celeb

Gerald Anderson plays mentally-challenged person in his upcoming teleserye

by Rommel R. Llanes posted on January 20, 2012  STATS: 578 Views | 21 Comments


   "Sobrang daming inspiration ang mabibigay nito sa mga tao, kapag pinanood nila ito. Kaya talagang magugustuhan ng mga tao ang bagong soap na ito na ipalalabas soon!" enthuses Gerald Anderson about his upcoming teleserye Budoy.

Photo By: Noel B. Orsal

Aminado si Gerald Anderson na basketball naman talaga ang una niyang passion bago siya nag-artista.

"Kaya nga pag may mga ganitong bagay, sumasali agad ako," sabi ng 22-year-old na aktor nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dugout ng mga players sa Batangas City Sports Coliseum.

Katatapos lang maipanalo nina Gerald at iba pang male talents ng Star Magic ang laro nila laban sa mga players ng St. Bridget College-Batanga,s sa score na 92-88, noong Linggo, October 2.

Invitational ang game na may titulo pang Lima-Lima Dine! A Celebrity Basketball Game.

Mapupunta sa Saint Francis de Sales Minor Seminary ang ibang bahagi ng ticket sales ng basketball game, na inorganisa ng grupo ng alumni ng St. Bridget at Saint Francis na Anakiko 88.

Kahit nga kagagaling lang sa ASAP Rocks, sabik na naglaro ng basketball si Gerald, kasama sina Rayver Cruz, Ejay Falcon, Young JV, Matt Evans, Aaron Villaflor, Xian Lim, Fred Payawal, Ram Sagad, at Jose Sarasola.

Kasama rin sa naglaro ang nakababatang kapatid ni Gerald na si Ken.

Very proud pa ngang ipina-interview ni Gerald sa PEP ang kapatid nang tanungin kung may balak bang sumubok sa kahit na anong professional basketball team si Ken.

"I plan to... I have to get in shape," sagot ng 20-year-old na si Ken sa PEP.

Pero si Gerald, nasubukan nang makilaro sa isang professional basketball team.

"Yeah. I played with the NLEX [Road Warriors]. Pero praktis lang yun. I just wanna stay in shape," sabi ni Gerald tungkol sa paglalaro sa 2011 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League champion.

Mukhang naging maganda naman ang resulta ng pakikipag-practice ni Gerald sa NLEX Road Warriors, dahil nung mismong game, kitang-kita ang husay niya sa paghawak ng bola, pag-assist, at pag-shoot mula sa freethrow area at mula sa three-point line.

Hindi naman katakataka na kayang i-handle nang maayos ni Gerald ang sarili sa hardcourt dahil dating miyembro ang binatang Fil-Am ng basketball varsity team ng school niya sa General Santos City.

At kahit sikat na bilang artista, hindi pa rin daw nakakalimutan ni Gerald ang pangarap niyang maging professional basketball player.

"Hindi talaga. Passion ko talaga ang basketball. Kaya nga pag may ganito, sumasama agad ako," nasabi muli ng Kapamilya talent.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  dhoodzky82

    10/11/2011 | 02:25 PM
    this is just another quality programs that would turn Kapuso pans sourer as they are used to their mediocre programs in primetime...for sure this is a must-watch teleseries and here in Italy we are waiting patiently for it to be aired in TFC....VIVA BUDOY!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  kilabotako

    10/07/2011 | 05:58 PM
    we love the tv series,,we love the role,,,we love the casting,,isa ito sa revelation kay GERALD ANDERSON bilang actor,,ang galing ni ge sa role niya,,ang ganda nung transistion ng looks niya sa movie,,itno laging gwapo to that certain role,,galing!ibang tema na parang mala FORREST GUMPS,I AM SAM,,love ko din ang tandem ni JESY MENDIOLA AT GERALD,,mas may kilig sila!cant wait to see,,sana maisama si ROXANE GUINOO-YAP,.LANCE CHRSTHOPER,TOM RODRIGUEZ,.JON AVILA,ANA ROCES,.JACKIR FORSTER,etc,,mix of past at new starsm,para mas fresh!,.its a challenging at interesting na tv series,,gudluck,,sana yung UTOY ni DOLPHY ipalabas na din pl,ssssssssssss
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  greatness

    10/06/2011 | 03:09 PM
    Hello, mga haters!!!Well,whether you like it or not,Kim and Gerald are so blessed. Napaka in-demand nila, from endorsements, primetime shows, movies,etc.Their movies were all certified hits,Gerald's film with Sarah was included in all time hit,whereas Kim is currently doing a movie with Ate Vi.All their teleserye were all top rating. What else???They are an inspiration to all young people,nakita ninyo na ba ang mga mansions nilang dalawa. Well, Spell inggit???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  edwardcullenfan

    10/05/2011 | 05:15 AM
    bago nyo sabihin na pangit o kamote ang bagong show ni gerald, panoorin nyo muna.ako at mga katulad kong parents ng special children ay sure na manonond nito. Bakit? kasi, naghahanap kami, sa kahit anong paraan, research man o palabas sa TV, nang mga bagay na lalong pagpapaintindi sa amin kung ano ang pinagdadaanan nang aming mga anak. At kung ano ang naghihintay sa future nila. siguro, ang mga taong hindi makakaintindi nang "dramang" ito ay simpleng manhid or talagang walang pakialam sa mga special persons sa palagid nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  cinelamour

    10/04/2011 | 11:55 PM
    so far. ang magandang palabas sa dos sa primetime. 100 days to heaven. at nasaan ka, elisa. yung my binondo girl, wag na. yung guns and roses. buti naman at tinapos na. hindi na malaman kung saan pupunta e.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  cinelamour

    10/04/2011 | 11:52 PM
    at least, gerald anderson challenges himself as a thespian. maskipaps. compared to kim chiu. who plays the same role over and over again. btw, my binondo girl is utterly boring and predictable. eto kayang budoy? siempre let us see muna.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  alexis2222

    10/04/2011 | 10:12 PM
    promising ang trailer... kaya ngayon palang nagmamaasim na ang mga kapuso na nasanay na ata sa mediocre shows ng gma... alam nyong lahat yan. ihihi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  darl722

    10/04/2011 | 07:59 PM
    Malaking sugal to kay Gerald at sa ABS dahil sanay tayo sa mga top actors natin na glamorous pero ang gumanap na mentally-challenged sa pang araw-araw na serye di pa nasusubukan. Dito ako hanga sa ABS at Gerald dahil nag eksperimento para maangat ang kalidad ng palabas sa TV. Hindi yung puro magic-magic o puro props mapa ibabaw man ng lupa, sa ilalim ng dagat, mapa ngayon, sa future, o sa nakaraan puro props at costume.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Speed_OfLight

    10/04/2011 | 05:53 PM
    yan din ang sabi nila sa binondo girl at nasaan ka elisa. powerhouse daw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  exclusibo

    10/04/2011 | 05:18 PM
    Powerhouse cast na pala ito? Against what program? Laban sa anime aba powerhouse cast nga ito. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  redsand

    10/04/2011 | 01:57 PM
    Sa casting palang PAMATAY NA! Wala na.. kayo n tlaga Kapamilya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  yaralei

    10/04/2011 | 12:27 PM
    i wanna see ms janice...kaya panoorin ko to plus i like gerald too....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • TigerPack

    10/04/2011 | 11:01 AM
    ang corny ni gerald, hnd bagay sa kanya ung role.. lagi nalang drama kahit may bagyo drama ulit, dapat ung comedy na matutuwa ung mga kababayan natin kahit malungot sila atleast mapapa ngeti natin sila hanggang tenga kahit hanggang ilong lang, lagi nalang drama ang lungkot2x ng pilipinas.. lagi nalang drama.. ang cornyyy lalo na ung bidaaaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    10/04/2011 | 10:23 AM
    hahaha natawa naman ako sa mga comments dito, labanan pala ng kamote dito, LOL..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iamrye

    10/04/2011 | 09:08 AM
    di masasabing kamote ang isang bagay na may kalidad at libre lang pinapalabas... no other woman 100M in 5days, Temptation Island 50M gross... yan ang totoong kamote teh..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Neverhearty88

    10/04/2011 | 09:04 AM
    mas kamoteserye naman yung amaya. trailer palang nito sure na sure na maghihit hindi man sa agb-gma ratings, sure fire naman sa puso ng mga pinoy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • orko

    10/04/2011 | 08:58 AM
    talagang kaabang abang to... aktingan na kung aktingan... nanjan si janice, mylene at zsa2x... naku, mangangamote na naman to ang kabila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wallcrawler

    10/04/2011 | 08:14 AM
    ibalik na lang ulit ang love team nila ni kim. indi nila kayang magdala ng sariling show. drama na naman? wala na bang iba? ah meron pala military serye kalowka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • greencardholder

    10/04/2011 | 08:08 AM
    haha hulaan ko. ang almusal ni no.2 ay ginisang ampalaya at ang inimom nya ay pinakuluaang ampalaya. haha aga naman mang nega.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovelike

    10/04/2011 | 07:47 AM
    isa na namang kamoteserye...dos laos!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About