celeb

Alex Gonzaga refuses to comment on controversy involving her sister Toni and Mariel Rodriguez

by Glen P. Sibonga posted on February 3, 2012  STATS: 1347 Views | 25 Comments


  "Ayoko nang magsalita. Kung ano na lang yung sinabi ng ate ko, siguro yun na lang yun. Kasi hindi ko naman nakakasama si Ate Mariel. Tapos at the same time, hindi rin naman namin yun napag-uusapan ng ate ko," says Alex Gonzaga (in photo) on controversy involving her sister Toni with Mariel Rodriguez.

Photo By: Glen P. Sibonga

Isang linggong ipinagdiriwang ng Juicy Express, ang morning showbiz talk show ng TV5, ang kanilang ikatlong anibersaryo na nagsimula kahapon ng umaga, September 26.

Pinakamasaya nga sa hosts nito si Alex Gonzaga dahil originally, solo lang siya nang magsimulang umere ang show noong 2008.

Naging ka-tandem naman ni Alex si IC Mendoza pagkatapos ng first season.

Last year ay mas dumami pa ang hosts ng Juicy at nadagdag nga sina Cristy Fermin, Mo Twister, at Shalala.

"Siyempre, masayang-masaya ako kasi tatlong taon na ang Juicy. Mula sa paggiging solo host, nakasama ko nga si IC.

"Tapos kasama na namin ngayon sina Nanay Cristy, Mo, at Shalala.

"Siyempre, the more, the merrier, di ba? Kaya mas masaya yung show.

"Mas kumpleto at mas maraming inputs mula sa hosts. Mas marami rin kaming nake-cater na audience.

"Nagpapasalamat kami sa TV5 dahil tuluy-tuloy lang ang show namin kahit iba-iba na ang naging timeslot namin.

"Ngayon nga ay napapanood na kami tuwing 11 o'clock ng umaga, Mondays to Fridays.

"Thankful din kami sa mga manonood at sa mga press people na patuloy na sumusuporta sa amin," sabi ni Alex.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex kahapon pagkatapos ng live airing ng Juicy Express sa Studio B ng TV5 sa Novaliches.

Ine-expect ba ni Alex na tatagal ang show nila?

"Siyempre nung una, parang kahit isang season [lang] masaya ka na.

"Tapos, bumilang ng isang taon. Dalawang taon, at ngayon nga nasa third year na kami.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

25 Comments

  • 25  kilabotako

    09/30/2011 | 06:26 PM
    E WALA NAMAN syang i cocoment naman,,pashowbiz kayo,,ok naman si toni at mariel,,susme kayo!!,,sus!!..let them work decently at proffesionaly,,yun lang yun,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  endot

    09/28/2011 | 05:22 PM
    congrats!!! Ang taas ng rating nyo sa agb at kantar!!! no 1 kayo ni cristy!!! Talo nyo na ang the buzz at sc!!! Mabuhay!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  dreamer

    09/28/2011 | 10:09 AM
    i like her more than her sister. kahit pa mas talented si toni, mas magaan panoodin si alex. mindan kasi si toni umo-OA na sa madaming bagay. sana mag international na din tv5 para mapanood yang mga shows na yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  jemorz

    09/28/2011 | 09:37 AM
    congrats! nkktawa kayo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  leavillarin40

    09/28/2011 | 03:46 AM
    she is nothing compared to tony, ang dami pa niyang kakaining bigas. she cant sing, hindi rin sya magaling umarte. dapat rin magpakahumble sya, medyo nayayabangan ako sa kanya. re mariel-tony issue, it's very clear that they cannot bring back their closeness before, paano ang arte2 ni mariel, napakafake at plastic, feeling masyado na asawa sya ni robin padilla na laos at matanda na, hahahaha. actually, pareho silang dawala ni robin na laos na, mabuti nga at aalis sila ng abs, nagflop na mga projects nila, meaning di na sila tinatangkilik ng tao, sawa na mga tao sa kanila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  puckerlips143

    09/27/2011 | 11:47 PM
    D nyo ba napapansin parang ang abs gustong maglaho career ni toni sobrang exposure nya halos araw araw makikita mo sya sa tv. Usually yun mga artista na ganyan bilis magsawa ng tao obserbasyon ko lang naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  straight4ward

    09/27/2011 | 06:54 PM
    oo nga naman hindi nga kagandahan at super talented yung mga GONZAGA sister, in fact sila mismo aminado sa puntong yan, masisi nyo ba sila if i hire sila ng mga TV network at other big companies for paid services..ang masasabi ko lang they are so blessed hindi nyo lang matanggap kaya yung pamimintas nyo bunga yan nang matinding INGGIT.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  almond143

    09/27/2011 | 06:53 PM
    Sex change b ito? Feeling pretty tigas ng dating
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  yaralei

    09/27/2011 | 06:42 PM
    sa ngayon walang wala ka pa rin comparing to your sister achievements...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  yaralei

    09/27/2011 | 06:42 PM
    si mariel ang plastikada..remember sinisiraan nya si toni noon? meron pang issue sa mga dancers noon na mostly na kay willie hambog na so i am sure marami ang hindi comfortable ang pagsali ni mariel doon..i remember meron din silang issue ni luis manzano..si mariel po ay lumaki lalu ang ulo noong napangasawa si robin padilla but do u think she will be happy forever knowing na this guy is very seloso..time comes na masasakal na rin tong si mariel..ok pa lang ngayon kasi bago pa lang akala nya siguro pagka seloso ay sobrang pagmamahal at saka she needs to work pa rin kasi all her husband's income..are they really married eh wala naman daw syang pinirmahan sa muslim rites nila...will go to his foundation plus dami pong anak tong si robin..once na babaero ka babaero ka pa rin..sana last na tong si mariel...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  froxz_123

    09/27/2011 | 06:31 PM
    agusanonko... agree ako sayo..feeling magaganda at importante. sa issue na ito itong magkapatid ang makikinabang. feeling masyadong sikat. mariel is sikat na may robin na kay willie pa mapupunta. i remember na noong suspended si willie mariel at robin kahit di pa sila mag-asawa noon wala silang masabi kay willie. means mababait sila except talagang di na kaya ni mariel kaplastikan ni toni. masyadong mataas at di marunong magpatawad. baka marami na ring tamarin manuod ng abs at isa na ako doon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  magsasaka

    09/27/2011 | 05:29 PM
    "Bawat hosts sa amin may personality at characteristic" sabi ni Alex. sabagay tama ka! may bolero, sulsolera, inggitera tapos pasok pa si Mariel, eh di may laitera pa! saan ka pa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  magsasaka

    09/27/2011 | 05:12 PM
    Oo nga the more the merrier. pero the fewer, the better fare diba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  diane84

    09/27/2011 | 04:26 PM
    they love each other.... ma fefeel mo tlga! sana lahat ganito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  exxcell

    09/27/2011 | 03:55 PM
    Ang dami naman dyan na magaganda at magagaling pang umarte pero bat ito ang ginagawang bida.Hindi marunong umarte feeling super beautiful pa.Haysst sayang lang ang plot.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  pepe2

    09/27/2011 | 03:01 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tili_2death

    09/27/2011 | 02:39 PM
    younger sister ni Ate Gay?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • redsand

    09/27/2011 | 01:16 PM
    Meron ganon?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • agusanonko

    09/27/2011 | 12:45 PM
    feeling nga ng mgkapatid nato na ang beauty2 nila..dnaman cla maganda sa true lang..bkit nga ba cla naging artista?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ayabaolinteu2

    09/27/2011 | 11:52 AM
    hahaha. positive na indi sya masyadong like ng mga naunang commenters.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About