Mahaba-haba ang nilakbay ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) patungong location ng 2011 Metro Manila Film Festival entry na Panday 2, kahapon, September 29.
May kalayuan ang lugar kaya medyo nagkaligaw-ligaw kami patungong Istana Farm Gate sa Tanay, Rizal, kung saan nagshu-shooting ang nasabing pelikula.
Mula ito sa direksiyon ni Mac Alejandre, starring Senator Ramon "Bong" Revilla, Iza Calzado, Marian Rivera, Phillip Salvador at iba pa.
Last shooting day na ni Marian Rivera para sa kanyang karakter sa Panday 2 bilang Arlana, kaya 'di namin sinayang ang pagkakataong dalawin ang set.
Nadatnan namin ang isang building, na pinaghirapan itayo para magmukhang pugad ni Lizardo, played by Phillip Salvador.
BAGONG KARAKTER SA PANDAY 2. Bagong mukha si Marian Rivera sa Panday 2. Si Marian ang gumaganap na Arlana, love interest ng Panday na si Flavio, na ginagampanan naman ni Bong Revilla.
"Ako dito sa Arlana, ahm... bata pa lang si Flavio, sa maniwala kayo't sa hindi, magka-edad kami ni Flavio dito," simula ni Marian.
"So, bata pa lang siya, e, magkasama na kaming dalawa.
"Tapos, sa lahat ng pagkakataon na kinakailangan niya na i-save siya at mailigtas siya sa mga panganib, palaging nandoon si Arlana," paliwanag ng aktres sa PEP.ph.
FIRST TIME WITH BONG. How was it working with Senator Bong Revilla?
"Oo, first time. Unexpected, palaging gano'n yung sinasabi ko.
"Kasi, minsan pumapasok ako sa isang trabaho na ayokong mag-expect.
"Gusto ko lang yung kahihinatnan. Kung ano yung mangyayari, yun lang yun. So, unexpected na...
"Hindi pala siya mahirap pakisamahan. Mabait siya, at lagi kong sinasabing hindi lang siya mabait sa akin, or sa ibang artista, pati na sa lahat ng cast," ang sabi ni Marian.
"Okay siya, palaging...'O, kumain ka na ba?' Lahat tinatanong niya. Lahat!




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1082 juanenrico88
1081 7heaven
1080 7heaven
1079 7heaven
1078 jazzz
1077 jazzz
1076 7heaven
1075 7heaven
1074 7heaven
1073 7heaven
1072 ehemm
1071 7heaven
1070 ehemm
1069 critical_critic
1068 7heaven
1067 7heaven
1066 ehemm
1065 7heaven
1064 critical_critic
1063 7heaven
more comments