Humarap si Kylie Padilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling members of the press sa taping ng pinagbibidahan niyang afternoon soap sa GMA-7, ang Blusang Itim, sa Marikina kahapon, June 28.
May suot pang prosthetic si Kylie, bilang Jessa, nang makausap siya ng press.
Ayon sa young actress, masaya siya sa outcome ng Blusang Itim simula nang umere ito noong May 16.
Ayon kay Kylie, "I'm so happy talaga!
"Siyempre, thank you kay Direk [Jay Altarejos], pinapaganda niya talaga ang mga eksena.
"At nakakatuwa kasi, in everything, kung napapansin niyo, may hidden meaning ang mga eksena.
"Halimbawa, nag-aaway si Jessa at Mama niya, may doll na nag-aaway rin. So, nakakatuwa ang mga eksena."
Tinanong ng PEP si Kylie kung saan siya mas nagugustuhan ng viewers—yung maganda siya (Jessica) o pangit siya (Jessa)?
Natawa ito sabay sabing, "Tingin ko po, yung maganda. Kasi, nakiki-tweet ako minsan kina Frank [Magalona] at kay Bodie [Cruz], 'Ang ganda ni Jessica, ang ganda ni Jessica!'
"Pero sa public po, ang tawag po nila sa akin, Jessa. 'Jessa, Jessa, pa-picture!'"
Forty-five minutes daw ina-apply ang prosthetic niya. Hindi na lang daw niya iniisip na makati dahil lalo lang daw niyang nararamdaman. Mabilis naman daw kapag tinatanggal na niya.
DAD & STEPMOM. Natutuwa naman si Kylie sa ama niyang si Robin Padilla at lalo na sa stepmom niyang si Mariel Rodriguez sa pagiging supportive ng mga ito sa kanya.
Kuwento ni Kylie, "Si Tita po, madalas siyang mag-tweet. Tapos... Nakakahiya nga po, kasi sa ABS pa siya nanonood ng Blusang Itim.
"After ng Yipee, hindi pa siya umuuwi, nanonood pa siya do'n!"
Ang Happy Yipee Yehey! ang noontime show na hinu-host ni Mariel sa Kapamilya network.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 bignetworkwars
12 maemaechua
11 yobuchi
10 strawberry22
9 MaisyNYC
8 maemaechua
7 pepato
6 shidax
5 yobuchi
4 marawicity
3 camera_01
2 capisceniente
1 capisceniente