Ram Revilla's murder was the biggest news last night on the three top primetime newscasts in the country—ABS-CBN's TV Patrol, TV5's Aksyon, and GMA-7's 24 Oras.

Photo: File photo

Ginugunita man ng sambayanang Pilipino ang Undas, isa pa rin sa mga bumabanderang balita sa lahat ng evening newscasts kagabi, November 1, ang developments sa kaso ng pamamaslang sa young actor na si Ram Revilla.

Matatandaang binaril at pinagsasaksak si Ram sa loob ng kanyang tahanan sa BF Homes Parañaque noong hatinggabi ng Biyernes, October 28, 2011.

Kasamang nabaril ang girlfriend nitong si Janelle Manahan. (CLICK HERE to read related story.)

Linggo, October 30, naman nang nasakote ng pulisya ng Parañaque ang dalawang suspects, at dito na nagsimulang magkaroon ng linaw ang sinasabing motibo sa pamamaslang kay Ram.

Kahapon ay naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pagkakaugnay ng ilang suspects sa krimen sa dalawang kapatid ni Ram: sina Ramon Joseph "RJ" Bautista at Ramona "Mara" Bautista. (CLICK HERE to read related story.)

Mabilis ang naging development ng kaso kahapon kaya naman tinutukan ng PEP ang iba't ibang news organizations tungkol sa mga updates ng kaso.

Ang sumusunod ay halaw mula sa reports ng primetime news ng tatlong istasyon—ang Aksyon Prime ng TV5, ang TV Patrol ng ABS-CBN, at ang 24 Oras ng GMA 7.

AKSYON PRIME (TV5): Revilla's statement: "A tragic death made even more tragic..."

Sa ulat ni Mae Anne Los Baños, ikinuwento nito na bandang alas-otso kagabi ay nagkaroon ng misa sa burol ni Ram.

Pero nakiusap ang pamilya Revilla na hindi na muna sila magpapa-interview dahil naging masalimuot ang naging resulta ng imbestigasyon.

Ayon pa sa ulat, pasado alas dos ng hapon nang dalhin ang tatlong suspects sa Parañaque Prosecutor's Office para sa gagawing inquest.

Kasama sa sinampahan ng kaso na "murder at frustrated murder" si Ramon Joseph "RJ" Bautista, ang nakababatang kapatid ng biktima.

Ayon pa sa report, may source na nakausap ang TV5 reporter na posibleng ang dahilan ng krimen ay "inggit at pera."

Si Ram daw kasi ang humahawak ng sustento, para sa kanilang magkakapatid, na galing sa amang si Senator Ramon Revilla, Sr.