Di mo ba alam na ang longest running gag show ay nasa GMA? ilan na ba ang show ang pinatumba ng bubble gang? Maraming komidyante sa abs cbn pero puro mga KORNI kaya yung mga show di nag tatagal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  DCnumbaah17

    04/11/2011 | 10:32 AM
    Eat bulaga should move to ABS-CBN! kasi pag nasa Kapamilya network cla, they can definitely extend their cast with people lyk Chokoleit, Pooh, Pokwang, and even back with Toni Gonzaga! Napansin niyo sa GMA-7 wala talagang mga comedians dun besides sa cast ng Eat Bulaga.. pag nasa dos cla mas masaya kasi mas marami ang pwedeng mag join!!! dba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  tearhere

    04/11/2011 | 09:39 AM
    Basta aq I luv Eat Bulaga,lumaki na q cla tlga pinapanood q,khit sang network pa cla mapunta I will always be a fan of d show..Parang gus2 q rin panoorin tong Dr. Kwak kse nkta q un teaser nya,nkka-tuwa lng mapanood un mga artista na identifyd pareho sa GMA and ABS pero once in a while nagsasama sa isang muvi project,and I must say na bagay kay Bea Alonza maging leading lady ni Vic Sotto,for some reason khit alam mong malau ang edad nila,may chemistry cla onscreen.Bilib tlga q kay Vic Sotto,pati Star Cinema di xa kinaya,hes really a certifyd box ofc king.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  lolalu

    04/11/2011 | 09:22 AM
    No. 54 kapusotalaga- Mali ang accusation mo na hindi puedeng lumabas ang mga talents ng ABS sa ibang network. Si John Lapus talent ng Star Magic pero lumalabas sa GMA. Si John Estrada, Matt Evans, Roxanne Guinoo, Jojn Prats. etc lumalabas sa TV5 dati kahit associated sila sa DOS. Ngayon na lang walang show si John sa TV5 dahil sa spat nila ni Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  amang

    04/10/2011 | 07:16 PM
    go go go mga kapuso...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  Einstein_1

    04/10/2011 | 02:05 PM
    patunayan nung sikat kau, mga no namers kapamilyaks.. naniniwala ka na malakas kau sa concert e ginamit na shampoo lang naman katapat ng mga concerts nu para makapanood ah.. at mga movies nu, panay flop. mga commercials nu, nam nam nam nam lang naman na tig pipiso. anchipipay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  Neverhearty88

    04/10/2011 | 12:38 PM
    yung mga kapuso patunayan nyo nalang lakas nyo sa movies at concerts palibhasa mga walang pambili ng ticket mga purita! ahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  Neverhearty88

    04/10/2011 | 12:35 PM
    pati sa movies. mabibilang lang ang kumikita samantalang sa star cinema kahit simpleng love story lang blockbuster lagi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  Neverhearty88

    04/10/2011 | 12:31 PM
    e totoo naman! akala mo kung sino magyabang ung mga fans ng kapuso e lahat ng nag rerate sa kanila ndi nila owned. like temptation, baker EB un lang naman. dapat palitan na nila name ng station nila. KBS arirang etc ahaha jusko. ung ginagastusan daw kuno nila aun mga flop naman at mabababaw ang storya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  machuraka

    04/10/2011 | 11:39 AM
    flopped kung flopped! wala kaming paki, at least meron napapanood at hindi nagsasara. eeeeeeeeee!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  machuraka

    04/10/2011 | 11:37 AM
    No 44 skyward anong tingin mo sa rating ng WW, ni hindi nga sila makaagapay sa TV Patrol eh kahit sa mega manila, bwahahahahaha! Dun ako believe sa tv5, ang lakas ng loob na tapatan ang 24 oras at tv patrol, eh institusyon na ang mga iyon. O ano ngayon kulelat sila, hu!hu!hu!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  Einstein_1

    04/10/2011 | 11:35 AM
    aminin nu na kc.. na FLOP talaga nag hapi yehey nu at sa abs talaga un. walang umaangkin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  Einstein_1

    04/10/2011 | 11:23 AM
    Pag flop ang eat bulaga, sa gma siya, pag mataas ratings, hindi naman siya GMA, ganun? inggit kn naman. san b napapanood ang eb? gusto nu na namang ipirate kc ang baba ng rating ng hapi yehay nu. db sa abs ang Happy yehey? lol wag ideny
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  Johann29

    04/10/2011 | 10:51 AM
    block timer lang eat bulaga sa GMA... although takot mawala ang GMA sa kanila ng eat bulaga dahil waley silang ipapalit dahil wala nman pdeng pang noon time s mga talents nila. At institution na ang eat bulaga noh. And yes, Eat Bulaga is NOT GMA, pansin nyo sa mga contestants bini brief yan "Thank You sa EAT Bulaga" lang ang sasabihin hindi GMA 7... observe my dears...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  eva4you

    04/10/2011 | 10:29 AM
    REMEMBER, IF YOU WANT YOUR JOB BE STABLE BE FAITHFUL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  eva4you

    04/10/2011 | 10:27 AM
    ID STILL DEFINITELY WATCH EB BUT NOT IF ID SEE THESE TWO FACES!!! NOT ANYMORE!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About