celeb

Maxene Magalona says there is no rivalry between the Magalonas and other showbiz clans

by Rommel Gonzales posted on November 24, 2011  STATS: 2635 Views | 7 Comments


  "Kasi, sana respetuhin na lang yung tatay ko. And for me, ayoko namang isipin yun. Kasi una sa lahat, meron ba? Wala naman. Hindi naman natin ever sigurado kung meron ba talaga. And if meron man, e, di bahala na," says Maxene Magalona about rumored sibling fathered by her dad outside their family.

Photo By: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene Magalona, at ikinuwento nito ang tungkol sa role niya bilang si Andrea sa bagong afternoon series ng GMA7, ang Pahiram ng Isang Ina under the direction of Joel Lamangan.

"Mabait ako dito. Pinsan ako ni Ate Carmina [Villarroel bilang Emily]," panimula niyang kuwento.

"Tapos na-train niya ako para maging right-hand assistant niya sa business [and] tapos sa buhay niya.

"Kasi ano ako, e, parang wala rin akong parang kinikilalang pamilya kundi siya.

"So, kami yung parang naging team na i-handle yung business niya pati sa personal life, sa bahay. Ganyan.

"Kaming dalawa yung magkasama," kuwento ni Maxene.

Galing siya sa Trudis Liit na mabait ang character niya. Mabait din ang role niya sa My Lover My Wife.

Ano ang kaibahan dito sa Pahiram ng Isang Ina?

"Well, yung sa Trudis Liit, ako yung nag-alaga kay Trudis [Jillian Ward]. Sa My Lover My Wife mabait ako dun na api-api ako. 

"Dito naman, mabait ako, pero palaban din. Kasi kailangan kong pangalagaan yung business ni Ate Carmina. Siyempre, laban dun sa mga taong sumasamantala sa kanya.

"Like si Antonio [Aquitania bilang si Johnny], tapos si Bubbles [Paraiso bilang si Eloisa]. 'Yang mga masasama [ang kalaban ko].

"Kami yung magkakampi against them. Pero kami ni Ate Carmina, mero'n din kaming mga conflict.

"Kasi ayaw niya kay Marco [Alcaraz bilang si Ryan] para sa akin dito sa show na to."

Bida rin sa series na airing na sa August 15 sa Dramarama sa Hapon ang tween stars na sina Bea Binene at Jhake Vargas.

Kasama rin sina Martin delos Santos, Rita Iringan, Mike Magat, Tony Mabesa, Jim Pebangco, at Shyr Valdez.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

7 Comments

  • cinelamour

    08/13/2011 | 08:15 AM
    richard is an action star? weh! di nga?!?!?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lukaret1

    08/13/2011 | 08:13 AM
    Sa lahat ng anak ni Kiko parang si Frank pa ang may potential. May looks and may promise ang acting. Itong si Maxene hindi mukhang bida puwede siyang kontrabida.Pareho sila ni Bianca King mukha silang kontrabida. Mabuti binibigyan sila ng break ng GMA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • greencardholder

    08/13/2011 | 04:27 AM
    ay thank you PEP sa pakikinig hehe. hindi na dapat i drag ang name ng namayapang Kiko respect lang. malaki din naman ang contribution ng mamang iyon sa OPM. tama? tamaaa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ehemm

    08/12/2011 | 11:22 PM
    na-magic na talaga ang article lols. that part of the story is not there anymore. you people ha, lols. but maxene is a pretty girl. does she also say like like like, like her mommy? lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coffeemix21

    08/12/2011 | 09:48 PM
    Nabasa ko to noon sa ibang website. There was even an invitation for the christening na talagang nakasulat na si francis nga ang ama. Still, I don't think it's right na i-ask pa ito sa interview. Give respect naman. Besides, how is it relevant sa mga nagbabasa?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ehemm

    08/12/2011 | 08:24 PM
    magic. umiba ata ang title lols. if there was another, well, may magagawa pa ba kayo, sila? if there's a little one, so be it. nothing they can do. leave yesterday behind, ano ba lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • greencardholder

    08/12/2011 | 07:09 PM
    anu ba yan. ke totoo o hindi sana igalang naman yung namatay na. ano naman ang importance nun sa career ng mga Magalonas? tong mga intrigero talaga oo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About