Sa January 13 na ang huling episode ng Amaya. Inaabangan din ang susunod na project ni Marian Rivera (photo above), kasama ang real-life boyfriend niyang si Dingdong Dantes. Ito ang soap na My Beloved.

"Hindi naman sa mas masaya, pero, ang ganda na sa pagpasok ng bagong taon, ang ine-expect ko, magpapahinga muna ko. Tapos, sitcom lang ako. So ngayon, sabay na," she says.

 

 

Photo: Noel Orsal


Two more taping days at sa Biyernes, January 13, na ang finale ng kauna-unahang epicserye sa bansa, ang Amaya. 

Maituturing na isa na rin ito sa longest-running primetime series sa ngayon, at sa loob ng panahon na umere ito mula umpisa hanggang sa huling linggo ay masasabing top-rater.

Isang masayang Marian Rivera ang nakipag-kuwentuhan sa ilang entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang magkaroon ng press visit sa set kahapon, January 6, sa Marilao, Bulacan.

Ani Marian nang matanong ito tungkol sa pagtatapos ng epicserye, "Nakakaiyak kasi, napag-usapan nga namin kahapon, naka-sampung buwan kami sa Amaya

"Actually, isa ito sa pinakamahaba. Kasi, mahaba rin ang Marimar at saka Dyesebel, then ito nga."

Ang Marimar at Dyesebel ay pinagbidahan din ni Marian sa GMA-7.

Hindi nga raw maiwasan ang makaramdam ng lungkot si Marian sa pagtatapos ng Amaya.

"Nalulungkot ako, naiiyak ako.

"Kasi, parang, kami ni Direk [Mac Alejandre], nag-uusap kami. 'Direk, mami-miss kita.'

"Kasi, halos after Endless Love, siya na naman ang kasama ko. Ang haba namin. 

"Tapos, dito rin yung nagkaroon ako ng maraming kaibigan, naging close ako sa mga co-stars ko rito.

"So, nakakalungkot lang na magtatapos na, pero, siyempre, ganoon naman ang show. Palaging nagtatapos. Ang haba kasi," nakangiti niyang sabi.

Ngayong nasa huling linggo na nga sila, ano ang mga aabangan ng manonood sa pagtatapos nito?

"Marami! Kasi, maraming magbabati, maraming mamamatay at maraming mabibigyan ng leksiyon."

Happy ending ba?