"Okey na po kami ni Kuya John. Wala na kaming problema sa isa't isa."
Ito ang naging pahayag ni Matet de Leon tungkol sa pagbabati nila ni John Rendez, ang lalaking naiuugnay sa inang si Nora Aunor.
Naikuwento ng dating child star na matagal na raw nawala ang sama ng loob niya kay John simula noong naintindihan na niya ang relasyon nito sa kanyang ina.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matet sa set ng bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Ikaw Lang Ang Mamahalin noong September 24 sa Multinational Village, Parañaque City.
Ang tungkol sa pagbabalik ni John sa bansa ang unang naitanong sa kanya.
Matatandaang hindi raw gusto ni Matet itong si John, na siyang sinasabing sanhi ng kanyang pagrerebelde noon.
Inamin ni Matet na dala ng kanyang kabataan, kung anu-ano raw ang naiisip niyang hindi maganda tungkol kay John noon. Pakiramdam daw kasi niya, ginagamit lang ni John ang kanyang ina.
"Kamalditahan ko kasi noong mga panahon na iyon. Hindi ako kinakaya ni Mama," sabay tawa ni Matet.
"Hindi n'yo naman ako masisisi kasi nga nagtataka lang ako before na bakit ba parating nasa bahay namin si Kuya John? Ano ba ang ginagawa niya sa bahay namin? 'Tapos parati pa silang magkasama ni Mama. Feeling ko, nawawalan na ng time si Mama sa amin dahil sa kanya.
"Kaya naiinis ako kay Kuya John kasi nga parang inaagaw niya si Mama sa aming magkakapatid. Doon na ako parang nagrebelde na. Sarado ang utak ko noon. Basta ang nasa isip ko, ginagamit ni Kuya John si Mama."
Pero naiba nga ang pagtingin ni Matet kay John noong hindi ito nawala sa tabi ng kanyang ina noong mga panahon na walang-wala na ito.
"Doon ko lang naman na realize na genuine ang pagmamahal ni Kuya John kay Mama. Nakita ko kung paano niya sinuportahan si Mama noong walang-wala na ito.
"Lahat ng mga kaibigan ni Mama, nawala na silang lahat. Yun mga parating nasa bahay namin noon ay hindi na namin nakikita. Parang nilayuan na nila si Mama.
"Pero si Kuya John, hindi siya nawala sa tabi ni Mama. Kaya doon ko nakita yung tunay na pagmamahal ni Kuya John kay Mama bilang kaibigan."
Dahil dito, nag-iba ang pagtingin niya sa lalaking halos 20 taon nang kaibigan ng Superstar.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
17 Monicafer
16 critical_critic
15 indiahenretta
14 wa2
13 hellotweety_87
12 endot
11 Jockinthepan
10 greencardholder
9 ksa_ofw
8 r2kin2
7 merlion_25
6 paxvobis46
5 shidax
4 Clara Pastor
3 showbizg
2 tili_2death
1 sensation