Sa guest appearance ni Shamcey Supsup sa Kris TV, sinabi ng host ng programa na si Kris Aquino na ipakikilala niya ang Miss Universe 3rd runner-up sa kapatid niyang si President Noynoy Aquino sa kabila ng pag-amin nito na mayroon na siyang boyfriend.
Lumikha ng panunukso mula sa ibang tao ang tinuran ni Kris.
Para sa ibang naghihintay sa updates ng lovelife ng Pangulo ng bansa, marami ang sumang-ayon.
Mukhang bagay nga raw ang dalawa, kung ang pagbabasehan ay ang achievements nila bilang indibidwal at bilang mahahalagang tao sa ating lipunan.
MEETING PNOY. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News kay Shamcey, kinumusta namin ang pagkikita nila ng presidente.
Nag-courtesy call kasi ang Pinay beauty queen sa Malacañang last Monday, September 19, kaya inalam namin kung nagka-ilangan ba sila dahil na rin sa panunukso ng mga tao.
Ayon kay Shamcey, "Hindi naman nailang. Sabi ko nga, pareho naming alam na the public misconstrue things.
"Pero alam naman namin kung ano ang totoo. So, it doesn't matter.
"Si Kris naman, alam ko naman na ganun lang siya. Siguro, form of nagdyu-joke lang siya sa akin.
"Hindi na ako naninibago, parang nasanay na ako.
"I don't remember [anything]. Ang dami naming pinag-usapan, pero hindi ko na maalala.
"I think it's more of... I forgot. Wala na mga brain cells ko dahil sa puyat at pagod!" nangingiti niyang biro.
Dagdag ni Shamcey, "What's most memorable lang was, he said he watched Miss Congeniality and I told him that I watched that same movie before I went to Brazil."
Ang Miss Congeniality (2000) ay isang Hollywood movie na pinagbidahan ng Oscar-winning actress na si Sandra Bullock.
Nang tanungin naman ng PEP si Shamcey tungkol sa boyfriend niyang si Lloyd Lee, evasive ang ating naging pambato sa Miss Universe tungkol dito.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
31 Leon888
30 showbizdak
29 showbizdak
28 alkassim
27 StocksAndBonds
26 kilabotako
25 pinoycali_ako
24 pinayincali
23 pinayincali
22 maria45
21 cygnet210
20 jemorz
19 pilyangmaganda
18 cygnet210
17 jorivers05
16 mrpogiako
15 lovejlc
14 birtwal
13 sweetcheese
12 cinelamour
more comments