celeb

Lovi Poe on acting: "It's the craft talaga that I want to push, not daring lang."

by Nerisa Almo posted on February 16, 2012  STATS: 566 Views | 13 Comments


  Lovi Poe on doing daring scenes: "I don't want kasi that people only see that part of me. I think it's the craft talaga that I want to push, not daring lang."

Photo By: Noel Orsal

Para kay Lovi Poe, tapos na ang napabalitang tampuhan nila ng Regal Films producer na si Lily Monteverde.

Ayon sa salaysay ni Lovi, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng pelikulang Aswang, totoong nagtampo siya sa Regal Entertainment matriarch na si Mother Lily nang humiling itong mag-shoot ng isang sexy scene para sa nasabing horror film. (CLICKE HERE to read related article) 

Muling isinalaysay ng aktres, "Medyo nagtampuhan nga kami dahil sa love scene na...Hindi naman kasi kailangan ng loveteam sa isang horror story.

"Ayon, tumawag si Mother Lily, nagpadagdag ng eksena.

"Sabi ko, huwag na. Parang too much na kasi from Temptation Island and My Neighbor's Wife, lagi akong may ganyang eksena.

"So, sabi ko, too much na at saka horror naman ito.

"'Tapos dumating pa ako doon, hindi ko alam na may love scene. Hindi ako ready. Sinabi lang sa akin noong nandoon na ako sa set."

Hindi naman daw nagtagal ang pagtatampong ito at kinalaunan ay pumayag na rin ang young sexy actress sa hiling ni Mother Lily.

"Mabilis naman ako [kausapin].

"Hindi naman ako 'yong aayaw-ayaw.

"Nagulat lang talaga ako na pagdating ko doon saka na lang nila sinabi sa akin," pahayag ni Lovi.

Nabanggit din niya na nai-dub na nila ang naturang eksena.

DIFFERENT LOVI. Hindi naman daw problema para kay Lovi ang gumawa ng mga sexy scenes.

Kung tutuusin, nagawa na rin niya ito sa dalawang nakaraang pelikula niya sa Regal, ang Temptation Island at My Neighbor's Wife.

Subalit, ani Lovi, gusto niya rin ipakita sa publiko ang kanyang kakayahan sa pag-arte nang walang halong pagpapaseksi.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  lizzy1230

    10/26/2011 | 05:53 PM
    xa lang gsto q sa gma in fairness magaling xa umarte dapat xa binikbigyan ng priority ng gma nd un pare pareho na lang mkha nakikita sa kanilang network
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  alegreelizah

    10/26/2011 | 04:15 PM
    i like her when she's nude, bold and daring but when she's clothed, wala na ang charm niya. Tama sina Mother Lily, kung di siya magpaka-daring or magpa sexy, di na siya maganda panoorin because honestly, doon lang siya nage-excel. Average lang naman ang ganda niya, she has to work double time para mapansin. Can you imagine if she is clothed in a nun's habit and doing sermons in a scene? probably she'll win an award if the role is serious but a flop at the box-office, kawawa ang producer.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  frankitude

    10/26/2011 | 03:14 PM
    Clueless and arrogant ang batang 'to. She's always seen in public wearing tight, revealing outfits, tapos megrereklamo that this is the third movie in a row where she's doing a sexy and daring scene. Even worse, to have the nerve na magmarunong and second-guess the producer. Mother Lily knows what she's doing, ok ineng? She knows you've been projecting a sexy image since you were a teenager. Dinagdagan niya ang love scene mo because she knows what the public wants and expects from you. It's called typecasting. But kudos to you for wanting to push your craft. I can't wait to see your next movie after this. I'm sure mas realistic ang love scene na gagawin mo dun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  midnightblue

    10/26/2011 | 02:30 PM
    hija, huwag kang pumayag na ma-exploit ng mga producers na yan, lalo na kung wala naman sa usapan yan. alam kasing matapang ka sa mga ganyang eksena, pero tama ka, hindi namn kailangan sa horror film yan. dapat din alam ng manager mo ang mga pinagagawa sa iyo. mahusay kang umarte, hindi ka naman kailangang magpaka-sexy ng husto sa movie, unless kailangan talaga, at worthy ang project.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dustmyeat

    10/26/2011 | 02:26 PM
    eto talaga c mother waterlily inggit sa kita ng NO OTHER WOMAN kaya palagyan din ng bed scene kahit hindi kailangan sa movie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zereena

    10/26/2011 | 12:36 PM
    ewan ko ba,pero ang dugyot nyang tingnan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spicy_tuyo

    10/26/2011 | 12:01 PM
    Sexy but not vulgar. Go Lovi! You are one of the best actresses of your generation.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alegreelizah

    10/26/2011 | 11:38 AM
    Oh! the real lovi poe, Heart Evangelista's best friend forever.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MARKY2000

    10/26/2011 | 10:56 AM
    Galing mong umarte Lovi.At mas bilib ako sa iyo kase nami.maintain mong private yung personal life mo.Hindi ka mahilig umokray para mapag-usapan lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wengski7

    10/26/2011 | 10:26 AM
    She has the talent and the looks...She will stay in the business.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shery

    10/26/2011 | 09:04 AM
    gusto ko tong batang ito... magaling talaga sa dami ng artistang babae sa ngayon, sya ang pinakamagaling umarte at hindi maarte. magaling sya talaga at hindi plastic. malihim lang sya pagdating sa lovelife kaya nasasabihan sya ng sinungaling pero OK lang yon buhay nya yon ang importante pinaghuhusayan nya ang pag arte, pagsayaw at pagkanta ..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinayclaudette

    10/26/2011 | 08:51 AM
    marunong umarte. marunong sumayaw, magaling pang kumanta. nde katulad ng iba puro pa sexy na lang ang ginagawa. nagiging trying hard tuloy sila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • blondie

    10/26/2011 | 08:47 AM
    I love this girl. Such talent.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About