celeb

Lorna Tolentino denies son Renz is courting Kim Chiu

by Melba Llanera posted on December 2, 2011  STATS: 2494 Views | 12 Comments


  "Hindi daw [according to Renz]. Baka magalit ang mga Kimerald [fan group nina Kim at Gerald Anderson] niyan. Wala naman daw. Hindi raw. Sa akin, wala namang commitment si Renz ngayon. If ever na magsama sila [sa isang project], okay lang yun," says Lorna Tolentino when asked if her son Renz is pursuing Kim Chiu.

Photo By: Nimfa Chua

Recently ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna Tolentino kaugnay sa pagtatapos ng kanilang series this week na talagang sinubaybayan ng mga manonood.

Sa pagganap niya bilang Allondra sa seryeng Minsan Lang Kitang Iibigin, ipinakita ni LT ang versatility at brilyo ng isang mahusay na aktres.  

Playing a villain role in Minsan Lang Kitang Iibigin, napakahalaga ng karakter na ginagampanan ni Lorna sa seryeng ito sa Primetime Bida ng Kapamilya network.

Napakaepektibo raw niya bilang kontrabida kung kaya't minsan ay nagkakapisikalan na sila ni Amy Austria who's playing the role of Lora.

"Hindi naman sinasadya. It hapened one time, pero kasi, mali ang pagkaka-block ko.  

"Kailangan kasi mag-bend ka, e, natamaan niya ako. Alam mo naman pag sinasadya at pag hindi.  

"Pinag-uusapan namin [ni Amy] yun. Pag kailangan ng sampalan, pag totoong sampalan, pag sinabi ng direktor na dapat totoo, dapat gawin ninyo talagang totoo para effective," saad niya.

VIOLENT REACTIONS? Sa maraming pagkakataon, nakakaranas ang ilan sa mga artista na gumaganap ng kontrabida roles na masigawan, minsan pa nga ay mapukpok ng payong dahil sa epektibo nilang pagganap.  

Naranasan din kaya ni Ms. LT ang ganitong reaksyon mula sa mga manonood?

"Hindi naman, kasi siguro mas mature na ang audience natin ngayon. Mas matalino na. Alam nila na role lang 'yan.  

"Tapos, mas sanay naman sila na iba-iba naman ang ginagampanan ko.

"Katatapos lang ng Dahil May Isang Ikaw, mabait naman ako dun.

"So ngayon, alam nila na role lang ito. Trabaho lang."

Para sa aktres, ang pag-iba-iba ng roles na ginagampanan ay nagpapalalim ng kanyang versatility bilang isang artista. 

"Maganda yung ganito. Iba-iba yung nagagawa mo para mayroon kang verstility. Ayoko din naman na puro api na lang.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  jjjjjjjjjj

    08/20/2011 | 03:10 AM
    hayaan mo na lang dumiskarte ang mga anak mo, wag ka nang sumawsaw pa...kong sa bagay wala rin namang ibubuga ang mga kids mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  song751

    08/19/2011 | 05:59 PM
    Kahit anong picture dipa lumabas yung talagang mukha nya, me lungkot pa din.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  tili_2death

    08/19/2011 | 09:56 AM
    what kind of work does Renz do?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fecatada

    08/19/2011 | 08:12 AM
    guwapo si mark
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    08/19/2011 | 02:25 AM
    hang galeeeng galeeng lang ni ms LT talaga... actually lahat sila... walang tulak kabigin...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lhes2004

    08/19/2011 | 01:16 AM
    timeless beauty..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yaralei

    08/18/2011 | 10:10 PM
    sa totoo lang parang hindi gwapo ang mga anak ni LT...ewan ko lang ha...mas gwapo yong tatay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    08/18/2011 | 08:32 PM
    Grabe si Alondra...kakagigil talaga sya mula umpisa hanggang huli!! ang galing ni Lorna T. na artista talagang kya nya kahit na anong role...sana may gawin ulit silang serye ma miss ko silang lahat na part ng MLKI
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    08/18/2011 | 08:17 PM
    i love Renz super pogi at ang lambing magsalita!hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fatedtoloveyou25

    08/18/2011 | 06:15 PM
    naku miss lorna wag kang lilipat sa tv5.db balitang lilipat daw cya sa tv5..jan kna lng..hnd kna mapapanood kng dun ka sa tv5 pupunta...ang galing galing mong artista kya dapat manatili kna lng jan...tutal magaganda nman ang binibigay sau n project
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gayhazel

    08/18/2011 | 05:05 PM
    I so love Ms. LT,sobrang galing sa akting.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    08/18/2011 | 04:30 PM
    ayos yan basta full court.pag half court malabo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About